CHAPTER 39

1.1K 29 0
                                    

Ignatious

"Pano?how can you make sure that Ignatious is really your son?" Nagugulohang Sabi ni Diavel.

"Dahil,,,"huminga muna nang malalim ang nanay ni Heldigarde bago nagsalita." Dahil...Matagal ko nang alam"at biglang napaface palm siya at umiiyak,sabay hinimas naman ni Diavel ang likod niya.

"Ma!?!" Gulat na sabi ni Heldigarde.

"Sorry anak" sabay niyakap ni si Heldigarde,,pero Heldigarde ay hindi siya niyakap pabalik.

"Ma,,bakit hindi mo sinabi?" At hinahabol na niya ang kaniyang hininga"alam mo ba ma,,na halos buong buhay ko pinagsisihan ko na dahil sakin ay nawala si Kuya,,at dahil sakin kaya hindi natin nakapiling siya nang matagal."at nagsituluan na ang luha ni Heldigarde.

"Anak kaya lang naman hindi ko sinabi" humihikbi niyang sabi"dahil nung nakita ko ang Kuya na mo na meron na siyang magandang buhay at napapakain lang siya nang maayos,,parang ayaw ko pa siyang kunin dahil,,ayokong maranasan niya ang hirap na nararanasan natin.."at niyakap niya nang mahigpit Heldigarde.

Pero kumawala si Heldigarde at lumayo sa Nanay niya"MA!!pano naman ako?"at sabay tinuro niya ang kaniyang sarili sabay napaupo sa sahig at umiyak.

"Anak,,sorry" sabay tinutulungan niyang makatayo si Heldigarde pero lumalayo si Heldigarde "anak alam kong galit ka sakin at naiintindihan kita,,sana naman din anak,,intindihin mo din si mama,,anak masakit din para sakin bilang isang ina na hindi nakakapiling ang kaniyang anak,,kaya please anak,,patawarin mo na si mama" at niyakap niya si Heldigarde.

Ako,,parang natulala lang ako sa mga nangyayari,hindi ko narin napigilan ang luha ko at napaiyak na din ako,,hindi ko inexpect na may mangyayaring ganito pala ngayong araw na toh,,hindi maimadyin na matagal na pala akong nahanap sa taong matagal ko nang hinanap,,napahikbi naman ako at napatingin naman si mama sakin..

Oo,,nakakasigurado ako na sya ang nanay ko dahil kahit kailan ay hindi ko kinalimutan ang mukha niya at nakakasigurado ako sya nga ang tunay kong nanay.

"Anak patawarin mo rin ako" at niyakap niya ako.

Hindi ko lang siya nasagot at huminga lang ako nang malalim sabay pinunasan ang luha ko.

Ang pinagtataka ko lang ay hindi nila kasama si papa kaya lumayo ko sa pagkayakap ni mama sabay sabi.

"Ma?saan si papa?" Nagtataka kong tanong..

Niyakap na lang ako ni mama at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya"anak"at automatic na nagsituluan nanaman ang luha ko."matagal nang kinuha nang Diyos ang yung ama."at maslalong humigpit ang yakap niya.

"Ma!?" Nanginginig ang boses ko at hindi na tumitigil sa pagtulo ang luha ko.

"Patawarin mo ko anak" Sabi ni mama sabay hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at hinalikan ako sa noo.

"Ma,kahit kailan hindi ako nagtanim nang galit sayo,,ma wala ka dapat ihingi nang tawad sakin dahil kahit kailan ma,,hindi ka nagkasala sakin,,yung pagkawala ko ay kasalanan ko din yun at dapat ako ang hihingi nang tawad sayo.." Sabay lumuhod ako sa harap ni mama"Ma,,sorry at naging matigas ang ulo ko at hindi ako nakinig sayo,,dahil sakin naging malungkot kayo,,sana kung hindi lang ako naging matigas ang ulo ko at nakinig ako sainyo,,sana nung araw na iniwan kayo ni papa ay kasama ko kayo at ako ang nagproprotekta sainyo."sabay hinawakan ko ang kamay ni mama"ma patawarin mo po ako."

"Anak" sabay pinatayo ako ni mama at niyakap nang mahigpit at niyakap din namin si Heldigarde na ngayon ay umiiyak parin nang malakas.

............

Pagkalipas nang ilang oras ay medyo naging okay na din ang lahat ngayon,nandito parin kami sa living room nila Ivory at naghanda din sila nang nakakain namin..

"Ano ba kasi ang nangyari" ang tono nang pananalita ni Ivory ay parang nacucurious na Nag-alala.

"Ito kasi yun.....5 taon ako nung nangyari yung pangyayaring yun at hinding-hindi ko makakalimutan yun"

FLASHBACK

Umaga nun nung naisipan namin na mamasyal sa isang bagong open mall at ang mall na yung ay pag-aari nang Mr. And Ms.Woodley..masikip nun dun dahil ang daming dumalo na tao dahil may mga programs at mga artista na pupunta kaya nakakagulo sa labas nang mall habang hinihintay na buksan..

Magkasama kaming apat nun,masaya at excited,si papa ay naiwan dahil kinuha yung mga gamit namin sa Kotse..

Oo,may kaya kami dati.

Kami ni Heldigarde ay nagmamadaling pumunta para bumili nang mga sweets at mga baloon na nakatinda sa labas..

Si mama lang ang may hawak saming dalawa nun,,pinagsabihan ako ni mama na mamaya na kami bumili dahil masikip pa,pero nakita kong naiiyak na si Heldigarde at gustong-gusto na niyang bumili,kaya pinilit ko si mama at hinila ko siya papunta sa may mga nagtitinda.

Nung biglang may mga artista na nagdaringan kaya nagsitakbuhan ang mga tao at dahil sa rami nang taong nagtutulak sakin ay nadala ako at nabitawan ko si mama..

Wala akong nakita dahil bata pa ako na at maliit lang ako kaya hindi ko na alam kung saan mapapadpad,,nung una naririnig ko ang tawag ni mama pero patagal nang patagal ay nawala din..

Umiiyak na lang ako at sigaw na lang ako nang sigaw nang mama pero walang nakakarinig dahil sa sigawan nang mga tao.

Ilang oras din akong umiiyak hanggang sa unting-unti nagwawala ang mga tao at hindi ko na alam kung nasaan ako..umiiyak lang ako habang naglalakad ako sa daanan at sumisigaw nang mama...

Nung biglang may dalawang matanda na lumapit sakin na nakasuot nang maitim na damit,,nung una ay natakot ako pero nung narinig ko slang magsalita ay medyo kumalma ako dahil napakamahinahon nang boses nila,,ang dami nilang tinanong sakin pero kahit isa ay wala akong nasagot dahil sa takot at ang tanging sinasabi ko lang ay mama..

Kinuha nila ako at dinala sa isang malaking Bahay na parang palasyo at maraming mga istatue nang mga panginoon,,at dun ko nalaman na nasa simbahan pala ako at simula nun sila na ang kumopkop muna sakin..

END OF FLASHBACK

"At dun kami nagkakilala ni Ivory" sabay nginitian ko si Ivory..

Narinig mo namang umubo si Diavel kaya napatingin ako sakaniya.

"Okay ka lang?" Nakangiti kong Sabi.

Perfect strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon