Prince Blake. Iyan ang buong pangalan niya. Ipinanganak noong May 4, 1997 sa Toronto, Canada. Sampung taong gulang siya noong lumipat ang pamilya niya dito sa Pilipinas. 2 years nag-stay sa Korea at anim na taon dito sa Pinas.May 1/4 na lahing Canadian, may 1/8 na Korean at 1/16 na potato chips pero dahil may lahing pinoy ay mas naging balanse ang complexion ng kanyang balat. Sabi nga nila, lahat ng foreigner na nalalahian ng Pinoy, mas gumaganda ang features. So kung baga, tayo yung mga coffee creamer sa kape? Ganern?
Matangkad rin Blake. Payat pero alam na alam mong merong abs kasi nagba-basket ball siya e. Last time nga, kinuha ko yung breif niya sa may shower room tapos inamoy-amoy ko tsaka pina-frame ko. Kinabukasan may nag-reklamong security guard. Sa kanya papa yung breif. Nganga.
Mahilig si Blake sa pastel at plain colored shirts at black fitted jeans at plain sporty shoes.
Matalino. Seryoso. Misteryoso. Hindi masalita. Matipid sa words. At for sure, hindi siya manalalo sa mga essay writing contest. May maximum number of words yun e
May dimples rin siya. Kakaiba siya ngumiti. Yung tipong parang rereglahin ka ng 'di oras? Yung tipong napapatirik ka ng mga mata? Yung iba ngang babae, nahihimatay 'pag nakikita siya habang ako, para akong kukumbulsyunon 'pag nakikita ko siya.
Black ang paboritong kulay kahit hindi naman talaga kulay ang black since black is the absence of the colors. Iba talaga trip ni Prince e pero okay lang 'yun. Kung ano ang trip niya, e 'di trip ko narin. Mahal ko siya e.
33 ang naging girlfriend niya at sisiguraduhin kong ako ang magiging 34 at magiging panghuli. Papatunayan kong merong forever.
MuteMath ang paborito niyang banda.
Another Goodbye ang paboritong kanta.
Calvin Klein ang brand ng breif na madalas niyang suot, minsan Andrew Christian, minsan Army pero mas mahilig siya Calvin e.
Madalas siyang matulog ng naka-boxers. Minsan, sinadya kung pumunta sa bahay nila at naka-jockpot akong nakita siyang wala siyang suot. Waaaa.
At dahil sa pangyayaring iyon, nalaman kong meron siyang birthmark malapit sa kanyang *tooot*
Hihihihi.
Kung paano nalaman ang lahat ng impormasyon na iyan, isa lang ang sagot ko:
Mahal ko siya.
Mahal ko si Prince Blake.
"Aray!" Bigla akong napahawak sa ulo ko nang ibato ng professor ko sa ulo ko ang white board na kanina lang ay sinusulatan niya. Alam na alam kong labag iyon sa code of conduct ng university at pati na batas ng Pilipinas at maaring ika-tanggal iyon ng lisensya niya pero okay lang. . . sanay naman talaga akong masaktan.
Lahat naman siguro ng ng nagmamahal nasasaktan. Lalo na yung mga taong nagpapakatanga katulad ko. Pero ano naman kung tanga ako kung dito naman ako sasaya? Mapapaligaya ba ako ng mga sinasabi ng ibang tao kaysa sa pagpapakatanga ko kay Prince? Mapapasaya ba nila ako? Hindi diba? At pake ko ba sa kanila? Sila ba nagpapakain sa gabi, araw at umaga?
"If you're just going to daydream in my class Miss Basapante, better get out!" Sigaw ng professor ko! Palibhasa crush niya rin si Blake. Nakita ko sa bahay nila, tadtad yung pader ng hubad na mga poster ni Blake na pinagnanasaan niya gabi-gabi. Tss.
BINABASA MO ANG
That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)
Short StoryNatural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural lang na kiligin tayo 'pag ngitian tayo pabalik ng taong hinahangaan natin. Pero natural pa rin bang ta...