Chapter 37
Sa mga nakalipas na araw ay walang ginawa si Dan kundi suyuin ako. Sunduin sa school, ilabas para sa lunch or dinner...sabihan ako ng kong ano anong mabubulaklak na salita.
Umiling nalang ako nang marinig ko ang isang joke ni Erin. It was funny ngunit tipid na ngiti lang ang ibinigay ko.
Fuck.
Im too happy! Tipid na tipid ako sa ngiti dahil ngiti ako ng ngiti at tawa ng tawa pag kasama ko si Daniel.
"Lara..." tawag ni Marrol sa akin ng nasa Canteen kami at nag rirecess.
"Hmm?" I asked her.
"Kumusta kayo ni Daniel?" bulong nya. Nanunuya ang kanyang boses. Kinunot ko ang noo ko sa kanya.
"Fine." I answered nonchalantly.
"Just fine?" tawa nya.
"Ano bang sagot ang gusto mong malaman, Marrol?" umiling ako sa kanya at ininom ang shake. She laughed at me, her laugh was genuine. Natawa nalang din ako.
Ganon palagi ang nangyayari araw araw. Sa huli ay susuko lang din sila sa kakatanong.
One day, hindi ako sinundo ni Daniel sa school. It was suspicious ngunit naka receive ako ng text sa kanya saying that he's sorry dahil may board meeting pa sya.
I replied hurriedly. Sinabi kong okay lang at nag taxi nalang ako pauwi. He didn't text me earlier that night. Naging busy din naman ako sa aking thesis kaya okay lang though its unusual.
I checked my time nong feeling ko ay gabi na masyado. It says 10PM kaya naman linigpit ko na ang mga gamit ko at nag ayos na.
I lay down on my bed and checked my phone for the last time. Wala pading text. I shrugged and relax. Muli akong bumuntong hininga at tinitigan lang ang aking cellphone.
Bumigat na ang pilik mata ko ngunit agad akong naalimpungatan nang mag ring ang aking cellphone.
Ano? Alarm clock?
Bagot na bagot ko iyong nicheck. Someone's calling. Hindi ko naaninag iyon ng mabuti kaya naman niend ko ang tawag. Ano? Madaling araw palang atta! Sino naman ang tatawag?
Baka drunk call or wrong number.
Gumulong ako sa aking kama.
Wala pang isang minuto ay muling nag ring ang cellphone ko. Pikit mata ko iyong kinuha at bagot na sinagot.
"What's your problem?" iritadong tanong ko.
"Hey." aniya. Magmumulat sana ako ng mata dahil sa boses na yon pero masyado akong inaantok.
"Hey. Bakit tumatawag ka ng ganito kagabi?" I asked him. He should be sleeping. Nawala ang inis sa aking boses.
"Can you..." aniya sa baritonong boses. Halata sa kanyang boses na gising na gising pa sya.
"Ano?" I asked. Keeping my voice calm.
"Baby can you go to your terrace?" aniya. His voice was sort of nervous but nontheless, sweet. Kumunot ang aking noo, sawakas ay nagawa kong magmulat ng mata.
"Bakit? Dan its too late for star gazing." asik ko ngunit nakaupo na ako sa aking kama.
"Please?" he pleaded. I chuckled.
"Fine. Ano bang meron." umiling ako. Hindi ko alam kong bakit ako sumunod sa kalokohan ng isang 'to. Pero wala namang mawawala.
I kept my phone on my ears. Binuksan ko ang pinto ng aking terrace at dahan dahan akong umapak sa flooring sa labas. Nanuot kaagad ang lamig sa aking katawan.

BINABASA MO ANG
To Love or Not
RomanceSi Lara at Daniel ay parehong 'Bad Guys' sa kanilang paaralan. Kilala si Daniel dahil sa pagiging sikat nang pamilya nya, pagiging mayaman at dahil sa itsura nya, samantalang si Lara ay kilala din dahil malapit sya kay Daniel at sa pamilya nya. Pare...