Epilogue

222 7 0
                                        

Epilogue

"Sino yung kaibigan mo?" tanong ko kay Erin habang naglalaro sya sa kanyang iPad ako naman ay sa PSP. Tinignan nya ako. I'm 14. My sister's 13. First year high school.

Tatlo kaming magkakapatid. Si Ate Einah, na matanda ng isang taon sa akin, ako na nasa gitna, at si Erin na mas bata ng isang taon.

"Ha? Sino?" naguguluhang tanong nya. Tinignan ko ang kanyang iPad at may picture syang tinitignan at linalagyan nang kong ano anong stickers gamit ang isang photo editor or what ever that girly stuff is.

"Her." I pointed the girl with a pretty face in the picture.

"Si Lara?" she asked. Umirap ako.

"Erin, I'm asking her name because I dont know her. Bakit mo ngayon tinatanong sakin kong si Lara iyan?" supladong sabi ko. Umirap din sya sa akin.

"Her name's Lara Yvette Lee, kapatid sya nong barkada mong nag i skate din Kuya. Si Kuya Ysmael." she told me. Tumango ako.

Kaya naman pag pumupunta sa bahay namin iyong Lara na kaibigan nya ay todo ang tingin ko sa kanya.

Suplada.

Masungit sya at sinusupladahan nya pa ang kapatid ko. I dont like her. I hate her attitude. Masyado syang masungit.

One time, pinagsabihan ko si Erin na layuan sya pero iniirapan lang nya ako. Tumatawa si Ate Einah sa akin ,she's friend with Ysmael's sister too. Hindi ko alam pero hindi sila close nang kanyang kapatid. They dont hate each other but they dont talk often as I talk to my siblings.

Nakilala ko si Samantha, that turned out that Lara's cousin.

She's pretty too. Malamya ang kanyang mukha dahil may sakit sya but she's nice. Kompara sa masahol na ugali ni Lara ay mas mabait si Samantha.

I liked her.

Mas lalo akong nainis kay Lara nang marinig ko ang sinabi nya sa Party.

"His tastes with girls is gross." diretso ang pagkakasabi nya doon na para bang walang makakarinig.

Pinatungan iyon ni Ate Einah, pero agad silang sinuway ni Erin.

"Dont talk as if I'm not here." hindi ko napigilang magsalita sa kanilang likuran. Kinabahan si Erin, umatras naman si Ate Einah.

"Daniel!" tumayo pa si Lara habang tumatawa. Its like she's not nervous at all! Na okay lang sa kanyang narinig ko iyong pang iinsulto nya!

Umismid ako.

Sa gabing yon, sinampal nya ako, I know I was rude. Pero pagkatapos non ay hindi ko na sya matanggal sa sistema ko.

And then Samantha left.

Mas lalo akong nagalit kay Lara nang sabutahein nya kami. I told her to ask Samantha to go in the fountain ,that was my mistake. Pinagkatiwalaan ko sya.

"You will never be happy, Lara."

Hindi ko alam kong sinadya ba ng babaeng ito na sabihin sa mga magulang ni Samantha ang sikreto na kami o ano. But I was mad.

Galit na galit ako sa kanya nang umalis si Samantha at naghiwalay kami.

"That's just puppy love bro." tawa ni Darren na pinsan ko nang nag 15 na ako ngunit hindi ko padin makalimutan si Sam. She's beautiful. Inside and out, that makes me wanna see her again or just talk to her.

Nakita ko ang iba't ibang ugali ni Lara nang mas napalapit sya sa amin. Madaming lalake ang naghahabol, nagtitext at nanliligaw sa kanya pero hindi nya ine entertain or worst, binabasted nya. Ang babaeng ito ay kayang mag wasak nang buong puso ng hindi kumukurap. She's too independent and I hate it.

To Love or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon