Simula.
"Sinasagot na kita."
Bigla akong napadilat sa sinabi ni Prince, para akong nabingi, parang nabuhusan ng malamig na tubig ang katawan kong isang linggo nang walang ligo. Pakiramdam ko mangingisay na ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto kong tumalon. Para akong kinukumbulsyon sa sarap ng sinabi niya. Gusto kong tumihaya at tumawa ng malakas! Gustong tumirik ng mga mata ko. Para akong nanalo sa lotto. Para akong---uuhhh!!! Uhhh!! Para akong nakahinga nga maluwag kasi nailabas ko na! Nailabas ko na ang matigas na taeng sa tiyan ko'y dalawang linggo bumabara.
"T-talaga?" mahinhin, nangangatog at pinapawisan kong pagkumpirma sa sinabi ni Prince. Napangiti ako ng malapad! Yung malapad na malapad na abot hanggang north and south pole. Gusto kong lumipad! Gusto kong mag-split! Gusto kong----
Waaaaaaaaaa! Sinasagot na ba talaga ako ng lalaking niniligawan ko? Talaga? -sabi ko sa isip ko.
Pero kahit ganun ang nararamdaman at naiisip ko ay ayaw kong ipahalata sa kanya na sobra-sobra ang tuwang nararamdaman ko. Dapat mahinhin parin ang dating ko. Dapat Pilipinang-pilipina! Dapat pinong-pino ang galaw hindi yung tipong parang naghahanap ng pipino!
"Oo, Tina, pero sana... walang maka-alam na naging tayo na," sagot niya.
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya pero okay lang basta't sinagot niya na ako! Okay lang! Masaya na ako. Masaya na ako kasi sa wakas, kami na ni Prince, two years ko rin 'tong hinintay.
"Sige Prince, gagawin ko ang sinabi mo," bigla akong napangiti ng malapad.
Lumapit si Prince sa'kin at bigla niyang ipinikit ang mga mata niya. Hinawakan niya ang bewang ko at idinikit sa may zipper niya. Napalunok ako ng laway at nahirapang huminga. Bumilis ang pag-pintig ng puso ko pero hindi ko iyon hinayaan na disturbuhin ang kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Nag-iinit ako ngayon! Sobra! Para akong oven ngayon! Gusto kong sumabog kahit pa umuulan ng yelo dito sa kinakatayuan namin kasi nandito kami sa loob ng isang factory ng ice. Pakiramdam ko, gusto kong kainin si Prince ng buhay. Yung tipong nireregla ako na ewan! Hindi ko alam. Yung tipong----uhhhhh----yung tipong----uh-uh-uhhhh----
Akmang hahalikan niya na san ako nang biglang...
"TINAAAAAAAA! GUMISING KA! ISAMPAY MO NA ANG MGA PANTY MONG HINDI NATUYO! TINAAAA? ANO BAAAA? PAULIT-ULIT NALANG BA AKONG SISIGAW!? YUNG BAKURAN NATIN! JUSKO!!! ANG DUMI!!! YUNG MGA PINGGAN AT KALDERO INUUOD NA! YUNG MGA MANOK, NILALANGAW NA!! PAKAININ MO NA SILAA!!! BUMANGON KA NA!!! MAGLUTO KA NA! MAG-PEPEDICURE PA AKOOO! MAMAMALENGKE PA AKO! YUNG PANIS NA KANIN! INITIN MO NAAAAAA! TINAAAAAAAAAAA!"
Sa sobrang laki ng bunganga ng mama ko ngayon ay bigla niyang nakainin ang buong syudad. Pero joke lang yun ( maliban sa malaki ang bunganga niya ). At kung bakit malaki ang bunganga niya? Hmmm. Isa lang sagot ko; Siguro, doon niya ako inilabas! At kung doon ako lumabas ay malamang doon rin ako ipinasok ng tatay ko! Isa akong produkto ng bunganga.
Bigla akong napabangon at nagkamot ng ulo. Yung tipong kamot na halos matanggal na ang anit ko! Ang kati!!!! Nakakainis si Mama e. Ang aga-aga nanggigising! Jusko! 4:30 pa kaya ng hapon yung pasok ko! Hindi siya paranoid ha? Napatingin ako sa picture frame ng tatay ko na nasa tabi ng kama ko, nakangiti si Papa at naka-pabebewave. Medyo nainis ako kaya itinaob ko yung mukha niya!
"Opo! Babangon na!" tumayo ako, naglakad papunta sa cr at naghilamos. "Bwesit na buhay!"
Tsk! Ganito ang buhay ko. Cliché! Parang yung simula lang ng kwento? Nag-simula sa panag-inip tapos biglang nagising? Bwesit diba? Ang sarap sarap na ng scene e! Magkakahalikan na sana kami ni Prince pero bigla nalang akong nagising? Nanag-inip lang pala? Ano 'yun? Joke?
BINABASA MO ANG
That Adobo Girl (That Girl Trilogy Book 1)
Short StoryNatural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural lang na kiligin tayo 'pag ngitian tayo pabalik ng taong hinahangaan natin. Pero natural pa rin bang ta...