Chapter 10

116 3 0
                                    

Chapter 10

"Ang kapal din pala nang hasang mo ha? Kailan ka nag selfie sa cellphone ko at pano napunta 'yon sa Must be Uploaded na folder?" humalakhak si Dan dahil sa sinabi ko nang sinamahan ko sya sa kusina and he decided to cook in his own.

Umupo lang ako sa high chair namin at pinagmasdan syang mag luto, na topless. Kahibangan nang isang 'to! Ayan tuloy. Kitang-kita ko ang pag fi-flex nang mga muscles nya. Triceps, biceps...name it, he has it all.

"I helped you, La! Kitamo? Kahit hindi mo kami ni-tag madaming likes." aniya at napailing nalang ako.

"Madami naman talaga akong likers kahit picture ko lang ang ipost ko ah? Epal ka din eh." inirapan ko sya.

"Hindi talaga kita makuha. Ayaw mong nag yayabang ako pero nagyayabang ka naman?" humagalpak sya at humarap sakin tsaka linapag sa plato 'yong dineep fry nyang chicken. Well cooked. Tss. Pa-impress!

"Whatever. Pahingi ng tinidor." tawag ko at inabutan naman nya agad ako. I checked his fried chicken at ako naman 'tong si Gaga, nagpakita nang pagka mangha sa kanya. Ayan tuloy, todo ngisi.

Wrong move La! Alam mo namang lumalaki ang ulo nyan pag napupuri. Umiling ako at hinintay ang fries na sunod nyang niluluto.

Fries at chicken lang ay solve na sya. Basta home made. Ayaw nya sa fast foods eh. Hay Buenavista, I dont know, may cook naman kayo ah? Why cook in your own? Tss. Ako nga di marunong eh.

"Ano ba 'yan? Inaagawan mo ako nang pagkain eh. Tumataba ka na." ismid nya sakin nang kumakain na ako't naghuhugas palang sya. I rolled my eyes,

"Ewan ko sayo? Tinatawag mo akong payatot tapos ayaw mong tumaba ako?" inirapan ko sya at lumapit na sya nang nakapag hugas na.

"Mm." sinubo ko sa kanya iyong kabilang side nang chicken na kinakain ko at agad naman syang kumagat. Hanep. Gustong-gusto pa ata eh?

"So, sinong flavor of the week mo?" diko mapigilang mag tanong. Okay na pag nasa school na kami. Pa goodboy lang naman 'yan pag wala kami sa school, pero pag pasukan na...ayan na.

"I dont wanna do it again. Gusto ko na 'yong flavor forever." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya, samahan pa nang seryosong boses nya.

"Are you effing sick?!" gulat na tanong ko. Oh no! Inlove din ba ang isang 'to? Oh gosh!

"Joke!" humalakhak sya at kumuha nang fries tsaka pinitik ang noo ko. Umiling ako.

I thought...

Hay! Hindi pwedeng mainlove si Dan ,ano?! He's a damn player and playboy. Sino naman ang makakapag painlove daw sa kanya? Its unbelievable. Subuk subukan nyang mainlove at magkamatayan na.

Ugh! La, you need to wake up the fcking balls of Daniel Buenavista. He cant fall inlove! Paano nalang ako? Etsapwera na? NO! No one will caught his heart.

Bawal. Bawal syang mainlove.

"Oh? Anong iniisip mo?" sumilay ang ngisi ni Dan at kumunot ang noo ko.

Napansin kong palangiti sya last last week pa! Ano ba itong nangyayari? My Kuya Ysmael is inlove, at mukhang may kinahuhumalingan din si Marrol at Kean! While Kiara? Well, its obvious. Maging ang playboy na Jerome ay iilan nalang magparamdam.

"Daniel, umamin ka nga?!" pinandilatan ko sya. "Are you inlove?!" tinuro ko pa sya gamit ang tinidor na hawak ko pero humalakhak lang sya.

"Don't bother your self thinking about that La, I told you, I was just joking around." hinarap nya sakin ang iphone nya at umangat agad ang isang kilay ko. "See for yourself." agad kong kinuha ang iphone at binuksan iyon. The password is still the same. 5272.

To Love or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon