Chapter 6

571 9 0
                                    

"Thank you so much Attorney. Yes i will tell Dad you said Hi. Sge po have a good day" Kababa lang ni Ashton ng telepono ng bumukas ang pinto, it was Andy. Hindi na ito kumakatok ganyan ka familiar si Andy sa kanya. I think he already knew kung bakit ito andito ngayon.


"So...about Mrs. Paige Navarro? She's in the country yan ba ang sabi mo? You said you went to see her? Come on man, you are killing me with excitement!" Tuwang sabi ni Andy. Matagal na nilang hinahanap si Paige. Ashton paid private investigators to look for Paige pero always silang bigo, at ngayon nga ayon sa kaibigan nakaharap na nito ang Asawa.

"She's here alright. I saw him at the airport yesterday..." hindi na niya natapos ang sasabihin dahil pinutol ni Andy ang iba pa niyang sasabihin

"What the-? Are you for real Boss? ibig sabihin sabay kayong dumating kahapon? of all places sa airport talaga? Isa lang ang masasabi ko dyan pare. Meant to be nga kayong dalawa! Biruin mo? ikaw agad ang una nyang nakita pagdating na pagdating niya ng Bansa!?" Excited na sabi ni Andy

"Hindi yan ang shocking part. Ang pinaka shocking ay may anak kami.!" Ashton said happily.

" Really?! Wow! Congrats Pare! Wow! Paige sure has full of surprises!" namamanghang sabi ni Andy

" You should meet my Boy pare napakabait at esmarte na bata. Maganda ang pagpapalaki ni Paige sa anak namin. Kaya nga magde day off ako bukas to spend time with my son. Kaya ikaw na ang bahala dito okay?" Nakangiting sabi ni Ashton sabay tayo.

"Teka, teka...bukas pa ika mo ikaw mag ooff right? bakit aalis ka na? tanghali pa lang ah. Huwag mong sabihing excited ka nang makita uli ang Asawa mo?" Tudyo ni Andy sa kaibigan

"Anong ikaw? Tayo, you are coming with, remember may lunch meeting tayo sa abogado nang mga Angeles ngayon? Halika na at malelate na tayo." yakag ni Ashton.

"Oh right! ngayon nga pala yun. Masaya ako para sa inyo Man, Ngayon makakatulog na ako ng maaga dahil wala ng magyayaya sa aking uminom, but mind you mamimiss ko yong mga libre mo though, and speaking of libre company pay ba ang lunch meeting na ito? " Andy said.

"Ikaw talaga mahilig sa libre eh wala ka namang binubuhay. But don't worry lunch is on me" pakunwaring sumuntok si Ashton sa dibdib ng kaibigan at sabay na umalis ng opisina.


Pupuntang Palengke sina Paige at Cathy, pero hindi magkasundo ang dalawa dahil si Cathy gustong mag tricycle habang si Paige naman at gustong magmaneho.

" Cathy I can drive us to the market, kaya ko pa namang magdrive dito at isa pa malapit lang naman ang palengke kaya no sweat!" paliwanag ni Paige

"Paige ano ka ba, sayang ang ganda natin kung magtatago tayo diyan sa kotse dapat ipakita natin sa buong palengke na maganda tayo! Pag nasa tricycle tayo makikita ng mga tao at sasabihin nila "Wow ang gaganda naman ng mga chicks na yon." Oh diba?" Paliwanag naman ni Cathy

" Seryoso ka? sa palengke talaga? Cath...hindi naman tayo mamamalengke ng atensyon eh bibili tayo ng pagkain." Paige explained.

"Paige naman magtricycle na nga lang tayo dahil sayang naman tong sunscreen na gamit ko. Hindi maaamoy ng mga boylets pag nasa kotse tayo. Pero pag natricycle tayo maaamoy ni Mamang driver. Watcha say?" pacute pa na sabi ni Cathy

" Ewan ko sa'yo. Ikaw kung anu-ano yang trip mo. Eh sunscreen lang pala ang concern mo eh di sana nagbabad ka na lang dyan sa pool" Inis na sabi ni Paige sa kaibigan

" Basta magtricycle tayo, and besides matagal tayong nawala sa bayan nating sinilangan dapat ma experience natin ulit ang tricycle ride, jeepney ride at kung anu-ano pang rides. Malay mo duon ko makikita ang aking future husband!" kinikilig na sabi ni Cathy.

Paige rolled her eyes. Cathy is a hopeless nutcase. Ito talaga pag tinamaan ng mga romantic-romantic ek-ek na yan ay hala grabe! Lahat ata ng mga nababasa or nakikita nitong romantic scene inaaply agad sa real world. At para makaalis na sila at makabalik agad ay pagbibigyan na niya.

"Alright! let's go and take the trike then! Cathy alam mo itigil mo na yang kakakapanuod mo ng romantic movies, hindi healthy eh." Paige said in surrender.

" Paige, girlfriend, healthy para sa akin ang panunuod ng romantic movies dahil it gives me hope. Palibhasa eh may Ashton ka na kaya ganyan ka." sabi ni Cathy

" Hindi healthy for me na nanunuod ka ng romantic movies dahil ako ang kasama mo araw-araw and it drives me nuts! At for your information Ashton and I are through! Fin, the end, you got it?" naiinis na talaga siya kay Cathy.

"Okay...if you say so." sabi ni Cathy na nakangiti, minsan talaga ang sarap din asarin ng kaibigan.


Habang naglalunch binabasa naman nila Ashton at Andy ang mga documents na ipinakita ng abogado ng mga Angeles.

"Atty. Morales totoo ba ang mga ito? Maiilit na ng banko ang Mansion ng mga Angeles?" nagulat na tanong ni Ashton

" Yes...nanghihinayang nga ako na mawawala yun, dahil yun nalang sana ang maiiwan kay Paige pag may mangyaring masama ke Arturo. They used it as collateral sa mga loans nila to hire Private investigators to locate Paige 5 years ago. Nuong una nababayaran naman nila ng regular pero it stopped three years ago dahil sa nangyari sa kumpanya ng mga Angeles. Alam mo naman ang nangyari diba? Nadispalko ng Asawa ni Antonia ang pera ng kumpanya. They had 4 more loans after that, at recently ay nuong mastroke si Arturo 4 months ago." Mahabang paliwanag ni Attorney. Morales

" Ilang months meron tayo until the foreclosure Attorney?" tanong ni Ashton

"Actually this month supposedly be the date, pero pinakiusapan ko yong may-ari ng Banko to hold it for awhile. I explained Arturo's situation, ang I offered my free service sa banko for any legal matters. pumayag naman. so we have most likely three months to come up with any solutions" Optimistic na pahayag ng Abogado.

" Thank you so much Attorney sa tulong niyo, malaking bagay po ito para kina Dad at Paige." sabi Ashton

" Miranda and I were cousins kaya ginagawa ko ang aking makakaya para protektahan ang mag ama. Sayang nga lang at huli na ang lahat ng lumapit sa akin si Marie 4 months ago. At salamat hijo sa pagbayad ng hospital bills ni Arturo nasabi sa akin ni Marie na ikaw daw ang nagbayad ng lahat." Naiiyak na pahayag ng Abogado

" Daddy Arturo is my wife's Father that makes him my father as well. Nasa ibang bansa kami nila Andy at Papa ng mastroke siya four months ago. Kung sana ay andito kami nagawan sana namin ng paraan ang pagkakabaon nila sa utang." Nanghihinayang na sabi ni Ashton

" Hijo, you have been helping them kahit na iniwan ka ni Paige, and with that I want to thank you. Sana maliwanagan din si Paige balang araw." Nakangiti ng sabi ni Atty. Morales

Naglalakad na patungo sa kotse ni Ashton sila ni Andy.

"Boss what's the plan?" tanong ni Andy

"Call Attorney. Cunanan." sabi ni Ashton

"Alrighty!" sagot naman ni Andy.




Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon