P R O L O G O

2.9K 128 23
                                    

P R O L O G O

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila.
Minsan, easy-easy lang pero minsan todo bigay talaga sila.
Kaya kung sineryoso ka, mag-isip-isip ka na!
Huwag ka nang choosy lalo na kapag hindi ka maganda!
Pero, hindi ko naman sinasabing panget ka!
Kasi kung panget ka, e 'di sana, hanggang tingin ka nalang sa kanya!
Maganda ka sa panloob at. . . panloob!
Maniwala ka!
Kaya nga niligawan ka niya 'di ba?

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila.
Unang-una na dito ang panliligaw na minsan ay nauuwi sa pagsaboy sa mukha ng lalaki ng laman ng arenola na mayroong plema.
Pa'no ba naman kasi? Tumabi lang agad sa isang babae na nakaupo sa isang bench tapos yun na!
Ura-uradang tinatanong ang dalaga; 'TAYO NA, OKAY LANG BA?'
E di ang resulta, NGANGA PLUS SUNTOK SA MATA SABAY SABOY NG ARENOLA NA MAY HALONG PLEMA!

Iba't-iba ang ginagawa ng lalake para mahalin lang sila pabalik ng mga babaeng mahal nila.
Riregaluhan ni boy si girl ng chocolates at roses pero mababasted rin kalaunan kapag hindi na-sustain ng lalake ang rosas at tsokolateng galing china na medyo mura kasi expire na.
Pero magugulat ka nalang sa kanya kasi bukas makalawa, wala na!
Ang totoo, nainip na!
Pa'no ba naman kasi, 2 years mo siyang pinaasa.
Yun pala, roses at chocolates lang pala ang gusto mo sa kanya!
Isa ka kasing dakilang uportunista!

That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon