Chapter 52

377 7 0
                                    

Nagtataka namang ibinalik ni Paige ang kanyang cellphone sa lamesa. Bakit parang galit ang kaibigan? Sino daw ang kanyang bibigyan nag leksyon?

"What's going on Love?" nag-aalalang tanong ni Ashton at hinawakan siya sa balikat

"Si Cathy kasi kausap ko bigla nalang nawala at parang galit na galit ang boses may bibigyan daw siya nang lesson." paliwanag naman niya.

"Huh? Baka naman may naka sagutan lang. Don't worry about her kayang kaya naman niya ang sarili niya." sabi nito

"Kunsabagay. Lukaret nga iyon pero palaban din. Oh Nasaan na silang lahat?" bigla niyang napansin na wala na ang lahat sa sala

"Nasa swimming pool na alam mo na si Ryder nagyaya nang mag swimming. Magbibihis lang ako para may makasama siya. Ikaw ba magsuswimming rin?" malambing na tanong nito sa kanya sabay akbay

"Siguro mamaya." sabi niyang nakangiti

"Okay. Magbibihis na muna ako" sabi nito at binitawan na siya para pumasok sa banyo para magbihis

Wala namang imikan sina Cathy at Andy habang nasa loob ng sasakyan. Nagsalita lamang si Cathy nang bumosina si Andy para mapag buksan ng gate.

"Oh bakit mo pa ipapasok sa gate ang sasakyan mo? Dito ka nalang at baba na ako." sita niya at bubuksan na sa ang pintuan nang bigla naman itong paandarin ni Andy, hindi niya napansin na binuksan na pala ni Marta ang gate

"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko hindi mo na kailangang ipasok iyang sasakyan mo." tumaas na ang boses na sabi ni Cathy

"Narinig ko po kayo your highness kaso po nakita ko po ang sasakyan nang amo ko kaya alam ko na andito siya. En mano bang bisitahin ko siya ha?" sabi nito at tuloy tuloy nang naglakad papuntang pool side.

"Antipatiko talaga itong unano na ito!" Inis na sabi niya

"Ate Cath okay ka lang po ba?" nagtatakang tanong ni Marta

"Okay lang ako Marta naiinis lang ako sa unano na iyon!" sabi niya

"Si Sir Andy po? Eh ang bait nga po niyan Ate eh. Crush ko nga po siya" hagikhik ni Marta

"Crush? nagkagusto ka duon sa masungit at antipatiko na iyon? Bulag ka ba ha Marta?" tanong niya sa babae

"Hindi po Ate mabait po iyan. Actually po bagay kayo ni Kuya Andy. Mukhang may gusto sa inyo kaya kayo inaasar." tukso pa ni Marta

"Ewan ko sa iyo. Yun may gusto sa akin? Excuse me mataas ang standard ko sa lalaki." sabi niya na nakairap

"Naku Ate baka naman crush mo rin siya nagpapakipot ka lang po. Sige ka ate the more you hate the more you love." Natatawa pang sabi nito habang papalayo sa kanya

"Bruha talaga itong si Marta at nanukso pa talaga." sabi niya at sumunod na sa may swimming pool

Nakita naman ni Paige si Andy na papalapit sa kanila

"Hi Andy! Andito ka? Ashton si Andy andito" bati at tawag niya sa asawa na tinuturuan si Ryder na lumangoy

"Hello po sa inyong lahat." bati ni Andy

"Hijo halika ka at magmeryenda ka muna sandali at tatawagin ko si Marta." sabi naman ni Aunty Marie at tumayo na

"Andy halika dito at maupo ka. Kumusta ka Hijo? Mabuti naman at napadalaw ka." sabi ni Arturo

"Hello po Tito Arturo okay naman po ako." bati ni sa matanda.

"Hey Andy, may problema ba sa opisina?" agad na tanong ni Ashton nang makaahon

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon