Step 8.0

878 39 3
                                    

  "Tina," lumapit si Joyce, umupo siya tabi ko at inabot niya sa akin ang isang basong tubig.

"Tumahan ka na, 'wag ka ng umiyak." Sabi ni Joyce sa'kin at hinaplos niya yung likod ko.

Nandito ako sa bahay nina Joyce ngayon, umiiyak at hindi alam kung ano ang sasabihin. Bukod sa mabigat ang nararamdaman ko ay nahihiya rin ako sa kanya.

Nahihiya ako sa kadahilang hindi ko alam ang sasabihin ko kay Joyce. At kung may sasabihin man ako ay alam kong napaka-illogical nun at napaka-walang kwenta. Gulong-gulo na ako.

"Tina? Ayokong tanungin ka kung saan ka nagpunta pero Tina, nung umalis ka, pinuntahan ako ng mama mo. Totoo bang pinagsalitaan mo siya?" Tanong ni Joyce sa'kin. Napahinto ako sa pagkain at timingin ako sa mga mata ni Joyce. . .

"Ayokong itanggi sa'yo ang totoo Joyce at oo, pinagsalitaan ko si Mama. Bukod sa pagpapahiya sa'kin ni Mama nung nakaraang buwan kay Prince ay binugbog niya rin ako ng masasakit na mga salita na naging dahilan para magkasagutan kami. Hindi ko naman sinasadyang sagutin siya, pero nasaktan talaga ako sa sinabi niya Joyce. Sumobra na siya. Hindi man lang niya inisip kung nasasaktan na ba ako o hindi." Sabi ko kay Joyce at naiyak nalang.

"Bakit Tina? Ano ba kasi ang sinabi sa'yo ng mama mo?" Tanong ni Joyce at bigla akong nagbaliktanaw sa isang senaryo isang buwan ang nakakalipas nung nahuli ako ni Mama kasama si Prince. . .

"Ang landi landi mong babae ka! Ikaw pang may ganang manligaw dun sa lalaking 'yun! Tina? Anong akala mo sa sarili mo? Pokpok! Tina? Babae ka! Ba't ka ba ganyan!?"

Sinagot ko si Mama, "E bakit ba ma? Ano kung ako yung babae at ako yung nanligaw? May mali ba dun? At least, pinaglaban ko yung nararamdaman ko! Hindi ko hinayaang lumipas lang! Hindi katulad mo na kahit mahal ka pa ni Papa, basta-basta ka nalang bumitaw! Hinayaan mo siyang umalis! Kaya ano pong karapatan niyong sabihan ako ng malandi? Kung ang pagiging malandi lang ang tanging paraan para makuha si Prince, bakit hindi? Hindi ako natatakot sa sasabihin ng iba kasi hindi naman sila ang makapagpapasaya sa'kin ma! Hindi sila ma!!"

Nagkaiyakan kami ni Mama nung gabing iyon.

Basa ang mga mata.

Nanginginig ang bawat salitang binibigkas.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero naiinis ako kay Mama.

That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon