Chapter 19

306 4 0
                                    

Nasa opisina parin sina Andy at Ashton at pinag-aaralan pa rin nila ang tungkol sa Coral Garden Hotel and Resort. Sila nalang atang dalawa ang nasa building. Hindi niya talaga maalis sa isip kung bakit nagkakaganito ang Coral Garden, Base sa mga files a year ago maganda ang takbo ng Coral Garden noong si Tito Arturo pa ang namamahala dito. Nagtaka siya na in less than a year biglang bumagsak ang kita nito. Tinitingnan niya si Andy na abalang-abala sa pag-aaral ng mga files ng mga empleyado.


"Andy dapat siguro tapusin na muna natin to ngayon, mag half day ka na rin bukas kasi mag aala-una na rin ng madaling araw." sabi ni Ashton sa kaibigan.

"Okay Boss. Pero tika nga maiba tayo saan ka ba ngpunta kaninang hapon ay este kahapon ng hapon pala, bigla ka nalang nawala." nanunuksong tanong ni Andy.

"I went on a dinner date." simple niyang sagot

"Dinner date?! oh! akala ko ba no date and women ka muna ngayon?" nagtatakang tanong nito habang nililigpit na ang mga papeles na nagkalat sa coffee table.

"I had a date with Paige. at sinabi ko na rin na liligawan ko siya." sabi lang niya

"What? Boss! totohanan na ba talaga to? Akala ko ba unfair at unreasonable? Bakit biglaan ata?" tanong ni Andy at lumapit na sa kanya

" Yeah I know. I already said I will do it. At isa pa obsess si Papa na makuha ang Coral Garden." walang ganang sagot ni Ashton

"Paano naman si Paige? paano kung malaman niyang hindi mo naman pala siya gusto? You're going to break her heart Ashton." nag-aalalang sabi ni Andy

"Sana hindi na humantong sa ganun. Basta for now aayusin na muna natin ang problema natin with Coral Garden and leave Paige to me. At ikaw wala kang pagsasabihan ng tungkol sa business deal namin okay?" Paalala ni Ashton sa kaibigan

"Kailan ba naman ako ngsabi nang kahit na kanino. Sana matutuhan mo siyang mahalin Dude kasi kawawa naman eh." Andy said with concern

"Sana nga Andy..." Ashton hoped.

Nasa Cafeteria na sina Cathy at Paige. Hinihintay nalang nila si Faye. Si Anne naman ay lumabas para sagutin ang tawag ng boyfriend na si Monty. Hindi talaga siya tinantanan ni Cathy ng tungkol kay Ashton. Hindi na siya nasundo nito dahil hinatid nalang siya ng Daddy niya kahit gustong-gusto nito na sunduin siya.

"Hoy Babae ka ano na? magsalita ka na dyan. Ano bang nangyari kahapon? bakit may pa dinner date pa kayo ni Ashton kahapon?" Naiintrigang tanong ni Cathy

"Eh kasi nuong weekend Birthday niya eh wala naman akong regalong dala dahil si Daddy last minute na akong sinabihan na pupunta kami sa party. Sabi ko sa kanya na wala akong regalo sabi naman niya na dinner date nalang daw sometimes. Ayun kinuha niya number ko at tinawagan niya ako kahapon kaya ayon nga ngdinner date kami." mahabang paliwanag niya.

"Ahhh...so yun lang? ng dinner lang kayo? wala ng iba?" asked Cathy

"Ummm...he asked me kung pwede niya daw ba akong ligawan...." nammulang sabi ni Paige

"Ayeee...!!! talaga?! seryoso ka? Oh my Oh my!!! I am happy for you Paige!!!" natutuwang yumakap si Cathy sa kaibigan

"Bakit ano ang nangyari at mukhang masaya ata kayong dalawa?" nagtatakang tanong ni Faye.

Hindi nila napansin na anduon na pala ang dalawang kaibigan.

"Oo nga! come on guys share the good news." sigunda naman ni Anne

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon