Chapter 53

388 8 2
                                    

Sina Ashton at Andy naman ang nakatoka sa pag babarbeque. Habang ngbabantay ay ng-uusap naman ang dalawa nang kung ano anu lang.

"Boss mukhang masaya ka na ulet ah." tukso nito sa kanya

"Tama ka Andy masaya talaga ako. Ang sarap nang feeling na kasabay mong matulog at katabi mong gumigising ang babaeng mahal mo. Parang walang kapantay ang kaligayahan. At syempre pa may cute ka pang anak." nakangiti niyang sabi

"Nakakainggit ka naman Boss, Ako kaya kailan makakakita nang tunay na pag ibig." nangangarap na sabi ni Andy

" Eh nakita mo na kaya." sabi niya dito

"Talaga? Sino? mabuti ka pa Boss at alam mo kung sino." sabi nito

" Si Cathy." balewalang sabi niya

"Ha! Yun? Boss naman huwag namang ganyan. Hindi nga kami magkasundo nang babaeng iyon eh." sabi pa nito

"Talaga? Eh bakit kaninang lumabas si Cathy na naka bathing suit eh hindi na naalis iyang mata mo sa kanya? Natutulala ka pa nga eh." tukso niya dito habang kunukuha ang mga hotdogs na luto na

"Hindi ah! Nagulat lang ako kasi nga maganda pala ang katawan ng bruheldang iyon pag naka bathing suit." palusot nito

"Oh wow! Talaga lang ha? Alam mo Andy, nasa tamang edad ka na at ang dami dami mo na ngang pera eh pwede ka nang mag asawa. Cathy is a really good woman. Matutuwa talaga ako pag nagkatuluyan kayong dalawa at alam ko ganoon din si Paige. Think about it Man." sabi niya

"Eh Boss paano ko ba aamuin eh I am always on her bad side. Kahit nga na wala namang akong ginagawa eh galit pa rin." nanlulumo nitong sabi

"Don't worry kakausapin ko si Paige para matulungan ka namin. Basta Pare, huwag mo nalang patulan pag nagsusungit, we don't want her to hate you." natatawa niyang sabi

"Promise yan ha?" sabi nito

"Of course!" sabi niya

Dahil sa maliwanag ang buwan napagpasyahan nilang sa labas na lamang maghapunan. Naglagay sila nang malaking lamesa at doon na kumain. Masaya silang kumakain at nagbibiruan. Magkatabi sina Cathy at Paige pinag-uusapan nila ang tungkol sa nalalapit na kasal nina Anne at Monty, noon naman lumapit si Ashton sa asawa.

"Hey Cath pwede ko bang mahiram  muna ang asawa ko?" tanong nito

"Hay naku!  ano pa nga ba ang magagawa ko. Hala sige kunin mo na." kunwaring irap nito

Nagtawanan naman silang dalawa habang lumalayo sa kaibigan. Dinala siya ni Ashton sa may swing.

"May kailangan ka ba?" nakangiti niyang tanong

"Gusto lang kitang masolo kasi kanina pa tayo hindi nakapagsolo eh." sabi nito at umupo sa karapan niya ang kissed her.

Thy kissed for a few seconds hanggang sa marinig nilang tumatawag ang anak

"Dad! Mom!" tawag nito habang papalapit sa kanila

"Well...I guess mamaya na lang talaga tayo magkapagsosolo pag nasa kwarto na tayo." natatawa nitong sabi at kinarga na ang anak

Tumawa na lang si Paige.  Pinagmamasdan niya ang mag ama niya. Nakakatuwa itong panoorin na dalawa. Ryder looks exactly like Ashton when he was young.

"Daddy can we sleep here tonight?" narinig niyang tanong nang anak.

" We'll ask Mom okay? Kung okay sa Mommy mo okay na rin ako."sabi nito at ibinaba na ang anak para lumapit sa kanya.

"Mom....?" Tanong namang ni Ryder

"That's fine. Sige magpaalam ka kina Lolo at Lola kung okay lang sa kanilang dito tayo matulog?" sabi niya sa anak

"Opo Mom." sabi nito sabay takbo sa Daddy at Aunty niya

"So I guess dito tayo magpapalipas nang gabi." sabi niya sa Asawa

"Parang ganoon na nga." sabi nito sabay pwesto sa likuran niya para itulak ang swing

Kumakain naman si Cathy nang may maramdamang may papalapit sa kanya. Tumingin siya sa mga likuran at nakita niya si Andy na papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi niya ito pinansin at tuloy lang sa pagkain

"Pwede ba akong maupo?" tanong nito

"Eh di umupo ka hindi ko naman iyan pag-aari." supla niya dito

"Ang sungit mo naman, Para nagpapaalam lang eh." sabi nito at naupo na

"Ewan ko sa'yo" sabi lang niya

"Cathy...I wanted to say sorry for bumping into you and spilling my Iced Capp on your shirt. Hindi ko talaga iyon sinasadya. Sana maniwala ka." hingi nito nang paumanhin

Tiningnan niya ito at mukha namang sincere kaya pinansin na niya.

"Fine! Okay na iyon. Pasalamat ka hindi nang mantsa." sabi niya

"Thanks! So can we be friends?" sabi nito sabay abot nang kamay

"Bakit? Magka away ba tayo?" nakataas ang kilay na sabi niya

"Uhmm...hindi kaso hindi rin naman tayo friends kasi parati tayong nagbabangayan eh." nalilito nitong sabi

"Okay friends na tayo basta huwag mo na akong awayin!" sabi niya at inabot na rin ang kamay

"I will try." sabi nito na nakangiti

"I will try?! Ano namang klaseng promise iyan?" sabi niya

"Kasi baka magkainisan na naman tayo. But I will try na huwag kang galitin." sabi nito

"Okay na rin sa akin iyan" sabi niya na nakangiti na

Kakatapos lang maligo ni Paige. Sobrang napagod siya sa araw na ito. Parang feeling niya bugbug na bugbug ang buo niyang katawan. Pero okay lang at least nag enjoy naman ang lahat pati na rin ang Daddy niya. Himala nga na gising ito hanggang alas dyes nang gabi. Sinusuklay na niya ang kanyang buhok nang lumabas naman ng banyo si Ashton. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang suklay at ito na ang nag suklay nang buhok niya.

"Salamat. Nakakapagod no? Feeling ko parang bugbug na bugbug ang buo kung katawan."  sabi niya dito na sa reflection nang salamin nakatingin

"Want me to give a back rub?"tanong nito

"No it's okay. Alam ko pagod  na pagod ka rin. Thanks though."sabi niya

Maya maya tumigil naman ito sa kakasuklay nang buhok niya at hinila na siya papunta nang kama.

"Yeah I am very tired. I wish sometime I have superman's power." sabi nito na nakahiga

"Oo nga eh. Sana nga." sabi niya at tumabi na rin dito at yumakap

"Love...? tawag nito

"Hmmm...?"  sagot naman niya

"What do you think about Andy for Cathy?" seryoso namang tanong nito

"I think they look good together. Mabuting tao at gentleman si Andy kaya boto ako sa kanya. Why do you ask?" tanong niya

"I think Andy likes Cathy." sabi nito habang sinusuklay ang buhok niya nang mga daliri nito

"Talaga? Feeling ko rin may gusto iyang si Cathy sa kaibigan mo eh.  Nagkukunwari lang na galit para itago ang tunay na nararamdaman." nakangiti niyang sabi

"So ano na ang gagawin natin sa dalawa?" tanong nito

"I am not really sure.Ikaw ba may plano?"tanong niya

"Hmm...maybe set up a date for them? Parang blind date baga." sabi nito

"That sounds like a good plan. Sige kakausapin ko sina Anne at Faye tungkol diyan." sabi niya naghihikab na

"Yeah maybe we should talk more about this tomorrow pagod ka na at ako rin." sabi nito, tumayo na rin at binuhat siya para ilipat sa kabilang side nang kama.

"Good night" sabi niya at unti unti nang nakatulog

"Good night Honey, I love you..." bulong naman ni Ashton at hinalikan na sa labi si Paige. Alam niya na nakatulog na ito, kaya pinatay na niya ang ilaw.

Nakaringgan ni Paige ang pag I love You ni Ashton pero hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig. Pero mali o tama man, nabuhayan pa rin siya nang pag asa.


Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon