Chapter 54

403 7 0
                                    

Bago umuwi ay dumaan muna sa mall sina Paige. Kailangan nilang mamili nang mga gamit para kay Ryder dahil sa Martes may pasok na ito. Martes kasi may Canadian Thanksgiving sa lunes holiday ng school. Nasa mall na silang tatlo at tuwang tuwa naman ang bata nang makita ang mga gamit na may larawan ni Spiderman. Ito kasi ang paborito nitong super hero.

"Oh my! look how many spiderman stuff they've got!" excited na sabi ng anak

"Choose everything you want son. At bibilhin natin." sabi ng ama

"Really? Awesome! thanks Dad!" excited na sabi nito at naglakad na papuntang shelves kung saan naka display ang iba't ibang gamit.

"Huwag mong masyadong ispoil iyang anak mo baka lalaki ang ulo." sabi niya dito

Tumingin naman si Ashton dito lumapit at inakbayan siya sa balikat

"Ngayon lang naman eh. Alam ko kung gaano siya ka excited na mag-aral kaya pagbigyan mo na." nakangiti nitong sabi

"Bahala ka, pera mo naman iyan eh." natatawa na niyang sabi

"Ikaw ba may gustong bilhin?" tanong nito sa kanya

"Wala naman ang dami dami ko pa namang gamit, kaya okay pa ako. But thanks" sabi niya

" I will give you some money, parang allowance mo at pang grocery na rin." sabi nito sa kanya

"No it's fine marami pa namang pagkain sa bahay." sabi niya

"No Paige I wanted you to have some money, What is mine is yours as well." sabi nito.

"Ikaw ang bahala" sabi nalang niya

Bumabyahe na sila pauwi nang may tumawag sa cellphone ni Ashton, kaya ng pull over muna ito para tingnan kung sino at kung dapat ba niyang sagutin. It was Nina.

"Yes Nina?" sagot niya

"Hey Where are you? Want to come at my place?  I cooked your favorite food" sabi nito

"Ah sorry Nina hindi ako pwede ngayon. I have to go, bye." putol niya dito

Nagulat pa si Paige nang marinig na si Nina ang tumawag sa asawa, so hindi pa rin pala nawawala ang communication nang dalawa kahit na nagkabalikan na sila. Pero ayaw na niya itong tanungin kasi baka masira lang ang mood nila. Hindi rin naman nagbigay nang inpormasyon ang asawa kaya hindi na siya ngtanong. Wala silang imikan hanggang sa makarating ng Condo. Hindi na sila naghapunan dahil late na silang kumain nang tanghalian. Inaayos niya ang mga pinamili nilang gamit nang lumabas ito na nakabihis.

"Aalis ka?" nagtatakang tanong niya

"Oo eh magkikita kami ni Andy pupuntahan lang namin ang mga bisita ni Papa. Ewan ko ba duon alam naman niyang aalis siya, hindi na kinansel ang meeting today ayan tuloy pati family day natin eh napurwesyo." He said annoyingly

"Ah okay. Mga anong oras ka ba uuwi?" tanong niya habang inaayos ang kwelyo ng damit nito

"Mmm...you sounded like a nagging wife i like that. HIndi ko alam eh baka gagabihin na kami kaya huwag mo na akong hintayin okay?" nakangiti nitong sabi.

"Hihintayin na kita kasi hindi rin naman ako makakatulog." sabi niya

"Hmm...sana pala si Andy nalang ang sinabihan kung pumunta, para hindi na kita iwan...at sana iniwan na muna natin si Ryder kina Aunty at Cathy para we can have some time together. Sayang!" sabi nito

"Naku! Ikaw! kung anu ano na naman iyang nasa isip. Sige na baka malate ka pa." sabi niya dito

"Sige aalis na ako magpapaalam muna ako sa anak natin." sabi nito at hinalikan siya sa mga labi.

Kulang ang salitang galit sa nararamdaman ngayon ni Nina. Itinapon niya sa dingding ang kopitang hawak. Bakit ba parati nalang siyang tinatanggihan ni Ashton? She needs to make a drastic move. Kung hindi mapapasakanya si Ashton walang sino mang babae ang makakakuha rito.

"Akin ka lang Ashton! Akin lang!" nanlilisik ang matang sabi ni Nina.

Sa wakas naka tulog na rin si Ryder. Nalate ito nang tulog, humiling pa kasi ito na manood daw sila nang Veggie Tales kaya pinagbigyan na niya. Minsan lang namin kasi itong makapanood ng TV. Habang inaayos ang mga damit na tiniklop niya ay nagring naman ang phone. She went and answered it.

"Hello?" sagot niya

"Hey Paige si Cathy ito. Mabuti at gising ka pa." narinig niyang sabi ng kaibigan sa kabilang linya

"Bakit may problema ba Cath?" nag aalalang tanong niya

"Wala naman. Na miss lang kita." sabi nito

"Namiss? Eh kanina nga lang tayo naghiwalay eh miss na agad? Ang sabihin mo may gumugulo sa utak mo. What is it? Come on spit it out." sabi niya at naupo na sa gilid nang kama nila

"Huh? Grabe para tumawag lang may problema agad?" defensive na sabi nito

"Sure, sure, sure Keep telling that to yourself. Si Andy ba?" natatawa niyang sabi

"What on earth Paige! Ano naman ang kinalaman nang lalaking iyon sa pagtawag ko!" napataas na ang boses na sabi nito

"Hay Naku kilala na kita Catherine! Kaya kung ayaw mong magsalita ibababa ko na ang phone at matutulog na ako." warning niyang sabi

"Sandali naman! Bumibwelo pa nga lang ako eh. Ito atat naman masyado. Tulog na ba ang pogi kung Ryder?" Cathy Asked

"Oo late na nga nakatulog dahil nagyaya pang manood nang Veggie Tales." paliwanag niya

"Awe...paborito pa rin pala niya iyon. Hindi na talaga nagbago." sabi nito

"Oh Ano na? may sasabihin ka diba?Ano na? ang dami dami mo pang palusot eh." biro niya dito

"Ahh...Umm...ano...kasi ano...P-paano ko ba eexplain?" sabi nito

"Want me to explain it to you? You love him!" sabi niya

"What the heck! Love agad? hindi ba pweding crush ko muna siya?" defensive na sabi nito ulit

"Sige crush na kung crush. Sige dali magpaliwanag ka na." naeexcite na tanong niya

"Wala namang dapat ipaliwanag gusto ko lang ishare sa iyo...kasi kagabi nagkausap kami hindi nman pala siya arogante kaya ito crush ko na siya" mahinang sabi nito.

"Wala namang problema diyan ah. Binata si Andy at dalaga ka naman so what is the fuss? Pwera nalang kung takot ka?" tukso niya dito

"Eh...yun nga eh I am scared baka kasi sabihin niya na kaya ako nag gagalit-galitan sa kanya noon ay dahil may gusto naman pala ako sa kanya. Alam mo na?" paliwanag nito

Syempre hindi niya sasabihin sa kaibigan na may gusto na si Andy sa kanya dahil gusto niya ang lalaki mismo ang magsasabi sa kaibigan. But she will assure her that everything will be fine.

"I am sure gusto ka rin noon. Baka nga siya pa itong pakipot eh.Baka nga may gusto na siya sa iyo noon pa man diba?" sabi niya rito

"Huh? What made you say that? Bakit may naishare ba siya sa iyo? Or kay Ashton? Pinag-usapan din ba ninyo ako?" natataranta nintong tanong

"Oh my word Cathy! wala! wala siyang sinabi and Don't worry wala akong sasabihin sa Asawa ko unless may permission mo." natatawa niyang sabi

"Oh okay...basta secret lang muna natin ito until makakasiguro na ako na hindi lang crush ang ang nararamdaman ko. I will wait till siya mismo ang mag oopen up nang feelings niya for me. Diba dapat ganoon kasi dalagang Filipina ako eh." paliwanag nito.

"Of course! Just wait till he tells you everything." sabi nalang niya.






Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon