Chapter 59

413 6 0
                                    

Nasa Coral Garden si Ashton doon na muna siya habang hinihintay niyang makapag isip ang asawa. Hindi na niya pina uupahan ang cottage kung saan sila nag honeymoon noon. Pinaayos niya ito at nagbayad nang malaki para lang mailipat ito sa mas pribadong lugar ng resort. Ginawa na niyang rest house iyon para lamang sana sa kanilang magpapamilya. He misses his wife and son. Bumuntonghinga siya at naglalakad lakad sa may dalampasigan.

"Ang sarap ng hangin dito sa resort, sigurado matutuwa si Ryder pag nakita ang dagat mahilig pa naman ito sa tubig." bulong niya

He misses his family so much. It's been three days since the last time he saw them. Kumusta na kaya ang mga ito? Ashton sat down on the shore at nagdasal. Since umalis si Paige noon araw araw na ata siyang nagdadasal. Just lately na bumalik ito ay nakalimutan na naman niyang kausapin ang Diyos. He closed his eyes and talk to Him who knows his every thought.

Masakit ang buong katawan ni Paige ng nagising pakiramdam niya ay galing siya sa isang napakahabang byahe sa barko. Tiningnan niya ang kanyang orasan na nasa bed side table. Mag aalas diyes na pala nang umaga. Sa naisip bigla niyang naalala ang anak. Papasok nga pala ang anak ngayon. She got up but it was a big mistake. Parang hinahalukay ang sikmura niya at nahihilo siya...kaya tumakbo siya sa banyo para sumuka. At nang parang wala na siyang isusuka ay umalis na siya sa toilet bowl at naghilamos nang mukha. She was thinking while looking at herself on the mirror.

"Kailan ba ako last nagkaroon...?" kinakabahang tanong niya sa sarili

Binalikan niya sa isip ang last na nagkaroon siya.

"Oh crap! Almost two months na pala since ang last period ko..." kinakabahang bulong niya

She was sitting on her bed nang marinig niyang may kumakatok. It was Cathy

"Girl...gising ka na ba?" tawag nito

"Y-yes...Cathy come in..." wala sa sariling anyaya niya sa kaibigan

"Molly! Paige you look horrible okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya at umupo na sa tabi niya

"Cathy...si...Ryder nakalimutan ko na may pasok nga pala ito ngayon...-" Cath cut her off

"Don't worry about him inihatid na siya ni Andy dahil iyon ata ang bilin ng Asawa mo na ihatid sundo si Ryder, pero kahit wala si Andy I can always do that." sabi nito

"Really? Pakisabi kay Andy na salamat." sabi niya at tumayo nang bigla naman siyang nahilo at natumba and everything went black.

"Paige!" sigaw ni Cathy at maagap na sinalo ang kaibigan

Sumasakit ang katawan ni Paige nang magising. Nahihilo pa rin siya. Tatayo na sana siya nang makita ang tatlo na pares na mga mata na nakatingin sa kanya. Si Arturo ang unang nagsalita.

"Sweetheart are you feeling better?" Nag aalalang tanong ni Arturo

"Oo nga hija? gusto mo bang dalhin ka na namin sa hospital?" nag-aalalang tanong ni Aunty Marie

"Tama mas mabuti pa nga sige po ako na po ang magdadrive sa kanya. Halika ka na Paige para makasigurado tayong okay ka lang." sabi ni Cathy at tumayo na para alalayan siya

"No...It's fine Cathy nahilo lang ako kasi late na akong nagising at napuyat ako kagabi." sabi lang niya

"Sigurado ka hija?" tanong naman ng Daddy niya

"Yes Dad kailangan ko lang sigurong matulog ulit." sagot niya

"Siya sige. Mabuti pa sigurong iwan ka na muna namin. Basta Paige pag may naramdaman kang hindi maganda tawagin mo kami okay?" It was Aunty Marie.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon