Chapter 51

403 9 0
                                    

Nagising si Paige nang makarinig nang hagikgikan. Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang kanyang mag ama na naghaharutan sa gilid niya. Tatayo na sana siya nang maalalang wala nga pala siyang kahit na anong damit. Naramdaman naman niya na nakabalut siya ng isa pang manipis na kunot sa ilalim nang comforter. Si Ryder ang unang nakapansin na gising na siya kaya lumapit ito sa kanya.

"Good Morning Mom. Did we wake you up?" masayang bati nito

"Good Morning din. No it's okay. It's late anyways." sabi niya na humalik rin sa anak

"Good morning Love" Bati ni Ashton sabay halik sa kanyang labi

" G'morning. kanina pa ba kayo gising? Sandali at maghahanda ako nang breakfast." Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito

"Don't move. Wala kang suot na kahit anong damit. Huwag ka nang mag-alala for breakfast. Ryder and I took care of it. Magbihis ka na lang, lalabas na kami." sabi nito na nakangiti

"Thanks.." namumula niyang sabi

"No problem. Ryder let's go. Ihain na natin ang mga niluto natin. We'll wait for Mom in the kitchen." sabi nito sa anak tumayo at kinarga na ang anak.

"Opo! Mom you will like what we made! Let's go Dad!" yakag nito sa ama at tuluyan na ngang lumabas ang mga ito

"Okay be there in a few minutes" sabi niyang nakangiti

Naiwan siyang nakangiti pa rin. Nagmamadali na siyang pumasok sa banyo for a quick shower. Habang nasa banyo ay hindi niya napigilang ngumiti, She is really happy dahil sa mga nagyayari sa buhay nilang tatlo. She is praying na magtutuloy tuloy na ang kaligayahang nangyayari sa kanila ni Ashton, kahit na may insecurities pa rin siya hingil sa tunay na nararamdaman nito para sa kanya. Nang matapos sa pagligo ay nagbihis na nang damit si Paige at lumabas na ng kwarto. Nakita niya ang dalawa na busy sa kakaayos ng lamesa. Lumapit na siya sa mga ito.

"Is there anything I can help?" tanong niya

"No Mom just sit there you will be our queen, Dad and I will serve you." nakangiting sabi ng anak.

"That's right! Please sit down." sabi ni Ashton at hinila na siya paupo sa silya

"Oh okay. Ano bang hinanda ninyo?" nakangiti na rin niyang tanong

"Uhmm..what do you call these Dad?" tanong nang anak sa ama

"You don't know what you're making? Oh my that's scary! I hope it's edible." tawa niyang sabi

"Well..Dad said you used to love them..." napakamot naman sa ulo si Ryder

"It's sinangag na kanin, at daing na bangus." sabi ni Ashton

"Wow! paborito ko nga ang mga iyan!" she said happily.

"Told ya Son she will like it." kindat na sabi ni Ashton sa anak

Pagkatapos nilang kumain ay bumisita naman sila sa bahay nang Daddy niya. Nagdala na rin sila nang mga damit panligo dahil alam niya na magsuswimming ang anak. Walang araw na hindi nito gustong magbabad sa tubig. Nakita nilang nagdidilig nang halaman si Aunty Marie. Tumakbo naman papunta doon si Ryder.

"Lola Lola we're here!" tawag nito

"Oh Apo! I missed you!" bati nito sabay yakap sa apo

"Where's Lolo?" tanong ng bata

"He must be inside. Halika pasok tayo sa loob at nang makapag meryenda." yaya nito sa bata

"O-opo Lola" sagot na lamang ni Ryder

"Hi Aunty! Kumusta po kayo?" bati ni Paige sabay halik sa pisngi ng babae

"Paige! Okay naman ito nalulungkot kasi namiss namin kayo." sabi ng babae at yumakap na rin dito

" Kaya nga po andito kami Tita para bumisita. Si Daddy po?" tanong niya dito

"Mabuti naman at nadito kayo. Nasa loob. Ang asawa mo nasaan?" tanon ni Aunty Marie

"Kasunod po namin." sabi niya

"Hi Aunty" bati ni Ashton at humalik na rin sa pisngi ng babae

"Oh Halina kayo sa loob at nang makapag meryenda" yaya nito sa kanila

Nang makapasok na sila ay nakita nila si Ryder na kandong na nag Lolo nito at masayang nagkwento nang tungkol sa bago nitong school. Bumati at humalik naman sina Paige at Ashton sa Daddy nila. Noon naman napansin ni Paige na wala ni anino ng kaibigan.

"Dad, Aunty nasaan po si Cathy?" tanong niya

"Mom she went sa labas Lolo told me" sagot ni Ryder

"Wow! Apo marunong ka na palang managalog ah!" tuwang sabi ni Arturo

"Opo kunti lang po. But Dad is teaching me more right Daddy?" proud na sabi ni Ryder

"Yup! Matalino ka rin kasi kaya madali kang natoto." nakangiting sabi nito

Nagkatawanan naman silang lahat dahil parang hindi na naintindihan ni Ryder ang mga sinabi nang ama.

Nasa isang Mall naman si Cathy, tinawagan siya ni Faye dahil gusto daw nitong samahan niya sa pamimili ng regalo sa kasal ni Anne. Ang babae hanggang ngayon eh wala pa. Naiinis na talaga siya, kanina pa siya nghihintay sa kaibigan. Noon naman tumunog ang cellphone niya. It was Paige kaya sinagot na niya

"Oh Paige napatawag ka?" tanong niya dito

"Hello to you too. Nasaan ka na? si Ryder hinahanap ka miss ka na daw niya" sabi nito sa kabilang linya.

"Nasa bahay ninyo kayo? Sige sige uuwi na ako. Mukhang hindi naman na sisipot ang bruhang si Faye." galit niyang sabi

"Bakit magkikita ba kayo ngayon?" nagtatakang tanong nito

"Oo kasi nga daw bibili sana siya ng regalo sa kasal ni Anne gusto ka pa ngang kulitin na sumama kaso sinabihan ko na busy ka kaya kami nalang dalawa. Pero ang bruha hindi na dumating hindi pa nagte- Ay! Ano ba yan Kuya!" gulat na sabi niya

"Ay Sorry miss hindi ko sinasadya- Ikaw?" sabi ng lalaki

"Ikaw din? Tingnan mo nga naman pag minamalas ka nga naman ano?" inis na sabi niya dito

"Hello Cathy? anong nangyari okay ka lang?" nababahalang tanong ni Paige sa kabilang linya

"Sandali Paige nabangga kasi ako ng isang unano dito eh. Bibigyan ko lang nang lesson tong lalaking ito at uuwi na ako." sabi niya at hindi na pinatapos si Paige.

"Hoy sinong bibigyan mo nang lesson? Eh ikaw nga diyan ang hindi tumitingin sa dinadaanan eh." sabi ni Andy

"Hoy unano ka ang lawak lawak ng daan at talagang dito ka sa gilid dumaan? ang sabihin mo aanga anga ka! Tingnan mo tuloy basa at madumi na ang damit ko!" galit niyang sabi

"Eh bakit ba ako ang sinisisi mo eh ikaw itong hindi tumitingin sa daan eh dahil sa kakatelebabad mo kahit na nasa mall ka na!" inis din nitong sabi

"Ahhhh!!!!! Unano ka ang sarap mong kutusin! You should do something! Did you drive here?" tanong nalang niya

"Hindi naglakad lang ako kasi alam mo mahilig akong maglakad eh from Quezon to Edsa. Siyempre nagdrive!" pilosopong sabi nito

"Then let's go, give me a ride home dahil wala akong balak na maghintay nang taxi sa labas na madumi at basa ang damit!" sabi niya sabay hila dito.

Nang nasa parking lot na sila ay nagmamaktol naman si Andy

"Akala mo asawa niya ako kung makahila at makautos." bulong na sabi ni Andy

"Ano sabi mo unano?" galit na tanong nito

"Wow kung maka unano naman eh  akala mo six feet and three inches! Eh parang mas matangkad pa nga ako sa iyo nang ilang pulgada ah!" sagot naman niya

"Ewan ko sa iyo. Mainit ang ulo ko ngayon sinasabi ko sa iyo." supladang sabi nito

"Oh your highness saan mo ba gustong magpahatid?" sabi nito habang iniistart ang sasakyan

"Alam mo kung saan nakatira ang Daddy ni Paige diba? Doon mo ako ihatid." sabi nito

"Opo your highness!" sabi nalang niya



Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon