Chapter 18
After naming magsigawan ni Iñigo sa may Pool ay umakyat na ako sa kwarto. Good thing no one's home. At wala talaga akong pakialam. Its better nga eh! Pag wala akong kasama? Psh.
Ang nakaka bwisit nga lang-hindi na naman ako tinantanan ni Dan and he's at it again! Kainis.
Daniel:
Where are you? Lumabas ka ng bahay nyo. I'm outside.
Ang sarap lang ibalibag ang cellphone ko dahil sa text nyang 'yan! Ang kapal nang mukha! Ang sarap lampasuhin.
Ako:
Wala ako sa bahay.
Right, bahala sya. Basta ang sasabihin ko wala ako sa bahay. Kahit mawala pa sya sa kakahanap. Kahit mawalan pa sya nang gasolina. Kahit mapagod sya— I don't have the time to care. Utot nya.
Daniel:
Where are you then? Pupuntahan kita. I bought some things for you.
My jaw clenched because of what he said. Hindi ko kailangan nang luho mo. I only need the popularity!
Ako:
Hindi mo ako mahahanap. Nasa lugar ako 'kong saan bawal ka.
Daniel:
I dont came here for your sick jokes, Lara Yvette.
Ako:
Nasa park ako! Dating someone!
Suminghap ako nang masend ko 'yon. Bahala syang mabaliw kakahanap sakin.
Minutes later, napag desisyonan kong sumilip sa labas gamit ang malaking bintana ko na may malaking curtains. And I couldn't see Dan's shadow.
Good! Salamat naman at umalis na sya. Its better if he's not here. Total nakakabanas naman ang mukha nya.
I decided to go to the kitchen and I accidentally bumped into Iñigo. Isa ding peste to eh. Ayaw mag pa-awat! Psh! Mga gagong lalake.
Hindi ko sya pinansin. Uminom lang ako nang tubig at namalagi na sa Sala.
I watched something, sakto namang Percy Jackson ang nasa Star Movies. Sea Monsters. Good. Mabuti nalang at na tyempohan ko 'tong maayos na movie.
"God, Lara!" biglang bumukas ang pinto and I almost jumped because of his voice and his poise and his aura!
Napatayo ako nang wala sa oras as I stared at Daniel 'kong saan ay pawisan sya and he looks frustrated. My jaw tightened. Did he seriously went to the park and look for me?
Kumunot ang noo ko.
Hindi ko alam na may pagkatanga pala ang isang 'to! Its almost 7PM. Anong akala nya sakin? Makikipagdate sa Park? Nang ganito ka-late?
Yuck! Iniisip ko palang ay kinikilabutan na ako.
Once and for all, sino naman ang kadate ko? Face palm. Second, bakit sa park? Psh! Cheap. For losers only. Tsaka, bakit gabi? A date? Mabuti sana 'kong dinner pa eh!
"Anong ginagawa mo dito?" I hissed and he raise his one brow as he brush his hair using his hand.
"Ang sabi mo— you were dating someone in the park! I look so stupid looking at you there!" aniya. Galit. Naiinis.
Nangati akong bigwasan at batukan sya.
"You are stupid, Daniel." I rolled my eyes at tinalikuran sya. "Ano ako? Cheap na kaladkaring babae para makipag-date sa park? Tss. Kalokohan, Buenavista." I stepped forward at umakyat na.
BINABASA MO ANG
To Love or Not
RomanceSi Lara at Daniel ay parehong 'Bad Guys' sa kanilang paaralan. Kilala si Daniel dahil sa pagiging sikat nang pamilya nya, pagiging mayaman at dahil sa itsura nya, samantalang si Lara ay kilala din dahil malapit sya kay Daniel at sa pamilya nya. Pare...
