"So, we're official?" tanong niya, medyo namula ako ulit. Medyo kinabahan pero hindi naman ganoon ka grabe. Chill lang pero pakiramdam ko, para akong estudyante na naka-recieve ng scholarship sa sinabi Prince. Gusto kong tumawa ng malakas at magpakalunod sa saya. Gusto kong maghubad sa loob ng bar na ito at mag-oblation run. Ang saya-saya!
Inayos ko ang sarili ko at tsaka nagsalita, "Oh..Oo! Tayo na! Hahaha!" Sabi ko at natawa nalang in a sarcastic way. Ang saya saya naman pero pakiramdam ko tuloy, parang friend request sa Facebook ang nangyayari sa'min ngayon ni Prince. Parang ito na yung CONFIRMATION PROCESS na medyo awkward kasi pakiramdam ko mukhang hindi sigurado or let say parang may hesitation si Prince o baka naman guni-guni ko na naman ulit?
Okay narin 'to kasi magiging malinaw narin sa'kin at sa part niya na kami na talaga. Hindi na yung tipong mapapatanong ako ng 'Kami ba o hindi pa?' Hindi na ganoon. Hindi na ako mag-a-assume! Hindi na 'to joke! Totoo na 'to! Boyfriend ko na si Prince, girlfriend na niya ako. Kami na! Kaming kami na!
Habang naiisip ko ang thought na iyon, ay bigla akong napangisi at napangiti ng pagklapad-lapad, kulang nalang ay mapunit yung mukha ko sa sobrang pagngiti e. Ang saya-saya ko! Ang saya-saya ko talaga!
"Okay, then, pwede ka nang umalis," sabi niya sabay turo sa exit na siyang ikinanganga ko.
Biglang nawala ang matamis na ngiti sa mukha ko at naging blangko ang ekspresyon ng mukha ko. Napatingin ako sa mukha ni Prince at ni bakas ng pagdadalawang isip ay hindi ko nakita sa mukha niya. Yung usual niyang bored look lang ang tanging nakikita ko. At a-ano anong sabi niya? Alis na daw a-a-ko?
Dahil medyo maingay dito sa loob ng bar dala ng pinaghalong ingay ng mga tao pati na ng isang soloist na kasalukuyang kumanta ng 'Let Me Be The One' ni ay medyo hindi nag-sink in sa utak ko ang sinsabi ni Prince ngunit nang itinuro niya ulit ang exit sa pangalawang pagkakataon na parang bang may aso o hayop siyang pinapaalis ay medyo bumalik na naman yung pighati sa puso ko. Jusko! Paniguradong natatawa na ang nagbabasa nito pero bakit sa part ko, bakit---bakit? Ang sakit?
"P-prince, s-sigurado k-ka ba? A-alis, I m-mean, p-paalisin mo na a-ako?" Parang robot na kinukumbulsyon kong tanong kay Prince. Tinignan niya lang ako na para bang sinasabi niya na ang boring-boring kong kausap. Ang sakit grabe! Pakiramdam ko iiyak na talaga kaso bigla siyang nagsalita, "Why? Do you do you something else?"
Do you do you something else?
Do you do you something else?
Do you do you something else?
Do you do you something else?
Para akong nabato sa tanong niyang iyon. Para akong nataehan ng ibong adarna ngayon. Do you need something else? Bakit ganun? Pakiramdam ko parang ang kadugtong nun ang mga katagang, 'TAYO NA! ANO PA BANG KAILANGAN MO?'
Bigla akong napahawak sa table ng 'di oras nang makaramdam ako ng paninigas sa binti ko, napalunok ng laway, tumitirik na naman ang mga mata ko tapos pakiramdam ko ma-o-out of balance nga ako at 'di nga ako nagkamali kasi. . .
"JUSKO! YUNG BABAE! NAHIMATAY!!!"
For 30 seconds ay humilata ako sa sahig na tanging puti nalang sa mata ang nakikita habang nangingisay pero to my disappointment, walang Prince ang tumulong sa'kin! Binuhay ko ang sarili ko ng mag-isa!
"Ang sakit," mahinhin na daing ko sa sarili ko nang makatayo na ako. Tinutukoy kong masakit yung ulo ko pati na ang puso ko. Ikaw kaya hindi tulungan ng boyfriend mo? Ano? Tatawa ka lang?
"Rita," nagsalita si Prince.
"Tina, Prince. Tina ang pangalan ko." Sabi ko. Ouch ha! Hindi na nga ako tinulungan, hindi niya pa niya memorize ang pangalan ko! Four letters lang 'yun! Jusko! Akala ko pa naman matalino siya.
BINABASA MO ANG
That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)
Short StoryNatural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural lang na kiligin tayo 'pag ngitian tayo pabalik ng taong hinahangaan natin. Pero natural pa rin bang ta...