Chapter 20

361 5 0
                                    

Nasa kwarto si Paige nag-aayos ng sarili dahil susunduin siya ni Ashton ngayon, Duon maghahapunan ito dahil inimbita ito ng Daddy niya. Official na rin nilang sasabihin na magkasintahan na sila. Tama sila na nga ni Ashton. After 2 weeks na nanligaw ito ay sinagot na niya agad, bakit pa nga naman niya pahihirapan ang sarili eh sa talaga namang mahal nya ang binata. Napaka sweet, romantic at gentleman nito sa kanya. Pag busy ito sa trabaho at hindi siya masusundo he made sure naman na susunduin siya ng company driver nito oh di kaya si Andy mismo. Gusto niya rin si Andy dahil mabait ito sa kanya. Nakilala na rin ni Ashton ang mga kaibigan niya. Nagustuhan naman nila ito agad. Naipakilala na rin niya si Andy sa mga ito, pero hindi makasundo ni Andy si Cathy. Para itong aso at pusa parating nagbabangayan. Nahinto ang kanyang pag mumuni-muni nang may kumatok ng kanyang pinto.

"Sino yan?" tanong niya

"Ma'am si Marta po andito na po si Sir Ashton, pinababa na po kayo ng Daddy niyo." sagot nito

"Sige Marta baba na ako.Salamat." sabi niya.

Sinulyapan pa ulit ni Paige ang sarili, at nang makuntento ay bumaba na rin siya. Nakita niyang nag-uusap ang dalawang lalaki sa sala. Mukha atang seryoso ang pinag-uusapan, hindi man lang siya napansin ng mga ito. Kaya tumukhim na siya.

"Oh Hija andyan ka na pala." gulat na sabi ni Arturo

"Hi, you look beautiful." bati naman ni Ashton at hinalikan siya sa pisngi

"Hi..." nagbablush na bati ni Paige

"Halina kayo at kanina pa handa ang hapunan. Tayo na sa kusina" yaya naman ni Arturo

Habang kumakain ay hindi naman mapakali si Paige. Kaya hinawakan siya ni Ashton sa kamay at binulungan.

"Hey..relax...it'll be okay." sabi pa nito

"So ano ba ang sasabihin ninyo? Paige? Ashton?" tanong pa ni Arturo

"Um..Dad...B-boyfriend ko na po si Ashton.." kinakabahan pang sabi ni Paige

"Totoo ba yan?! Congratulations sa inyong dalawa." natutuwang sabi ni Arturo.

"Thanks po Tito, huwag po kayong mag-alala aalagaan ko po si Paige." pahayag ni Ashton na tinitigan si Paige

Napatingin naman si Paige dito, at napangiti na rin. Feeling niya mainit na mainit ang mukha nya sa pamumula.

"I am glad to hear that Hijo. Nasabi niyo na ba ito sa Papa mo Ashton?" tanong ni Arturo

"Yes I told him yesterday." nakangiting sabi ni Ashton.

Nasa isang bar si Nina at uminom ng uminom. Hindi pa rin nagkakahiwaly sina Ashton at Paige mag tatatlong linggo na niya itong nakikitang magkasama pa rin. Naiinis na talaga siya. Ano ba ang pwede niyang gawin? Kailangang may gawin siya. She loves him. she wants him for herself hindi pweding maagaw ito ng iba.

Kakababa lang ni Ashton ng cellphone niya ng kumatok si Andy at pumasok na rin. Hindi na niya ito tiningnan dahil busy siya sa kanyang laptop

"Boss, andito na ang lahat ng papeles na kailangan natin sa Tanay." sabi nito sabay lapag ng folder.

"Salamat Man, siya nga pala may updates na ba sa Coral Garden?" tanong niya at hindi pa rin tumitingin kay Andy

"Wala pa baka next week or sa friday. So kumusta naman ang iyong love life mukha namang masaya ka ah." Tanong ni Andy

"It's okay. " tipid lang niyang sabi

"Boss ano ba tinitingnan mo diyan?" curious na tanong ng kaibigan at lumapit na dito.

"Singsing? Pare wala pa ngang dawalang linggo ka niyang sinasagot prososal na agad?" nagulat na tanong ni Andy.

"Duon din naman ang kakahantungan namin eh. So might as well do it now diba?" sabi niya

" Ashton sigurado ka na ba talaga diyan?" nag-aalalang tanong nito

"Andito na kami Andy what's more can I do? I will propose in two months time, then marry her before her school starts next year." sabi ni Ashton

"Sounds like you planned everything." sabi nalang ni Andy.

"Pare what do you think about this ring?" pang-iiba niya sa usapan at  pinakita sa kaibigan ang isang solitaire engagement ring.

"Wow! maganda pare. siguradong yes na agad ang isasagot ni Paige sa iyo.

"Sana nga." napangiti na rin sabi ni Ashton.

Nasa soccer field si Paige naka-upo sa isang bench. Hinihintay niya ang mga kaibigan na nasa cafeteria at bumibili ng pagkain. Nakita niyang umupo rin sa kabilang bench sina Nina at mga kaibigan nito. Binalewala lang niya. Hindi naman sila friends kahit nga civil ay hindi sila ganun, mas lalo ngayon na sila na ni Ashton, kahit paano din kasi naging ex din ito ng kasintahan. Narinig niyang malakas na nagtatawanan ang mga ito, napatingin siya side kung saan ito nakaupo, nagulat siya nang umirap ang isa sa mga kaibigan nito.

"Ano bang problema ng mga iyon?" bulong niya sa sarili

Binalewala niya nalang ang mga ito, hanggang sa makita na niya ang mga kaibigan na papalapit sa kanya. 

"Ang tagal niyo naman akala ko tuloy binili na ninyo ang buong cafeteria eh." nagbibirong sabi ni Paige.

"Pasensya na your highness paano kasi si Kamahalang Anne hindi makapag decide kung ano ang gusto niyang kainin." Cathy rolled her eyes while explaining.

"Eh paano ang dami dami kayang masarap kainin." reklamo naman ni Anne.

"Hay naku tama na nga kumain na tayo." sabi naman ni Faye.

Nasa isang club house ng isang golf course sina Arturo at Don Ansel. Sina Ashton at Paige ang topic ng kanilang usapan.

"Mukhang nagkakamabutihan na ang mga anak natin Arturo."  untag ni Don Ansel

"Oo nga. at nagpapasalamat ako ng lubusan sa iyo at sa anak mo. Mukhang maayos na rin ang Coral Garden. magaling talaga si Ashton sa business kumpadre napaka swerte mo sa anak mo." paliwanag ni Arturo

"Ano ka ba Arturo parehas lang naman tayong may motibo sa deal na ito diba? Paige is a wonderful woman maayos ang pagpapalaki mo sa anak mo kumpadre. Sana ay matutuhan na siyang mahalin ni Ashton." seryosong sabi ni Ansel

" Nakikita ko namang he cares for Paige Ansel. Kaya sa ngayon okay na muna yun. Pasasaan ba't sa pag ibig din ang kahahatungan nang dalawa." Arturo said with confidence.

"Maiba tayo Arturo paano na nga pala yong mga ginawang pagnanakaw ni Don sa Coral Garden? Ano na ang balak mo?" Nag-aalalang tanong naman ni Ansel

" I think mas makakabuting huwag na lang itong ipaalam sa publiko. I asked him to give up his post sa kompanya para wala nang maghinala. Asawa din siya ng kapatid ko, that's why I am letting it slide." Arturo said.

"Kunsabagay. I will talk to Ashton and Andy about it." sabi nalang ni Ansel.

"Salamat kumpadre." ngiting sabi naman ni Arturo.





Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon