Chapter 23

307 6 0
                                    

Nang matapos maligo ni Paige ay lumabas na siya ng banyo, nagulat pa siya nang makita ang isang medyo mahabang kahon ng damit, kahon ng sapatos at isang maliit na parang jewelry box na nakalatag sa kanyang kama. Then she saw an envelop next to the jewelry box na may nakasulat na "Read Me First". Napangiti naman si Paige at kinuha at binuksan ang envelop at binasa.

" My Beautiful Paige,

It's our first Christmas together as a couple, and I want it to be very special and a memorable one for both you and me. Please wear this dress, I chose for you (I hope you don't mind). I'll be waiting at the restaurant.

Your Man,

Ashton ❤️‍

Hindi napigilan ni Paige ang maiyak. Kahit minsan ay hindi niya narinig na ng I Love You sa kanya ang kasintahan, pero sa mga ginagawa nito sa kanya ngayon sobra sobra pang "I love You" ito. Naniniwala na talaga siya na "Action Speaks Louder that Words". Binuksan na niya ang mga kahon ng damit, at sapatos. Namangha siya ng makita ang itsura ng damit. Simple pero elegante ang dating. It was a long chiffon dress with a keyhole detail. Pagkatapos binuksan naman niya ang kahon ng sapatos. It's a wedge shoes na nasa one inch lang ang taas ng heels nito, puti din ito na ang straps ay laces. Nag-ayos na nang sarili si Paige. She will make sure na maganda siya sa gabing ito. She blow dry her hair and put some make up on at nagbihis na. Then she realized na may kulang....ang earrings na binigay din ng binata. She took the box, opened it and took the diamond hoop earrings at isinuot na niya. She surveyed herself on the mirror again at lumabas na. Nang Pagbukas niya ng pinto nagulat pa siya ng makita si Andy na halatang hinihintay siya.

"May I escort you to your table Miss. Paige?" Tanong lang nito at inilahad ang kamay sa kanya.

Inabot naman ito ni Paige na nakangiti

"Thanks, Andy pero hindi mo na sana ako sinundo." Nangingiti niyang sabi.

" What the Boss says goes. Shall we?" Iginiya na siya ni Andy palabas ng cottage niya.

Habang nilalakbay nila ang papunta sa kanilang table ay na- aamaze naman niyang tiningnan ang mga ilaw na nakalinya sa pathway na dinadaanan nila. Hindi niya ata nakita ito kanina nang pumasok siya sa cottage niya, kunsabagay maliwanag pa naman nun. Ang akala niya sa restaurant ng resort siya dadalhin ni Andy pero lumiko ito at dinala siya sa dalampasigan. She was stunned when she saw an arbor made of bamboo napapalibutan ito ng mga ilaw, bulaklak at laces na kurtina. Sa paligid naman may mga bamboo torches, at sa may gilid may tumutugtug ng Chello at Violin. Sa gitna naman ay may table for two. Then..she saw Ashton standing there, nakasuot ito ng white long sleeves hawaiian type shirts at white linen pants. Ang gwapo gwapo nito. Para itong magpophoto shoot sa isang magazine cover. Hindi niya mapigilang mamangha sa nobyo, napapaluha na naman siya pero pinigilan niya dahil sayang ang make up. Nakangiti itong sumalubong sa kanila ni Andy, at pagkatapos ay kinuha na ang kamay niya at inilipat sa kamay nito.

"Thanks Pare." Pasalamat ni Ashton kay Andy.

"No problem. Enjoy the dinner guys." sabi nito at umalis na din

Inalalayan siya ni Ashton na makaupo. Maya't-maya ay dumating na ang kanilang pagkain.

"Wow! ang ganda-ganda nito Ashton talagang tinudo mong lahat huh?" Naiiyak na sabi ni Paige

"Nagustuhan mo ba?" nag-aalalang tanong nito.

"Oo sobra! maraming salamat Ashton at ng effort ka ng ganito. It's overwhelming! It's like a dream..." Paige choked up.

"I'm glad that you like it. So I guess we succeed." Nakangiting sabi ni Ashton habang hawak ang kanyang Kamay.

"Of course! Ikaw ba lahat gumawa nito?" tanong niya.

"No, actually Andy and Cathy helped me. at lahat ng staff ng Coral Garden." sagot ni Ashton.

" Talaga?! Wow! magpapasalamat talaga ako sa kanilang lahat bukas." sabi ni Paige

"So...shall we eat? Gutom na ako eh." natatawa namang sabi ni Ashton.

Habang kumakain ay tumutugtug naman ang violin at chello. Nagkwentuhan pa sila ni Ashton. Pagkatapos kumain ay niyaya siya nitong sumayaw.

"Honey would you like to dance with me?" nakangiting tanong nito.

"S-sure! s-saan dito?" natatarantang tanong niya.

"Yes." sagot nito sabay abot ng kamay niya.

Dinala siya ni Ashton sa gitna at hinapit siya nito para makipagsayaw. Paige closed her eyes, she doesn't want to open her eyes yet...baka kasi bigla nalang siyang magising at mawala ang lahat ng ito. Ang sarap sa pakiramdam na kasayaw mo ang taong minamahal mo, sana wala nang katapusan ang lahat ng ito.

"Paige...?" bulong ni Ashton

"Hmmm..." sagot naman niya

"You look stunningly beautiful tonight" bulong ulit nito

Napangiti siya at bumulong din.

"Thanks, You look dashingly handsome tonight as well." bulong din ni Paige

Nakapikit pa rin ang mga mata ni Paige, savoring the moment that she and Ashton are close together. Nang biglang nahinto ang tugtug .Napamulat siya at Nabahala baka bigla nalang siyang magising at makita ang sarili sa kwarto niya sa Manila.

"No! Hindi! Lord Hindi ito panaginip! please please?" sigaw niya sa sarili.

Nagulat pa siya ng kinuha ni Ashton ang dawalang kamay niya na nasa balikat nito. Hindi naman binibitawan ni Ashton ang kanyang mga kamay. Then...he bend on his knee and let go of her one hand and took something inside his pocket. Paige was beyond shock!

"Is he...is he doing what I'm thinking..." gulat na tanong niya sa isip

"Paige, alam ko na bago palang ang relationship natin, at marami pa tayong dapat na malaman tungkol sa isa't-isa. Alam ko rin na bata ka pa at hindi pa tapos ng college...but I really want to know you better, I want to grow old with you and I want to see your beautiful face right next to me when I wake up in the morning... I want you to be the mother of my children. Miss Paige Jenna Angeles.... Will you please Marry Me?"

Hindi malaman ni Paige ang sasabihin totoo ba ito? Ashton is asking her to marry him?! Hindi na niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya. Tumatango si Paige at ng sisigaw ng..

"YES! YES! YES! Ashton Kenneth Navarro I will marry you!!! Yes!!!!!" Iyak na sigaw ni Paige

Tuwang-tuwa namang tumayo si Ashton at kinarga si Paige at hinalikan sa mga labi.

"I love you Ashton..." emotional na pahayag ni Paige.

Ashton didn't answer but kissed Paige at isinuot ang singsing sa daliri nito. Naghiwalay lamang sila ng marinig ang palakpakan ng lahat. Hinarap nila ang mga bumati at nagkatawanan. Yumakap at umiiyak na rin si Cathy ng bumati.

"Congrats Girl! Masayang-masaya ako para sa iyo! naunahan mo pa si Anne na mag-asawa." bati ni Cathy na umiyak na rin sa tuwa.

"Salamat Cathy at nakasama kita sa espesyal na okasyong ito ng aking buhay." Iyak na sabi ni Paige at niyakap ang kaibigan.

Andy went and gave Ashton a brotherly hug na tinanggap naman ng binata.

"Wow! Boss! grabeh naiyak ako sa prososal mo!" sabi ni Andy na tuwang-tuwang

"Narinig mo ang sinabi ko sa kanya?" Nagulat na tanong ni Ashton

"Hind. Naiyak ako kasi nakita kung umiiyak si Paige, kaya sigurado akong nakaka antig damdamin ang iyong speech. Ang pagsigaw lang ng Yes ni Paige ang narinig namin." Sabi pa nito.

"Ah okay. akala ko narinig ninyong lahat." sabi nalang niya

"Man, kung hindi pa kita kilala sasabihin kung in love ka na sa kanya." Nagbibiro pang sabi ni Andy

"You are right I am falling for her." Seryosong sabi naman ni Ashton.





Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon