Chapter 35

3.1K 42 6
                                    

Chapter 35

Akala ko lulubayan na ako ni Sean. Pero hindi. Hinabol nya ako kung saan man ako nagpunta at hinatak papunta sa kung saan.

Hindi ko na makita kung saan kami nagpunta kasi nanlalabo na ung mata sa luha na kaninang kanina  ko pa pinipigilan.

Aminin ko man o hindi.. Kapag sinabi kong hindi ako nasasaktan para ko nang sinabi na hindi bilog yung mundo kundi triangle.

"Sean.. Let me go." Mahina kong sabi. Di tulad kanina. Mas mabagal na ung lakad nya. Pero mabilis parin kasi ang lalaki ng hakbang nya compared sa hakbang ko. Kaya parang kinakaladkad nya parin ako.

"Sean..." There. Tumulo na yung luha ko. Hindi ko alam kung ano ba iiyakan ko. Yung sumasakit na parte ng puso ko o ung paraan ng paghawak nya sa kamay ko na parang ang sama sama kong tao.

Pero, hindi nga ba?

Huminto kami at harsh na binitawan ni Sean ung kamay ko na hinawakan ko kaagad kasi.. ang sakit talaga e.

"What? ANO BA TALAGA AKO SAYO SHEANTAL HA? NAHIHIRAPAN NA KASI AKO E. NAHIHIRAPAN NA AKO NA PARA AKONG TUTA NA SUNOD NG SUNOD SAYO! NAHIHIRAPAN NA AKO E." Sigaw nya sakin. Ayokong magsalita. Kasi, kapag nagsalita ako. Maiiyak ako at ayokong magmukhang kawawa. Well, hindi pa ba ako mukhang kawawa ngayon?

"Shean, alam kong meron... Bakit mo pa ba ako pinahihirapan? Bakit mo ba pinahihirapan ung sarili mo ng ganito?"

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. "AKLJDOAUFLWEIWOEFOWEFWEJF!!!!" Nakakatakot at the same time nakakaawang makita si Sean ng ganito. Hindi ako sanay e.

Hindi ako sanay na makita syang nagagalit, sinisigawan ako, na para bang hindi nya iniisip kung ano bang nararamdaman ko. Well, hindi ko naman iniisip kung ano ang nararamdaman nya.

"Shean.." Naramdaman kong nasa harapan ko sya. Pero I didn't look up. I tried to composed myself at pasimple kong pinunasan ung mukha ko.

Buong tapang kong hinarap  si Sean. He looked defeated. "Wala. Wala lang yun sakin, Sean."

When everything has changed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon