(#06 Basement)

49 3 0
                                    

Naghahanap ako ng apartment na matitirahan dito sa Maynila.

Ang mahal kase masyado kung sa hotel pa ako rerenta.

Di naman ako mayaman, pero iginagapang ako sa hirap ng aking mga magulang upang makatapos sa kolehiyo.

Hindi naman ako nahirapan na humanap ng apartment, ang mura nga lang ng renta pero parang mga apartment sa U.S. ang pagkakadesign.

Tabi ng aking inuupahang kwarto ay ang basement.

Nirequest ko talaga na sa pinaka baba ako upang madali lang lumabas if ever magkasunog o anu pa man.

Unang gabi ko pa lang kahapon pero feel at home na agad ako.

Maunti pa lang kami na rumerenta dito, at karamihan sa kanila ay nasa second floor.

Kagagaling ko lang sa Part time job ko na pag-aassist sa librarian, ginabi na ako dahil panahon ngayon ng pag gawa ng thesis ng mga estudyante.

Buti na lang natapos ko na yung akin.

Pagpasok ko sa kwarto ay humiga na agad ako sa kama. Hindi pa man nagtatagal ang aking tulog ay naalimpungatan ako ng marinig ko ang ingay sa basement.

Parang may nagsisigawan na babae't lalaki

Ano kaya yun?

Di sana ako makikielam ngunit biglang may isang bata na pumasok sa kwarto ko. Di ko ba nailock yun?

Nagulat ako sapagkat ang daming pasa nung bata sa katawan at mukha, umiiyak sya at nanginginig.

"K-uyaa tulungan niyo po si M-mama huhu"

Naawa ako kaya pumunta na rin ako dun sa basement na tinuturo nung bata. Tinignan ko ang pinto ng basement, pagkalingon ko sa aking tabi ay nawala ang batang humihingi ng tulong sakin.

Sa isip isip ko ay baka humingi lang iyon ng tulong sa iba pa naming kapitbahay.

Dahan dahan kong binuksan ang basement at nagtaka ako na malinis at maayos naman ang lugar na iyon.

Mukha ngang hindi ito napuntahan man lang ng kahit na sino.

Takang taka ako na pumasok sa loob at hinahanap ko yung kaninang boses na naririnig ko.

Sa paghahanap ko'y nadako ako sa isang malaking picture frame sa pinaka gilid ng kwarto, may kalumaan na ito pero maaaninag mo pa rin ang mga imahe.

1898? Ayon ang nakalagay sa Frame

Tinignan kong mabuti ang litrato at laking gulat ko ng makilala ko ang bata sa litrato.

Ito yung batang humihingi ng tulong sa akin.

Agad akong tumakbo palabas ng basement ngunit nakasalubong ko ang isang lalaki.

Kilala ko sya, sya yung lalaki sa picture.

Natakot ako ng bigla niyang kinuha sa bulsa niya ang isang baril.

Akala ko ay ako ang tatamaan ngunit laking hilakbot ko ng makita ko ang bata at ang ina nito marahil na magkayakap habang duguan at wala ng buhay ang ina sa tapat ng kwarto ko.

Tinitigan ako ng batang babae at sinabi na.

'T-tumakbo ka na kuya...'

Third Eye (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon