Ivory
Habang nasa biyahe kaming dalawa ni Diavel ay kahit isang beses ay hindi siya nagsasalita at parang kanina lang niya ako hindi kinakausap o kahit ano man,kaya ako na ang nagtanong sakaniya para linawin ang lahat.
"Diavel?" Sabi ko sakaniya pero hindi lang niya ako nilingon pero patuloy parin ako sa pagsasalita"may problema ba Tayong dalawa?"inosente kong sinabi"bakit hindi mo ko kinakausap o ngitian man lang?may nagawa ba akong kasalan sayo?"mababa lang ang boses ko nung pagsabi ko nun.
Pero hindi parin niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagmamaneho,tinitigan ko ang reaksyon niya pero wala parin siyang kibo,kaya sumandal na lang ako sa upuan ko and I crosses my arms over my chest,,chaks napapaenglish TULOY ako.
"Kung ano man ang problema mo sakin sana naman sabihin mo sakin para naman malaman ko!,hindi tatahimik na lang at hindi ako kakausapin." At sabay tumingin na lang ako sa labas.
"Sa tingin mo ba magandang Gawain ang makipag-usap nang ibang LALAKI habang nagbibigayan nang number sa harapan nang Boyfriend niya?" Walang emosyon niyang sinabi habang deretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin.
"Bakit?!nakikipagkaibigan lang naman yung tao huh!malamang naman hindi ko papansin?!edi nagmumukha ako snobber or masama!!" Naiinis kong sinabi."palagi na lang!!"at inirapan ko siya.
"Oo,,baka para sayo akala mo gusto lang niya makipagkaibigan sayo!pero sakaniya baka iba na,,baka sinusubukan niyang akatin o kunin ang loob mo kaya ginagawa niya yun!!" At nakita ko ang kamay niya na humigpit sa paghawak sa manubela,pero ang boses niya ay mahinahon parin pero halata parin na pinipigilan lang niya ang kaniyang galit.
"Wait?" Nakangiti kong Sabi"nagseselos ka ba?"at ngayon naman ay natatawa."oh my gosh!!nagseselos ka Diave-"hindi ko natapos ang sasabihin ko nung bigla niyang hinampas ang manubela.
"Oo Ivory!!nagseselos ako!!nagseselos ako kapag may nakikita akong ibang LALAKI na kinakausap mo!!nasasaktan ako kapag nakikita ko na binibigay mo ang attensyon mo sa ibang LALAKI!!Oo Ivory Nagseselos ako!" At lumingon siya sakin"nagseselos ako dahil mahal kita!!"at bumalik na niya ang kaniyang tingin sa daanan"natural lang sa Boyfriend nagmagselos dahil takot sila na ang taong mahal na mahal nila ay mawala dahil lang sa isang lalaki!!"at ngayon tumaas na ang boses niya.
Natahimik ako sa sinabi niya sakin,hindi ko yun inaasahan na nangyari,parang gusto kong maiyak dahil nadala ako sa sinabi niya sakin..
"Diavel,,,hindi mo kailangang magselos o natakot na baka may aagaw na ibang LALAKI sakin dahil kahit sinong LALAKI pa yan!!,kahit gano pa yan kapogi!!ay hinding-hindi kita iiwan at papalitan,dahil ikaw ang taong nagbago sa buhay ko" nung pagkasabi ko nun ay bigla nguming yung pagsasalita ko"nung araw na hindi mo ko iniwan at tinulungan mo kong mabuhay ulit,,simula nun ay nakakatakot na sa puso ko ang ginawa mo saking kabutihan"at nagsimula nang nagsituluan ang luha ko"at ngayon,,"sabay pinunasan ang luha ko"hindi ko na alam kung Anong gagawin ko kapag mawala ka sakin,,dahil parte ka na sa buhay ko,Diavel.."sabay hinawakan niya ang kamay ko habang yung isa niyang kamay ay nasa manubela"mahal na mahal kita at pangako ko sayo na hinding-hindi kita iiwan."at nakita ko ang pagtulo nang luha niya.
.........
Pagkadating namin sa Bahay ay isang bosena palang ay lumabas na kaagad si Ignatious para pagbuksan kami nang gate at tulungang kumuha nang pinamili namin na nakalagay sa likod nang kotse.
Pagkatapos nun ay inayos na nang mama ni Heldigarde ang mga kailangang ayosin at nagluto na rin.
Pagkatapos nun ay nagtaka na lang ako nang biglang umuwi muna si Diavel at mukhang nagmamadali siyang umalis nang Bahay na mukhang may importanteng pupuntahan o gagawin.pero no choice din ako at pinauwi ko na lang siya..
Pagkatapos nun ay wala na akong ibang ginawa kundi humiga na lang sa kama at nagpapamusic nang kung ano-ano hanggang sa nakatulog na lang ako na hindi ko namalayan..
.............
Pagkagising ko ay nagulat na lang ako nang may nakita na akong dress na nakalagay sa tabi ko,,nagtataka akong tumayo sa higaan ko at pinagmasdan ang dress na nakalagay sa higaan ko...at dahil nagtataka ako ay lalabas na sana ako sa kwarto ko para magtanong-tanong nung pagkabukas ko ay ang bumungad sakin ay si Heldigarde na parang excited na kinikilig na di mo maiintindihan.
"Anong nangyayari?" Nagtataka kong tanong.
"Wala!" Sabi niya sabay tinulak niya ako papunta sa c.r.
"Wait!ano ba ang nangyayari?!naguguluha-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil muntikan na akong natapilok at sinara na niya ang pinto.
Hindi ko alam ang nangyayari ngayon,nagugulohan ako,ano ba kasi ang nangyari at parang ang saya ni Heldigarde.
Hindi ko muna sinuot ang damit at tinitigan ko muna sa salamin,,oo maganda siya,above the knee ang haba niya at color ang color ay red and white na may flower na design sa likod na may mga crystals,hindi ko alam kung bakit ko to kailangan suotin eh si Heldigarde nakapambahay lang naman din siya.
Pinuksan ko ang pinto para seguraduhin kung bakit kailangan ko magsuot nung dress na yun pero pagkabuka ko palang ay sinara na niya kaagad ang pinto at sumigaw.
"Magbihis ka na!!"
"Kapag susuotin ko ba tong damit na toh?sasabihin mo na sakin ang rason kung bakit kailangan kong magganito?" Sigaw ko para marinig niya.
"Oo na!!oo sasabihin ko sayo basta magbihis ka na niyan!!"
Wala na akong ibang ginawa kundi suotin na lang damit dahil no choice naman din ako,,,pagkatapos kong magbihis ay hindi pa nga ako nakalabas nang maayos sa c.r. ay hinila na niya ako papunta dun sa may salamin at pinaupo ako dun.
"O ngayon!ano ang rason kung bakit kailangan kong magsuot nito?!"
"Alamin mo mamaya!!,basta ang importante ay mamake-upan kita!" Nagmamadali niyang Sabi.
Napabuntong hininga na lang ako at napairap at hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Perfect strangers
Fiksi RemajaThis is the life of a teenage girl that has been hiding to a big mansion alone after the tragedy happened to her family,,all of her family was killed and only she survived.. Sa ilang taong pagtatago sa mansion ay akala na ng lahat ay isang haunted h...