Chapter 30
*Sean's*
Uwing uwi na ako. Hindi naman sa nag-iinarte pa ako. Pero hindi talaga ako sanay makitira sa ibang bahay. Hindi ko lang masabi un kay Shean kasi baka pektusan ako nun.
Tapos.. -_____- Yung batang apo nung matanda na may ari nung bahay umiyak pa. Aagawan pa ata ako kay Shean.
"Omo, Nikko.. Wag ka umiyak. Babalik ako, promise." Sabi ni Shean dun sa bata. Mahilig pala sa sya sa mga bata. Napansin ko rin un. Yung kay Ivan.
Perfect wife. Naisip ko. I just smiled at the thought of that.
"Talaga, Ate Shean? Promise?" Sabi nung bata habang nagpupunas ng luha nya.
"Promise. Aalis na kami. Pakabait ka ha? Wag kang makulit para di mahirapan si Nanay sayo."
"Opo, Ate. Ingat po kayo. Ikaw! Kuya!" Sabi nya at bigla nya akong tinuro sabay nakakunot ung noo nya. "Ingatan mo si Ate Shean ha!"
"Ano ka? Boss ko? Tss." Tumalikod ako at nauna nang naglakad. Tss. Kailangan pa tuloy namin mag-commute. Ipapa-tow truck ko nalang ung kotse ko. Laking hassle naman kasi nung ulan. Tangna, badtrip e.
"Teka. Asan ba si Shean?" Lumingon ako sa likuran at para syang wala sa sarili.
"Hoy, Shean. Ang bagal mo." Hindi nya ako pinansin.
"Hoy, Shean. Ang bagal mo."
"Shean!" Dun ko lang nakuha ung atensyon nya. "Ano?" Mahina nyang sabi.
"Ang bagal mong maglakad. Napapano ka ba?"
"Edi mauna ka kasi." Then she pouted. Ano problema nanaman neto?
Tarages. Para kaming tanga. Nakatayo kami sa gitna nang kalsada. Hanep. Aba e bunhangin nalang ang kulang para nang disyerto dito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
When everything has changed.
Romansa(Filipino/English) There is no need to rush in love. Everything takes time. And everything that's worth the wait is worth the price.