Step 5.0

888 55 5
                                    

Wala akong ginawa kundi sundan lang at sundan si Prince at ang grupo niya.

Siyempre, sinagot na niya ako diba? Ibig sabihin, boyfriend ko na siya. At dahil boyfriend ko na siya, karapatan kong sundan saan man siya magpunta. Mapa-CR man o KUBETA!!

"Pareho lang yun! Boba!" sigaw ng konsensya ko. Pero sa totoo lang, kung susundan ko siya ngayon, para ko naring di-niprive sa kanya yung privacy niya. Lahat kaya tayo ay may right to privacy. Kahit pa boyfriend mo yung tao, wala kang karapatan na halungkatin yung laman ng cellphone niya. Cellphone niya 'yun e. Karapatan niyang sabihin o hindi ang nasa loob ng cellphone niya. Right to privacy ang tawag dun. Kahit sa password ng social accounts niya, may karapatan siyang huwag iyon ipaalam sa iba, lalo na sa iyo. Sa kanya yun e. At kung sasabihin mong "Kung wala siyang itinatago sa'kin, e dapat binibigay niya sa'kin yung cellphone at password niya." Naku! 'Pag ganyan ang isasagot mo, isa lang ang masasabi ko. Nagdududa ka na kasi nawawalan ka na ng tiwala sa kanya! At kung nawawalan ka na ng tiwala sa kanya, mag-ingat ka kasi baka mawalan rin siya ng tiwala sa iyo. Boom!

Sumakay ako ng tricycle at pinasundan ko yung si Prince at yung mga ka-banda niya. Pero hindi ibig sabihin nun na dini-deprive ko na sa kanya yung privacy niya ha? Gusto ko lang na magkaroon kami ng closeness. E boyfriend ko pa naman siya at girlfriend pa naman niya tapos wala kaming alam sa isa't-isa? Well, except for me kasi stalker niya naman ako dati so marami akong alam sa kanya.  Pero si Prince? Anong alam niya sa'kin? All he only knew was that I'm just aweird fan of him na handang gawin ang lahat para sa kanya. Baka nga hindi pa niya alam ang pangalan ko e. Ano 'yun? Joke?

"Kuya ito po," sabi ko kay kuya driver, aalis na sana ako kaso bigla siyang sumigaw, "Yung sukli mo!"

Naidilat ko yung mga mata ko. Yung sukli na naman? Lumingon ako sa driver! Siya yung kaparehong driver kahapon na nagbigay sa'kin ng hugot line tungkol sa sukli.

Akward akong sa kanya at agad naman siyang nagsalita, "May mga oras talagang nakakalimutan mong may sukli ka pa. Ito yung mga oras na tuwang-tuwang ka pero hindi mo namamalayan na nasasaktan ka na pala. Nasasaktan ka na kaso binabaliwala mo pa. Binabaliwala mo sapagkat gusto mo paring sumaya. Sa bandang doon o dito ng puso mo, iniisip mo na parang may kulang kaso hindi mo alam kung ano. Iniisip mong ika'y may pagkukulang pero pakiramdam mo ikaw ay nababato. Kaya ang payo ko sa'yo, palagi mong tatandaan na sa bawat bagay na binibigay mo, may kaakibat itong sukli na paghahandaan mo."

Sa sinabing iyon ni Kuya ay medyo natulala ako. Sa hugot niyang ruma-rhyme ay napahanga ako. Ngunit nang bigla niyang pinaandar ang kanyang motorsiklo, lahat ng usok sa tambotso'y napunta sa mukha ko, break it down.

Pero sa totoo lang, kinabahan ako sa sinabi ni kuya driver. Para kasing may hidden message yung sinabi niya. Lalo na dun sa part na;  Kaya ang payo ko sa'yo, palagi mong tatandaan na sa bawat bagay na binibigay mo, may kaakibat itong sukli na paghahandaan mo."

Haay.  Bahala na nga, baka guni-guni ko lang 'yun.

Naglakad na ako sa may isikinita, medyo malapit lapit rin lang naman kaya okay lang. Keri parin ng powers. Dito kasi dumaan si na Prince e kaya for sure, nandito sila. Sakto, pag liko ko, nakita ko ang isang bar na may tatlong palapag. Dinig na dinig ko na ang ingay niya dito sa labas. Pero---teka!!!! Wait? Ano nga 'to?

"Bar!" Sabi ng konsensya ko.

"Bar?" Napasigaw ako.

"Hindi, salon 'yan! Salon!"

Hindi ko na pinatulan ang sarcasm ng konsensya ko at agad nang humarurot papunta sa entrance ng bar! Kung nandito sila Prince sa loob ng bar, ibig sabibin, naghahanap sila ng panandalian saya!! Hindi 'to pwede!!

That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon