Step 9.0

1.7K 67 19
                                    

"Walang hiya ka! " Bigla akong sinugod ni Unique. Kitang-kita ko kung paano nagtangis ang mga ngipin niya. Kitang-kita ko kung paanong mabilis na gumalaw ang mga binti ni Unique papunta sa'kin. Kitang-kita ko ang pagbagsak na luha niya sa kanyang mga mata at mabilis pa sa pagkurap ko ay nakalapit na pala siya sa'kin, mabilis niyang ikinuyum ang kamay niya sa buhok ko, mula sa kaliwa-mula papuntang kanan ay walang pagdadalawang iniwasiwas ni Unique sa ere ang ulo ko.

Ni isang bakas ng awa ay wala akong nakita sa kanya. Tanging puot at galit ang namutawi sa mga ni Unique habang ginagawa niya iyon sa'kin. Makalipas ang ilang sandaling 'pag sabunot niya sa buhok ko at natumba ako sa lupa, pigilan siya ni Prince pero patuloy parin si Unique sa kanyang ginagawa. Paulit-ulit.

"KAININ MO 'TO!!!" Itinapon ni Unique sa mukha ko ang ADOBO na laman ng Tupperware na dala-dala niya kanina. Idinin niya ang laman ng tupperware sa mukha ko at hindi pa siya nakontento at ipinukpok niya ito sa ulo ko. Malakas! Dinig na dinig ko ang pagputok ng isang ugat sa sintido ko.

Itinayo ako ni Unique at muling ibinalibag ang ulo sa ere. Bagamat may kaonting lakas pa ako ay hindi ako nanlaban. Paulit-ulit niyang sinutok ang bawat parte ng katawan ko. Masakit oo, pero hindi ako gumati at napaiyak nalang nang makaramdam ako ng pagkirot sa pagitan ng hita ko.

Nagmukha akong taong grasa sa harapan ni Unique dahil sa mga mantsa ng adobo na dumikit sa katawan. Hindi siya naawa at pinulot niyang muli ang tupperware at paulit-ulit niya akong hinambalos sa'kin at nang mapagod siya saglit ay bigla niya akong sinigawan.

"MALINDA KA!!" Sigaw niya sa'kin at hindi siya nagdalawang isip na pagsampal-sampalin ang mukha ko. Buong pwersa siyang pinipigilan ni Prince ngunit nagagawa parin niyang kalmutin ang pagmumukha ko. Dinig na dinig ko kung paano niya ako murahin at sigawan. Dinig na dinig ko ng paano siyang umiyak. At kahit pa alam kong nasasaktan na ako ay hindi na ako pumalag pa at hinayaan ko lang siyang saktan ako. Saktan na niya lahat 'wag lang ang batang nasa sinapupunan ko.

Napahawak ako sa tiyan ko nang nakaramdam ako ng matinding kirot. Hindi ako makagalaw sa sobrang sakit. Nanunuot ang bawat kirot sa bawat hibla ng laman ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang hapdi nang tiyan ko ngunit hindi ko iyon naganawa nang tadyakan ako ni Unique sa may tiyan ko.

"Unique, stop!" Pinilipilit ni Prince na ihiwalay ni Prince si Unique sa'kin pero hindi niya nagawang makontrol si Unique. Muli niyang iniwasiwas ang ulo ko habang pinagsasampal-sampala ang mukha ko. Gustuhin ko mang hindi umiyak ay wala akong nagawa. Traydor ang mga luha ko.

"Tina, bestfriend kita!" Humahagulhol, ay sinabi sa'kin ni Unique ang mga salitang iyon sa akin. Hindi ako nakapagsalita dala ng kirot na nararamdam ko ngayon, ni hindi rin ako makatingin sa kanya, tanging hikbi lang ang isinasagot ko sa kanya. Wala akong mukhang maiharap sa kanya kaya nakayuko lang ako all this time. Nahihiya ako para sa sarili ko. Kung pu-pwede lang ang lamunin na ako ng lupa ngayon sa sobrang hiya na nararamdaman ko para sa sarili ko. I pity my self. Awang-awa ako sa sarili ko.

Hinayaan ko lang si Unique na gawin ang mga bagay na ito sa akin. Kasi sa pagkakaalam ko, ito ang  nararapat sa isang babaeng katulad ko. Tamang tama lang sa'kin ang bagay na ito. Tamang-tama lang 'to para sa'kin nang magising ako mula sa katangahan ko. Lahat ng katulong at guards ay nakatingin lang sa'min. Walang nagbabalak na lumapit. Walang nagbabalak na pahintuan ang amo nilang nagbibigay sa kanila ng yaman.

"Tina, bestfriend kita," habang nakahawak sa balikat ko ang mga kamay ni Uniqe ay umaagos sa parehong niyang mga mata ang mga luha. Muling sinabi sa'kin ni Unique ang bagay na iyon na mas lalong nagpatindi sa guilt na nararamdaman ko. Gusto ko pa sanang mag-explain sa kanya pero ano naman ang sasabihin ko? Na natukso lang ako? Huling-huli na ako sa akto!

That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon