CHAPTER 49

1K 22 0
                                    

Ivory

"Ready" Sabi ni Heldigarde sakin habang may nakatakip na tela sa mata ko at hawak-hawak ang balikat ko.

"Ano ba kasi ang gagawin!" Medyo naiinis na ang tone nang pananalita ko."nung una akala ko sasabihin mo na kun-"hindi ko natapos ang sasabihin ko nung bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Sshhh,,tumahimik ka lang"bulong niya sa tenga ko.

Kahit kinakabahan ako sa gagawin niya at hindi ako komportable sa nangyayari ngayon at hindi ako mapakali ay Sinunod ko din siya at tumahimik ako.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto,,wala akong ibang nakita kundi dilim kaya mas lalo akong kinabahan,,ngayon dahan-dahan na kaming bumaba sa hagdanan,napakatahimik,wala akong ibang narinig kundi ang heels namin na pababa sa hagdanan.pagkadating namin sa pinakadulo nang hagdan ay muli siyang bumulong..

" ready ka na?"bulong niya sakin sabay tinanggal niya ang kaniyang kamay sa pagkatakip sa bibig ko.

Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita"oo na!!ready na ako para matapos na toh!!"at dahan-dahan niyang tinatanggal sa mata ko ang tela..

Nung tuluyan nang natanggal ay may biglang kumanta"Ilang beses nang nag-away...."nung una ay malabo ang paningin ko at madaming mga star-star sa harap ko."ngunit,kahit na ganito..madalas na di tayo magkasundo,ikaw lang ang gusto ko,nakapiling sa BUONG buhay ko"nung luminaw na yung paningin ko ay bigla akong napangiti dahil ang daming tao,,yung nasa church kong kaibigan at mga friend niya yata at madami pang iba." Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano,Ikaw pa rin ang gusto ko" at dahan-dahan siyang naglakad palapit sakin habang may hawak siyang napakalaking Bouquet."Ikaw pa rin,,Walang iba,Ang gusto kong makasama,Walang iba
Walang iba"

Ang dami niyang alam,may pakanta-kanta pa siyang nalalaman,pagkadating niya sakin ay inabot niya sakin ang bouquet at lumuhod sa harap ko,kinakabahan ako!!magpropropose na ba siya sakin?!dahan-dahan niyang hinawakan ng kamay ko at nagsitilian naman ang mga tao namin sa paligid.

Wala na akong ibang narinig kundi ang tibok nang puso,mukhang mahihimatay yata ko sa kilig ngayon at nilapit niya anv kaniyang mukha sa kamay ko sabay sabi.

"Can I have dance?" Sabi niya habang naka microphone.

"Bakit?" Natatawa kong Sabi"eighteenth birthday ko ba?Hindi naman ah!"sabay napatingin ako sa paligid.

Tinignan lang niya ako na parang nagtatanong na parang gusto niyang pumayag ako.

"Oo na!" Sabi ko sakaniya sabay pinatayo ko siya.

At nagpatuloy ulit anv music pero ngayon ay nasa Speaker na nang gagaling.

"Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo"

"Ano nanaman ang naisipan mo at may paganito-ganto kapang nalalaman?!" Naiinis kong Sabi sakaniya habang nakayakap ako sa leeg niya.

"Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko"

"Wala,,gusto ko lang magsorry sayo,by doing this,napansin ko kasi this past few days parang palagi tayong nag-aaway eh,kaya gusto ko na sanang itigil yung mga away na yun at magmahalan na lang Tayong dalawa" bulong niya sakin sa tenga.

"Ish!" Sabay hinampas ko ang likod niya.

"Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba"

"Ang corny mo!" Natatawa kong Sabi.

"Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo"

"Hahaha!!nagustohan mo naman." Pabiro niyang sabi.

"Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba"

"Tseh!!ang dami mong alam!" Pabiro kong Sabi at nagtawan naman kaming dalawa.

"Wag ka ng mawawala
Hmm, walang iba."at sinabayan niya yung huling sinabi nang kanta at kinuha niya ulit ang microphone." Can I have your attention please"Sabi niya sa mga tao na ngayon ay nagsisigawan.

"Kanina pa pre!!" Pabirong Sabi nung isa niyang kaibigan at nagtawan naman sila kaya natawa narin ako.

"Alam kong corny,pero baka ganito talaga kapag mahal mo ang isang tao,magiging corny ka" natatawa niyang Sabi"gusto ko sanang isigaw sa inyong lahat at ipaalam sa BUONG mundo"at hinawakan niya ang kamay ko"NA MAHAL NA MAHAL KO KITA!!ANGEL IVORY WOODLEY!!"Sabi niya sakin,na ngayon ang dalawa kong kamay ang hawak niya"sana ay,,habang buhay na Tayong magkasama,,hindi mo alam kung paano mo ko pinasaya,,simula nung nakilala kita ay nagbago na ang buhay ko,,nagbago na ako"seryoso niyang Sabi habang nakatingin siya deretso sa mata ko.

"Totoo yan!" Sigaw nanaman nung mga kaibigan niya,kaya napatingin s Diavel sakanila at napatawa nang mahina at ibinalik dn sakin.

"Dati,crush lang kita" napatawa ako sa sinabi niya,for sure ang mukha ko ngayon ay sobra nang namumula sa kilig"pero ngayon,,girlfriend na kita at hawak ko na ang kamay,,gusto ko lang ulitin na sabihin sayo na,,, sana hindi mo kalimutan na kahit ano man ang nangyari sa ating dalawa"habang nakatingin ako sa mata niya ay nakikita ko na namumuo na yung luha niya kaya natatawa ako"ay hinding-hindi ako titigil sa pagmamahal sayo,,dahil mahal na mahal kita"sabay hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.

"Mahal na mahal din kita" at bigla ko na lang naramdaman ang labi niya sa labi ko.

Parang biglang tumiggil ang mundo ko,parang naging bingi na ako at ang tibok lang nang puso ko ang naririnig ko.

Humalik na din ako sakaniya.

Sana ganito na lang palagi, palaging masaya at puno nang pagmamahalan,,parang ayaw ko nang lumayo Kay Diavel ay yakapin at halikan ko na lang siya palagi.

Tumiggil na ako sa paghahalik dahil nahiya na ako dahil ang dami nang tao at isa pa may nagpipicture samin,,ngumiti kami sa mga tao at nagsipalakpakan naman Sila na ikinatuwa ko naman.

"Congratulations!!" Sabi nang iba't-ibang tao.

Nginitian ko lang din sila.tumingin ako kay Diavel at niyakap siya muli"salamat"

"Wala yun,,para sa taong mahal ko,,lahat gagawin ko,para mapasaya ka lamang,,I love you babe." Nakangiti niyang Sabi sakin.

"I love you too"

"Let's the party STARTED!!"sigaw niya sa mga tao.

Perfect strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon