Chapter 13

381 9 0
                                    

Nasa mall sina Paige at Cathy naghahanap ng mabibiling bagong damit. Dahil wala naman sa bahay ang kanyang ama at mamaya pang gabi ang uwi, niyaya nalang niya si Cathy na pumunta ng mall. Wala namang okasyon pero dahil ayaw niyang magmukmuk sa bahay at mag isip na naman ng tungkol kay Ashton at sa kanyang unang kabiguan. Naisip niyang mabuti pang aliwin ang kanyang sarili. Aliw na aliw sila ni Cathy sa kakasukat ng mga damit, kaya tuloy ang ibang mga sales ladies ay nayayamot na sa kanila dahil hindi naman sila bumibili. Paano kasi ang mga sinusukat nila ay parang hindi bagay sa kanya o ke Cathy. Umikot pa sila sa mall hanggang sa makita nila ang Forever21 na tindahan. Duon nakabili sila ni Cathy ng mga damit at accesories. Sa totoo lang hindi naman siya masyadong gumagamit ng accesories kasi simple lang talaga siyang babae, nahilig lang naman siyang bumili nang mga abubot eh noong ini stalk pa niya si Ashton. Kahit nauubos ang allowance niya sa kakabili ng mga bagong damit para sa parties kung saan dinadaluhan ng binata. She wanted to be beautiful for him kahit alam niya na bata pa rin ang tingin sa kanya ni Ashton. Natatawa nalang si Paige pag naiisip ang mga pinag gagawa nuon para lang mapansin ng lalaki.


"Paige okay ka lang? para kang tanga na nakangisi diyan. Ano bang nakakatawa baka naman pwede mong ishare." tanong ni Cathy.

" Ah... Wala may naalala lang akong nakakatawang eksena sa palabas na pinanuod ko kagabi. Oh ano darating ba ang dalawang pasaway ngayon?" iniba na ni Paige ang usapan dahil alam niya kukulitin na naman siya nito.

" Nag text si Faye baka susunod daw siya sa Restaurant si Anne naman eh pupunta rin daw pero kasama si Monty at ang kaibigan daw nitong kagagaling ng America." pagbibigay alam ni Cathy

"Huh?! bakit daw?" nagulat na tanong ni Paige

"Aba'y malay ko basta yun ang tinext ni Kamahalang Anne, sabi ko nga na huwag magdala ng boyfriend dahil unfair sa ating tatlo pero si Kamahalan ay nagpupumilit. Pabayaan mo na may extra namang bitbit na boylets eh paunahan nalang tayo nila Faye. Sana ako ang magustuhan." Kinikilig pang sabi ni Cathy

"Ewan ko sa iyo halika na nga at baka matraffic pa tayo sa edsa." sabi nalang ni Paige

"Sandali may kasama daw na guy kaya punta muna tayo sa washroom at magbihis nitong binili natin malay mo magka gusto si American guy." kinilig na naman si Cathy

"Hay naku ikaw nalang ang magbihis. At isa pa Cathy wala akong panahon sa mga ganyan." sabi pa ni Paige.

"Sige, ako nalang ang papasok hintayin mo ako dito sandali." sabi ni Cathy sabay takbo sa banyo.

Nakapark din sa wakas ang magkaibigan, kanina pa sila paikot-ikot sa kakahanap ng parking spot, mabuti nalang at may umalis kaya sila ang pumalit. Dahil parang halos isang oras si Cathy sa washroom, sigurado siya late na late na sila sa dinner. At ang bruha siya pa ang pinagdrive. Gamit nila ang sasakyan ni Cathy, dahil nasa bahay lang naman daw ang parents niya kaya siya ang gumamit ng extrang sasakyan nila. Siya ang pinagdrive dahil nakasuot ito ngayon ng high heels at talagang tinudo na nito ang pagpapaganda with make up and all pa.

"Girl, halika na late na tayo" nagmamadaling sabi ni Cathy

"Eh sino ba ang may kasalanan? sino ba sa atin ang nag overhaul pa?" nayayamot na sabi ni Paige

"Hay naku! halika na! huwag ng mastress dahil baka magkawrinkles" sabi pa ni Cathy.

"Ewan ko sa'yo! Tara na at gutom na talaga ako." sabi ni Paige sabay hila na sa kaibigan.

Nang makapasok na sila ni Cathy nakita naman nila agad ang mga kaibigan na kumkaway sa kanila. Balik kaway naman si Paige sa mga kaibigan. May dalawang lalaking nakaupo na nakatalikod sa kanila. Ang isa sigurado siyang si Monty iyon at ang isa siguro ang kaibigan nitong galing ng America. Papunta na sana siya sa table kung saan anduon ang mga kaibigan ng bigla siyang hilahin pabalik ni Cathy.

"Paige, Paige sandali. Ano okay lang ba ang itsura ko? hindi ba ako over dressed? Yong make-up ko okay ba? Punta kaya muna tayo sa washroom?" natatarantang tanong ni Cathy.

"Cathy ano ba...naghihintay na sila sa atin. You look beautiful, and yes you overdo it but it's fine. Kaya utang na loob halika na? I am starving! Hindi naman kayo magdedate niyan eh." Naiinis na talaga siya sa ka OA-han ng kaibigan niya.

Naglakad na patungo sa kanilang lamesa ang dalawa. Habang si Cathy ay pakendeng-kendeng pag naglakad. Napapailing nalang si Paige sa kaibigan, ano ba ang pwede niyang gawin eh parang determinado talaga itong masukbit si Mr. American.

"Hey bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Faye

"Umm...traffic. You know naman dito sa Philippines." sagot naman ni Cathy na nagpapacute sa kaibigan ni Monty.

"Ah..siya nga pala. Kaibigan ni Monty si Brad, Brad meet my two other friends, this is Cathy and Paige" pagpapakilala ni Anne sa kanila ni Cathy.

"Hi I'm Cathy Olivez" pakilala pa ni Cathy sabay pacute sa kay Brad.

Siniko ni Paige ang kaibigan sabay bulong

"Ano ba napaghahalata ka umayos ka nga dyan baka matakot yan at tumakbo" bulong ni Paige kay Cathy.

"Hi Cathy my name is Brad Falco, and you must be Paige?" pakilala nito sabay tingin kay Paige. Nakipagkamay ito sa kanila.

"Hi! Paige, Paige Angeles." pakilala din ni Paige sa sarili.

"Hi Cath and Paige. Kaibigan ko si Brad noong high school ako pero lumipat siya ng America para duon na mag-aral ng college. Pero parang dito na ata siya maninirahan sa Pilipinas ngayon right Dude?" Monty smiled at his friend

"Yes that's right Pare." sabi ni Brad sabay tingin kay Paige

Masaya naman ang kanilang pakikipagkwentuhan, medyo naiilang si Paige sa kaibigan ni Monty panay sulyap nito sa kanya. Pag nahuhuli naman niya uy ngumingiti lang naman. May itsura naman si Brad actually pogi nga ito eh kaso hindi niya type. Pero pwedeng maging kaibigan dahil maaliwalas ang mukha nito parang boy-next-door type and personality. Si Cathy ang kumaka-usap dito at todo talaga ang pagpapa cute! Mabuti nalang at gentleman si Brad.

Nasa labas na sila ng restaurant para umuwi na sana ng magsalita si Faye.

"Guys, clubbing tayo? may bagong bukas daw na club sa may east avenue. Tara?" Sabi naman ni Faye.

"Yes! that's a great Idea" chorus naman ng magnobyong Anne at Monty at sabay pang nakatawanan.

" Sorry I can't go with you guys, alam nyo naman hindi ako mahilig sa ganyan at isa pauwi na rin si Daddy. Baka magalit yun pag wala pa ako sa bahay hindi pati ako nakapag paalam na mag ka clubbing ngayon." Pangangatwiran ni Paige.

" Eh ano ang ginagawa ng cellphone? Duh! tawagan mo nalang si Tito Arturo. We will bring you home." sabi pa ni Anne

"It's okay, I wanted to go home early anyways so, you guys can go ahead." nakangiting sabi ni Paige.

"Eh Paige paano ka uuwi? we used my car to come here." nag-aalalang tanong ni Cathy

"Ang dami-daming taxi dyan. Hoy Ikaw Cathy ha? huwag kang iinom at magmamaneho ka pang uuwi." babala ni Paige sa kaibigan.

"Opo Mama hindi po ako iinom. promise po" nakataas pang kamay na sabi ni Cathy

"Well...it was nice meeting you Paige. Sayang at hindi ka makakasama sa amin." Disappointed na sabi ni Brad.

" It was nice meeting you too Brad. I know kaso ayaw ko lang talagang mag-alala si Daddy ang paalam ko shopping at dinner lang" sabi ni Paige.

"You are a good daughter Paige, I like that. Well, I hope to you again" sabi ni Brad sabay abot ng kamay ni Paige at hinalikan ito.

"Ah-Um..yes of course! Enjoy at the club" sabay hila ng kamay at pumara na ng taxi











Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon