Chapter 29

349 6 0
                                    

Nasa bahay nila Anne sina Paige, Faye at Cathy naliligo sa swimming ng una. Kakain sana sila sa labas kaso wala daw ganang lumabas ni Anne kaya sila nalang ang pinapunta sa bahay nito at magsuswimming nalang sila. Mabuti nalang at nasa bahay pa siya ng Daddy niya ng sabihin ni Cathy ang change of plans kaya nakapagdala siya ng bathing suit.

"Maganda rin itong naiisip ni Kamahalng Anne at least makakapagrelax tayo malapit na rin kasi ang pasukan." sabi naman ni Faye habang umiinom ng juice.

"Yeah i think this is a good idea Anne. Salamat sa invitation." sabi pa ni Paige

"No problem. Oh Cathy bakit parang tahimik ka ata? Parang hindi ikaw. Ano ang problema Sister?" puna ni Anne sa kaibigan.

Nakakapagtakang medyo tahimik nga ito at mukhang malungkot.

"Yeah Cathy what's up?" tanong naman ni Faye

"May problema ba Cath?" susog naman niya

"Guys...my Dad finally accepted a job in Canada...lilipat na kami duon...baka before the semester ends." malungkot na pahayag ni Cathy

"What?!" bulalas nilang tatlo

"I know...hindi naman ako pwedeng magpa iwan dito kasi baka atakehin sa puso si Mommy ako pa ang dahilan ng pagkatigok niya." Cathy explained

"P-paano na yan...aalis ka na...mamimiss ka namin.." naiiyak na sabi ni Faye

"We will miss you Cathy...I wish you don't need to leave..." naiiyak na rin na sabi ni Anne

"I know...I will miss you girls too...kaso wala akong choice...it's eaither my Mom's death or Canada." naiyak na na sabi ni Cathy

"Cathy...you know that we love you right? Pero ayaw din naman namin na iwan mo ang pamilya mo...You've got to chose them first bago kami. Maiintindihan ka namin...right Girls?" sabi naman niya

Tumango naman ang mga kaibigan nila na umiiyak na rin.

"Of course we will understand...basta visit us very often okay?" sabi ni Faye

"Yes! if possible twice a year!" nakangiti ng sabi ni Anne

"Loka! hindi naman kami magmimina ng ginto duon ano. ang mahal kaya ng pamasahe pauwi dito." natatawa na ring sabi ni Cathy

"Don't worry Cath sagot na ni Anne ang pamasahe mo." tawa namang sabi ni Paige.

They laughed and hugged Cathy. After ng usapang iyon eh okay na ulit silang lahat nagkakatuwaan habang lumalangoy. At nang mapagod sa kakalangoy umupo na silang tatlo sa lawn chair at ng usap.

"Kumusta na nga pala ang buhay may asawa Paige?" biglang tanong ni Anne

"Okay naman. hindi pa rin ako marunong magluto. kanina nga nasunog ang itlog at sausages na niluto ko for breakfast." nalulungkot na pahayg niya.

"Okay lang yan girl practice ka lang. Maiintindihan naman ng asawa mo yon kasi all your life may katulong kayo." Sabi pa ni Cathy

"Eh bakit hindi nalang kayo kumuha ng cook? eh di tapos ang problema." sabi naman ni Anne

"Eh siyempre Anne, Paige wants to cook and care for her own husband. Kahit naman ako pag nag asawa ako ayoko ko rin ng katulong mas maganda na ako mismo ang mag-aalaga sa kanya." saad naman ni Faye

"Yeah...gusto ko talagang matutuhan ang mag luto para next time marunong na talaga ako." malungkot na pahayag niya.

"It's okay Dear matututo ka rin just give it time" Cathy said

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon