Step 7.0

964 42 5
                                    

"TINA! BWESIT KANG BABAE KA! ANG LANDI LANDI MONG PUNYETA KA! HINDI KO ALAM KUNG PA'NO KITA NAGING ANAK! BWESIT KA! HALIPAROT KA NI SATANAS! IIWANAN KA LANG NIYANG NG LALAKI MO BRUHILDA KA! SASAKTAN KA LANG NIYAN! PAPAASAHIN! GAGA KA! TANDAAN MO ANG MGA SINABI KOOOOO!"

Medyo malalim narin ang gabi dito sa subdivision namin kaya kahit papalabas palang kami ni Prince ay dinig na dinig ko pa rin ang pagsigaw ni Mama doon sa may tapat ng poste. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako at nakita kong umiiyak siya. Nakatayo lang siya habang hawak-hawak ang isang itak, nakatingin lang siya sa'min hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong balikan si Mama. Pero pakiramdam ko ay nasaktan na ako sa mga sinabi niya. Masyado ng masakit.

"Are you sure you're going with me?" Maingay ang motor ni Prince pero dinig na dinig ko paring ang sinabi niya. Ganito ba talaga ako kabaliw sa kanya? Na kahit ang ingay-ingay na ay naririnig ko parin ang boses niya? Na kahit pigilan ako ni mama ay sumasama parin ako sa kanya?

"Oo Prince, dalhin mo ako kahit saan, yung malayo kay Mama," malunungkot kong sabi kay Prince at niyakap ko siya sa likod niya. Pinulupot ko ang parehong kamay ko sa mabato niyang tiyan at malungkot na inilagay ang kanang pisngi ko sa likuran niya.

Marahil ito na yata ang pinakamasayang pagyakap ko sa isang tao. Grabe. Ang init ng katawan ni Prince. Nakakawala ng stress.

***

Hindi ko alam kung ano na ba ang oras ngayon. Pero pakiramdam ko, malapit nang mag-alas dose. Wala naring gaanong sasakyan sa daan. Tahimik narin ang buong syudad at pakiramdam ko, inaantok na ko dahil sa samo't-saring ilaw na nakikita ko. Yung ilaw ng mga poste, ng mga establisyemento at pati na ang ilaw ng mga bituin sa kalangitan. Lahat ng ilaw na iyon ay nakakaantok sa paningin ko. Gusto ko na yatang matulog.

First time ko ring lumabas nang ganitong oras at aaminin kong medyo namamangha ako. Ganito pala ang syudad kapag gabi. Ganito pala ka ganda. At paniguradong hindi ko mararanasan ang lahat ng ito kung wala si Prince.

Dahil medyo malamig narin ang hangin ay mas lalo akong napayakap kay Prince. Hindi naman siya nag-react kaya mas lalo ko pa siyang niyakap.

Inabot rin ng isang oras yung pag-travel namin Prince, at ngayon nandito na kami sa isang condominium. Yung condominium na photobomber sa landmark ni Rizal sa Luneta.

Mas naunang naglakad si Prince kaya hinabol ko siya at pinulupot ko yung kamay ko sa braso niya. Sabay kaming pumasok sa elevator, akmang magsasara na sana ito nang biglang may pumasok na couple na nasa bandang 30's na. Isang lalaki at babae na mukhang mga freelance model. Hindi ko alam kung nakita ba nila kami ni Prince pero wild na wild silang naghalikan sa harap namin na para bang invisible lang kami sa mga mata nila.

Nagsimula nang umakyat ang elevaor at ganun parin ang ginagawa nila. Yung babae, halos pudpudin yung labi ng lalaki sa sobrang lakas ng paghalik niya dito habang yung kamay niya ay panay naman ang himas sa may zipper ng lalaki.

Napayuko ako at namula. Napatingin ako kay Prince at namumula rin siya.

Maya-maya pa naghubad na ang babae at lalaki. Makisig yung lalaki at mukhang alaga yung katawan. Sexy naman ang babae. Para akong nanonood ng porn. Jusko! Yumuko ako at nagsadasal ng Ama namin. Amen.

"Prince, lumabas na tayo." Sabi ko kay Prince, hindi siya kumibo pero makalipas ang ilang sanadali ay agad nang nagbukas yung elevator. Agad akong tumakbo palabas, sumunod naman si Prince.

That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon