Chapter 44

407 6 0
                                    

Nasa Opisina ni Ashton ang lahat nang mga HR supervisors ng iba't-ibang sangay nang hotels nila, Nagmemeting sila para mga bago nilang hired na empleyado, at kung may mga complaints ba silang natatanggap. Pinag-uusapan din nila kung sino ang pweding ma assign sa Mindanao branch na itatayo pa lang na hotel duon. Nakita niyang pumasok si Andy. Tiningnan niya ang kaibigan at parang may gusto itong sabihin sa kanya.

"Oh Andy akala ko ba may kukunin ka lang sa opisina mo bakit ngayon ka lang?" tanong niya dito.

"Ahmm...Oo. eh kasi...Boss...andiyan si Mrs. Navarro gusto ka daw makausap." sabi nito sa mahinang boses.

"Si Paige nandito? Sinabi ba kung bakit?" tanong niya sa kaibigan.

"Uhmm...hindi eh. Sinabi ko na medyo busy ka...-" Andy didn't finish his sentence because Ashton cut him off

"No no I will see her. Okay Ladies, and Gentlemen I guess we will call it a day. Total kanina pa rin naman tayo dito. We'll wrap it up at tatawagan nalang namin kayo ulit ni Andy for more updates." sabi niya and dismissed everyone.

Pumunta siya sa kanyang lamesa at sumunod naman duon si Andy. Nagsalita lang ulit si Ashton nang maisara na ang pintuan ng kanyang opisina.

"Bakit daw andito si Paige?" tanong niya ulit

"Hindi ko rin alam Pare, andito rin yong atribidang kaibigan ni Paige." naiinis na sabi ni Andy

"Huh? Sinong atribidang kaibigan?" nagtatakang tanong naman niya.

"Sino pa eh di si Cathy!" naiinis niyang sagot

"Hanggang ngayon ba eh nag babangayan pa rin kayong dalawa? Five years na kayong hindi nagkikita ah." natatawa niyang sabi

"Hay naku hindi na ata kami mag-uusap nang matino nang bruha na iyon eh. But seriously Bro. mukhang galing sa pag iyak ang dalawa...lalo na si Paige." nag-aalala na nitong sabi.

"Huh? Bakit? Sige, send them in." agad na sabi niya.

Nagtataka namang napaisip si Ashton...ano kaya ang nangyari at umiiyak si Paige? Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Paige.

"To whom do I owe this surprise visit wife?" nakangiti niyang tanong

Natigilan siya nang makitang tumutulo ang luha nito habang papalapit sa kanya.

"What's the matter Love?" nag-aalala namang tanong niya

"Ashton...hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...Please leave me and Ryder alone! Ako ang kailangan nang anak ko.!" galit na sabi niya

"Ahh...I assumed na nakuha mo na ang court order? Kaya ka andito ngayon?" tanong nito, but this time wala nang emotion na makikita sa mga mata niya

"Bakit ba kailangang gawin mo ito! Hindi ko naman ipinagkakait sa iyo si Ryder ah! In fact I let him stayed with you last night! Bakit kailangan mo pang magsampa nang sole custody?" sabi nito na pigil na pigil ang pag bunghalit nang iyak

"Hindi pa nga nag-uumpisa ang hearing, sinugod mo na agad ako? Oh Akala ko ba you will fight me till the end?" nakangiti niyang sabi

"A-ashton...bakit kailangang gawin mo ito? If annulment you want I can give it to you...and don't worry wala naman akong balak na humingi nang alimony sa iyo, just let me have Ryder." umiiyak na ito

"What made you think that I want annulment?" seryoso niyang tanong

"Then?! What do you want? Do you want me to beg and kneel? I will do that." sabi nito at luluhod na sana nang magsalita siya ulit

"NO! That is NOT what I want!" sigaw na sabi niya.

"Then what is it that you WANT?! Tell me!!!" iyak at sigaw na rin nito

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon