CHAPTER 47

1K 23 0
                                    

Ivory

Hindi ko alam kung pero bakit biglang umiinit ang ulo ko Kay Diavel na parang bigla lang akong nawalan nang gana,kaya hanggang ngayon hindi parin ako kumakain,kanina pa nila ako pinipilit pero mas lalo lang umiinit ang ulo ko at parang iba yung pakiramdam ko ngayon.

Kaya ngayon nakahiga na lang ako ngayon sa kama at nagrerelax na lang,,pero kahit ngayon ako na lang mag-isa ay parang wala parin ako sa mood..

KNOCK-KNOCK!!KNOCK-KNOCK!!

Napabuntong hininga na lang ako at napairap sabay nagdadabog na naglakad papunta sa pintuan ni lock ko kasi para hindi sila makakapasok nang basta-basta...

"ANO!!" naiirita kong Sabi.

"O!!wala pa nga akong ginagawa galit ka nanaman." Nakangiti niyang Sabi.

"Wala ako sa mood!!ano ba kasi ang kailangan mo at nang-gulo ka pa sakin!!" At sabay inirapan ko siya.

"Sorry,kung naistorbo kita,,gusto ko lang sana tignan kung humihinga ka pa ba jan" pabiro niyang Sabi.

"Tseh!!" Sabay hinampas ko siya"kung wala ka namang magandang gawin?!lumayas ka na lang rito sa kwarto ko at mas lalo lang akong nababad trip sayo!!"at akma kong isara ang pintuan pero bigla lang siyang pumasok!!"NANGIINIS KA BA TALAGA SAKIN!!!??"galit kong Sabi."bahala ka na nga Jan!!"sabay tumalikod na ako sakaniya at naglakad na ako papunta sa higaan.

"Sobrang mainitin naman nang ulo nang bab-,,,babe??Anong nangyari sayo??" At agad naman akong napalingon sakaniya.

"Bakit!!??"nakapamewang kong Sabi at mataray.

"Bakit may dugo sa pantalon mo?" Nagtataka niyang Sabi at nagulat naman ako kaya agad akong napatingin sa likod ko"oh shit!!is that your menstration?!"natatawa niyang Sabi.

"Shit!!" Sabay napatakip ako sa likod ko at tumakbo papunta nang c.r.

"Now I know!!" Natatawa niyang sabi.

Pagkadating ko sa loob nang c.r. at agad na ako magbihis at naglinis sa sarili.

Maya-maya ay natapos na rin ako at pagkalabas nang pagkalabas ko ay ang unang bumungad sakin ay ang mukha ni Diavel na tawang-tawa na parang nang-iinis.

"Sige!!mang-inis ka pa sakin at itong may dugo ipupunas ko sa mukha mo!!" Sabay naglakad ako papalapit sakaniya at akmang ibabato sakaniya.

Kaya agad naman siyang tumakbo sa kabilang side nang higaan ko.

"No!!sorry na!!I'm just joking!!" Natatawa niyang sabi habang nakaharang ang kaniyang dalawang kamay sa harap ni.

"Mang-inis ka pa sakin at gagawin ko talaga toh sayo!!" Galit kong Sabi"lumabas ka na nga lang dito!!"kahit naiinis ako ay hindi ko mapigilan na napangiti dahil ang cute na lalo na kapag nagmamakaawa siya na natatawa.

"Now I know" pabiro niyang sabi.

"Errrr!!" At sabay naglakad ako papalapit sakaniya nang mabilis at agad naman siyang tumakbo papalabas nang kwarto habang tawa ng tawa"wag ka nang bumalik rito!!"at sinara ko ang pinto nang malakas.

Pagkasara ko ay may kumatok nanaman.

"ANO!"

"Tara!magmall na lang tayo para lumamig yang ulo mo at para din makabili tayo nag napkins para sayo."

Greyson

Dapat maging malapit ako Kay Ivory para hindi ako mahihirapan na makuha siya..

Kaya ngayon ay nasa labas ako nang Bahay ni Ivory at binabantayan siyang lumabas..maya-maya ay nasagot na din ang wish ko at nakita ko siyang lumabas sa Bahay na nakakotse pero biglang uminit ang ulo ko nung nakita kong lumabas nang kotse si Diavel at nagsara nang gate..

Nung umalis na sila ay agad ko naman silang sinundan...pagkarating namin sa mall ay agad naman nilang pinark ang kanilang kotse,,hinintay ko muna silang lumabas nang kotse nila bago ko pinark ang kotse ko sa tabi nila.

Nung sinundan ko na sila sa paglalakad,,okay pwede niyo na akong tawaging stalker sakanilang dalawa.napansin ko na parang may tampuhan silang dalawa dahil hindi magkahawak ang kamay at malayo ang agwat sa isa't-isa, kaya ito yung perfect timing na akitin si Ivory..

Sinundan ko sila hanggang nakarating na sila sa super market,,pagkapasok namin ay agad akong kumuha nang push cart at kunwaring namimili din..paikot-ikot lang kami sa loob,nung nakita kong paliko na sila ay sinadya kong ibangga ang push cart namin.

"Oh I'm sorry!!" Kanwari gulat kong Sabi.

"Sor-,," nung tumingin siya sakin ay mukhang nagulat siya"diba ikaw yung"Sabi niya habang tinutoro niya ako at pilit na may alalahanin"yung,ahmm,ah!yung lalaking si ah!!"Sabi niya na parang naalala na niya"si Greyson"nakangiti niyang sabi.

"Hindi mo pa talaga ako nakakalimutan"pabiro kong Sabi at tinignan ko naman si Diavel na halatang bad mood kaya nginitian ko na lang siya.

" syempre naman"

"Nice to meet you again" at sabay nakipagkamayan ako sakaniya at bigla namang hiniwalay ang kamay naming dalawa ni Ivory ni Diavel.

"Ano ba Diavel!!" Naiinis niyang Sabi.

Parang saktong-sakto talaga tong araw na toh dahil magkatampuhan silang dalawa.

"Gusto nga lang makipagkaibigan nung tao eh!!" Naiinis niyang sabi.

Tinignan na lang ako ni Diavel na parang tinatakot ako pero hindi ko lang siya pinansin.

"It's really fine,,ano ba ang bibilhin niyo rito?" Nakangiti kong Sabi Kay Ivory.

"Ahmm,mga food and some personal stuff,,ikaw?"

"Ganun din" natatawa kong Sabi"ang tadhana nga naman talaga oh"una ngumiti ako Kay Ivory at sunod ay tumingin ako Kay Diavel na walang emosyon na ngayon ay galit na galit sakin..

Habang naghahanap kami nang mga bibilhin ay kami lang dalawa ni Ivory ang nag-uusap habang nagtutulak lang nang push cart si Diavel.

"How long that you've been together?" Sabi ko sakaniya,habang nagtutulak sa sarili kong push cart.

"Actually,KAHAPON lang" natatawa niyang sabi.

"What?!kahapon lang?"

"Yes" pagkatapos nun ay marami pa kaming pinagkwekwentuhan tungkol sa buhay ko at trabaho, but mostly sa mga tanong ko sakaniya ay about sa relationship nilang dalawa.

Pagkatapos naming bayaran ang pinamili namin ay agad na kaming pu.unta sa parking lot.

"Ahmm,saan nakapark kotse niyo?" Tanong ko even though alam ko naman kung nasaan.

"Ah Jan lang" sabay nagtitigan siya kung saan nakapark ang kotse niya"malapit lang."

"Me too"

"Ah!" Hindi niya makapaniwalang sinabi."Tara!sabay na lang Tayong pumunta sa mga kotse natin."nakangiti niyang Sabi.

Naglakad na kaming tatlo papunta sa kotse namin at nung nakita niyang magkatabi ay mas lalo siyang nagulat at nakipag-appear pa sakin habang inaayos ko ang gamit ko sa likod nang kotse ko ay tinutulungan naman niya si Diavel na hanggang ngayon ay wala paring kibo.

Nung ayos na ang lahat ay sabay naming sinara ang pinto..

"Sige!salamat huh" nakangiti niyang Sabi.

"Salamat din" sabay nagshake hands kami"ito pala"sabay kumuha ako nang card na nakasulat ang number ko at ibinigay sakaniya"o ito,nandyan ang number ko and my adress you can call me anytime you want"sabay inabot ko sakanya .

"Sure,thanks"

Perfect strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon