"Oh eto! " Idiniin niya sa mukha ko ang isang bouquet ng rosas. Muntikan na akong ma-out balance. Buti nalang talaga at hindi masyadong mataas ang heels na suot ko, kasi 'pag nagkataong 6 inches na naman ang suot ko ay paniguradong madadapa at magmumukhang palaka ako ng wala sa oras.
Napatingin ako sa kanya, medyo matangkad si Prince kaya medyo napataas rin yung tingin ko. Kahit maraming fans niya ang nakapalibot sa'min dito ay hinding-hindi ako manghihinayang na gawin ito sa kanya, "BWESIT KA BA!!" Umaalog ngala-ngala kong sabi sa kanya sabay sampal ng mga rosas pabalik sa mukha niya. Narinig ko namang nag-gasp yung mga fangirls niyang tanga. Bulong sila ng bulong na parang bubuyog, yung iba gusto akong batuhin! Yung iba gusto akong sakmalin dahil sa ginawa ko dito sa Prince nila! Bakit? Ano bang akala nila kay Prince? Santo? Poon? Nagmimilagro? Sinasamba?
"ANONG KARAPATAN MONG IDIIN 'YANG ROSAS SA PAGMUMUKHA KO? HINDI PORKET MAY GUSTO AKO SA'YO, BABASTUSIN MO NA AKO! ALAM MO BANG NAPAKAWALANGHIYA NG GINAWA MO! HOOOY! FYI! NANDITO KA SA SCHOOL KO KAYA AYUSIN MO ANG SARILI MO! HAYOP KA!" Sigaw ko sa kanya. Malakas na malakas yung pagsigaw ko. Halos lumabas yung gums ko sa sobrang lakas. Napansin kong tumalsik yung laway ko sa mukha niya pati na yung mga kanin na kinain ko kaninang umaga pero wala akong paki-alam. Bagay lang sa kanya 'yan. Buti nga hindi plema ang ibinuga ko sa kanya. May ubo pa naman ako.
Tinalikuran ko siya at padabog na naglakad palayo. Habang naglalakad, iniwasiwas ko yung mga humaharang sa'kin sa daan.
"ALIS!!!" Nakadilat matang sigaw ko dun sa mga babaeng chismosa! Medyo nakatakot ko ata sila kaya agad silang nag-give way. 'Sorry po' sabi nila. Yung ibang mga humaharang sa'kin, sinusuntok ko sa sa boobs o 'di kaya'y tinutuktukan ko sa ribs. Kaya yung mga sumunod na nagtakang humarang, umalis na! Pero yung mga matigas talaga, binato ko sila ng bato sa noo nila. Ngayon, sinong mas matigas ha??
May guard rin na lumapit sa'kin pero wala rin siyang sinabi! Kinarate ko siya. Tumba!
Makakapasok na sana ako ng gate nang biglang may humawak sa braso ko na naging dahilan para mahinto ako sa paglalakad,
"ANO BA!!!! BITAWAN MO NGA AK-----" hindi na ako natapos sa pagsasalita nang bigla akong hinila ni Prince papunta sa kanya. Natulala ako at parang na-hypnotize sa mga mata niya. Pero ang mas kakaiba ay nararamdaman ko yung laman ng zipper niya.
"Gusto mo ako diba?" tumingin siya sa mga mata ko. Nang mas lumalim pa ang tingin ko sa kanya ay 'di ko namalayan na tumirik na naman ang aking mga mata. Para akong dinideleryo. Parang kinukumbulsyon. Jusko! Ano 'to? Ano 'tong nararamdaman ko?
Nagsalita ulit si Prince, "If you want me, and if you really want to make a revenge on me.. then," Lumapit siya sa may pisngi ko, dumampi yung labi niya sa tainga ko saka siya huminga at nagsalita na siyang ikinagitla ko, "Ligawan mo ako."
Matapos niyang bigkasin ang tatlong lipon ng mga salitang iyon na nagpatirik sa mga mata ko ay bigla siyang kumalas sa pagkakahawak sa bewang ko. Unti-unting nawala ang pagdampi ng hininga niya sa tainga ko. Bigla ring nawala ang init na kamay niyang kanina lang ay nakasuporta sa likod ko. Muntikan na akong matumba nung kumalas siya, mabuti nalang at nabalanse ko ang katawan ko.
Nang mapagtanto kong unti-unti na siyang lumalayo at nawawala na sa panigin ko ay bigla akong nakaramdaman kawalan ng lakas. Pakiramdam ko hinigop niya lahat ang enerhiyang mayroon ako. Pakiramdam ko, panandalian niyang kinalas ang kaluluwa sa katawan ko at nang bumalik na ang kululuwang iyon ay bigla akong natulala habang pinagmamasdan siyang pumapasok sa kotse niya kasama ang mga ka-banda niya.
Naiwan akong lupaypay.
Tulala.
Naka-dilat ang mga mata at naka-nganga.
BINABASA MO ANG
That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)
Short StoryNatural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural lang na kiligin tayo 'pag ngitian tayo pabalik ng taong hinahangaan natin. Pero natural pa rin bang ta...