(#02 Room 13)

71 4 0
                                    

Isa akong nurse sa isang Mental hospital.

At masasabi kong sanay na ako sa ibat ibang ugali ng mga pasyente na nakakasama ko.

Sila ay tinatawag na Living Dead, bagamat buhay ang physical na anyo nila, hindi naman nagana ang kanilang matinong pag iisip.

Sanay na ko sa ibat ibang kuno'y nakikita at naririnig nila. Ngunit iba ang isang pasyente sa Room 13

Hindi sya nagsasalita, nakatingin lang sya palagi sa kisame na akala mo'y may nakikita sya, bukod sa puting pintura nito.

Sa isang di inaasahang pagkakataon, ako ang naka assign upang painumin sya ng gamot noong hatinggabi na. Ako'y kanyang tinitigan at sinabing

'Nakatingin sya sayo, mag-iingat ka'

sinabi niya yon na para bang takot na takot sya, Saka muling ibinalik ang tingin niya sa kisame at kita kong tumatawa syang mag-isa.

Natakot ako kaya't agad akong tumakbo palabas ng Room 13 at pumunta sa headquarter ng mga nurse.

Iyon ang una't huling beses na kinausap niya ako.

Dahil kinabukasan ay nalaman kong namatay na sya dahil daw sa atake sa puso. Ngunit bago daw ito bawian, ay nausal pa niya ang salitang ito.

'Nakatingin sya sayo, Wag kang pupunta sa kwartong yun...'

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin saakin kung ano ang ibig nyang sabihin, at kung ano ba ang nakikita niya.

Simula din ng araw na yun, di na ako nagtangkang pumasok ng ROOM 13.

Third Eye (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon