Chapter 8

114 5 0
                                    

Chapter 8

Napaka weird talaga ni Marrol. Super weird. Akala ko ay nakainom yan araw araw eh. Ako ata ang pinag t-tripan. Punyeta! Ayan tuloy hindi ko matanggal-tanggal sa isip ko 'yong sinabi nyang soon. Tangina.

Ayan. Napapadalas tuloy ang pag mura ko.

"La, why are you wearing that?" tila nandidiri si Dan pagkasabi nya yan kaya naman tinignan ko sya nang masama. He's at it again!

"Daniel, anong gusto mo? Mag hubad ako kagaya mo?" matalim nya akong tinignan dahil sa sinabi ko.

"Dont...you dare do...that, Lara." inirapan ko sya. Tss.

"Pinagbigyan na kita minsan, so please Buenavista, shut it."

"Pwede bang mag t-shirt ka nalang?" malambing na aniya and I looked at him sarcastically.

"Ikaw kaya ang mag t-shirt habang nag su-swimming? At naka pants? Walanghiya. Suntukin kita jan eh!" binantaan ko na sya at umismid lang sya sakin.

Napaka possessive mo. Anong akala mo sakin? Luluhod sa Diyos na kagaya mo? Oh no Buenavista. Maaaring kailangan kita because I am such a social climber, but take note: hindi ako luluhod sa paanan mo.

"Tss." winalk-out'an nya ako.

Dyan ka magaling eh! Sarap mong bigwasan. Walk out ka nang walk out. Sige mag hanap ka nang babae mo at lulunurin ko kayong pareho.

Dahil sa badtrip ako, at binadtrip ako ni Dan wala na akong nagawa kundi ang mag bilad sa araw. Swim and surf. At sulit, dahil nakalimutan ko naman daw ang badtrip ko kahit aali-aligid si Kean, but whatever. I don't care.

"Here." nagulat ako nang nagawa akong lapitan ni Kuya Ysmael at abutan nang wine glass, Carlo Rosi, aba himala, hindi naka pulupot kay Kiara ngayon.

"Thanks. I need it." inabot ko 'yon at naupo din sya sa buhanginan kasama ako...habang tinitignan ko ang maalon na dagat at ang mga nag su-surf.

Pagod halos lahat kaya hindi kilalang mga tao nalang ang nasa dagat...unknown but must be elites too.

"Hindi ka inaantok?" tanong nya. Liningon ko sya at nakatitig lang din sya sa kawalan. I shook my head.

"So, uh, how was the Lee's?"

"Lee ka din Kuya Ysmael, admit it." hindi ko maiwasang hindi sya irapan.

"Whatever. So ,how are they?" tanong nya pagkatapos lumagok nang wine nya.

"Okay lang si Mama, but you know, usual things– I want dad to disappear. Nakakainis ang presensya nya. At nagawa pa nya talagang banggitin na konti nalang daw ay maayos na yong case sa Palawan." umiling ako. Bitterness on my voice.

"Anong sinabi mo?" walang pakialam na aniya.

"I told him that its okay, tapusin nya lang muna yon at wag nang umuwi. Mama's giving our allowance ,though." I simply explained. Halos mag sunset na kaya dumidilim na din ang paligid at orange tsaka yellow at red na ang langit.

"I hope he'll root in there. Magsama sila." malamig na aniya. Napainom ako sa alak ko at liningon sya.

"So...how's you and Kiara Buenavista?" I tried to lighten up the mood. Humalakhak sya at umiling sakin. Inlove eh. Ibang klase.

"Nothing special," umiling ulit sya. Being defensive.

"Eh kong sabihin ko kaya yan sa kanya?" natawa sya dahil sa sinabi ko.

"Just soon, Yvs." ngumisi sya.

"Eh bakit hindi mo pa ata nabili ang lupa binabakuran mo na? Illegal yan ah?!" tumawa ako. He chuckled too at linapit nya ako sa kanya as he kissed my sun kissed hair.

"I'm sure of our feelings," he assured at napatango nalang ako. I wanna enjoy his touch, hugs, and warmth. Matagal tagal na ding hindi nya ako nayakap. Oh brother, I really need your arms right now.

"Sorry, Yvette. Hindi ako naging mabuting kapatid sayo this past few months because of the tragic. Ako sana 'yong mas malakas satin but I'm so coward." narinig ko ang tawa nya. I smiled at the thought.

Right after Mom died, 8 months ago, hindi na kami nag kakausap nang mabuti ni Kuya Ysmael, lalo pang gumuho ang mundo namin nang malaman naming may ibang pamilya si Daddy.

We didn't had the chance to comfort each other 'coz were both weak...were miserable and our Dad is merciless. Pareho kaming nabasag, were to fragile and everything is just so futile.

Feeling ko ay wala nang magandang nangyayari noon dahil pati si Kuya Ysmael ay hindi ko na makausap.

I'm glad my studies went well...si Kuya naman ang nagka problema.

This past few months, lang din, I heard he's recovering. Alam kong isa si Kiara sa dahilan kong bakit unti-unti syang naka recover.

Everyday, right after Mom died. Sa bars at clubs nalang sya. I wanted to do those too pero hindi alam nina Mama na hindi lang pagkamatay ni Mommy ang dahilan nang lahat...its because of Dad's too. I choose to be silent and act like there's no problem, nothing at all.

He've been a player, ginawa nyang flavor of the day ang mga babae. I cant talk to him nicely ,because like I said, its so futile.

Thanks for the Buenavista's, they're there for us, for me.

"Be strong ,Yvs. Isa ka sa mga rason 'kong bakit ako si Ysmael ngayon." ngumiti sya at hinarap ako sa kanya bago ako halikan sa noo.

"Ikaw naman. Ang drama mo eh. Look. The sun is setting. Its been a long time since we went to beach together." ngumisi ako sa kanya at sabay kaming tumayo tsaka nya ako inakbayan.

May mga bagay talaga na kahit nawawala na ay nag iiwan padin nang magandang ala-ala...or view I meant. Sunset.

Kinuha ko ang iphone ko at yinaya si Kuya Ysmael na mag picture at ang background ay ang lumulubog na araw– leaving a beautiful scenery.

To Love or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon