HOW TO COOK ADOBO IN 9 EASY STEPS?
( Mini Cookbook )Una, tadadrin mo yung Manok! Kung gusto mo, tadtadrin mo narin ang sarili mo tapos isali mo narin yung BABAE MO!
Pangalawa, painitin mo yung kawali, tapos iwan mo sandali. Kagaya ng pag-iwan mo sakin, G*GO KA!
Pangatlo, hiwain mo yung bawang kagaya ng PAGHIWA MO SA PUSO KO! PINONG-PINO!
Pang-apat, hiwain mo yung sibuyas, siguraduhing wala kang katabi habang naghihiwa nang wala nang iba pang LUMUHA! HUWAG KANG MANDAMAY NG IBANG TAO! KUNG GUSTO MO, MATA MO NALANG ANG HIWAIN MO NANG HINDI KA NA TUMINGIN SA IBA!
Pang-lima, dikdikin mo yung PAMINTA! YUNG TIPONG DUROG NA DUROG! Magaling ka naman dun diba?
Pang-anim, ilagay ang mantika sa mainit na kawali, pagsabay-sabaying igisa ang bawang at sibuyas kagaya ng pagsabay-sabay mo sa aming LIMA! OO! LIMA! Hindi isa, hindi dalawa, kundi LIMA! GUSTO MO ILAGAY KO SILA SA DEDICATION NANG MALAMAN NILA KUNG GAANO KA KAHAYOP LALAKE KA!? NA MAS HAYOP KAPA SA LULUTUIN MONG ADOBA HA!? ANO!? MAGSALITA KAAA!
Pang-pito, huwag mo hayaang masunog ang bawang at sibuyas kagaya ng pagkasunog ng KALULUWA mo! MAAWA KA SA BAWANG AT SIBUYAS! Ay may nakalimutan pala ako. . . HINDI KA NGA PALA MARUNONG MAAWA! Sige, sunugin mo nalang yung bawang at sibuyas. . . HAYAAN MO LANG! TIGNAN MO LANG!
Pang-walo, ilagay ang manok, isunod ang toyo at paminta! Tapos tikman mo kung MASARAP! Ganyan ka naman diba? Tapos kung HINDI KA PA RIN KONTENTO, maglagay ka ng DALAWANG KILO NG VETSIN! OO! DALAWANG KILO NG VETSIN AT 'WAG NA 'WAG KANG MAGHE-HESITATE na isahog ito sa adobo KAGAYA NG HINDI MO PAG-HE-HESITATE NA LOKOHIN, SAKTAN, AT IWAN AKO SA ERE!
LASTLY, kapag nahalo mo na yung VETSIN ng MAIGI, i-serve mo na ang adobo! KAININ N'YONG DALAWA NG BABAE MO! UBUSIN N'YO HA? NANG MAMATAY KAYONG DALAWA SA SARAP HABANG TUMITIRIK ANG MGA MATA! HAPPY EATING and..... HAPPY ENDING!
***
Add me on Facebook:
www.facebook.cpm/joeyj.makathangisip ( or simply search, JoeyJMakathangIsip )
Follow me on twitter: @jjmakathangisip
Read my stories on watppad: @JoeyJMakathangIsip :DVote & Comment. Xoxo. JoeyJMakathangIsip ♥
BINABASA MO ANG
That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)
Short StoryNatural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural lang na kiligin tayo 'pag ngitian tayo pabalik ng taong hinahangaan natin. Pero natural pa rin bang ta...