Chapter 9
Madaming nag comment at nag react dahil sa picture na ni-upload ko kasama si Kuya Ysmael.
Oh well, its been a year since I posted a picture with us being together. Sinunod ko din ang iilang picture namin kasama ang mga Buenavista...also, yong nakakapanindig balahibong selfie ni Daniel na hindi ko manlang napansin.
Yan tuloy, nabuhay na naman ang issue tungkol saming dalawa.
Gusto kong idelete pero napansin kong dagdag sikat points 'yon. Being with the Buenavista will really raise me. Lalong-lalo na pag perfect picture.
Na-issue naman daw si Kuya Ysmael at si Kiara dahil sa picture nilang diumanong naka yakap si Kuya sa kay Kirs. I rolled my eyes.
Madaming nagulat, madaming kinilig ,madaming nag congratulate. Walang hate notes. Glad. Kasi ako? Madami! Haha. Halos kilala or classmate ata nila lahat nang nag comment.
Worth it naman pala ang paghahabol ni Kirs! Hahaha. Checkmate?😉
May weird pa syang emoji. Umiling ako. I wonder if what's the love story behind my brother's love life? Nakakakilig kaya? Napanguso ako. Halos lahat nang comment ay sinasabing 'Akala ko wala ka nang chance Kirs!'. So, si Kiara kaya ang nag effort? Oh my gosh. Don't tell me? Err.
Halos lahat nang picture ay may comment kahit ni-album ko na. Aha! Famous. Ngumisi ako. Napadpad ako sa picture naming dalawa ni Elijah nong nasa Malapascua Island kami. Naka pulupot ang braso nya sa bewang ko at pareho kaming naka ngisi sa camera habang may hawak akong surf board, plus naka bikini ako...topless at beach shorts naman si Daniel.
I remember that scenario. Napairap ako. Pagkatapos nang picture kuno ay agad nya akong tinapunan nang tshirt. Tss!
Is that even a family vacation? Isang kilalang classmate namin ang nag comment sa picture naming kompleto kaming lahat. Umiling ako at nilike ang comment nya. Hindi ko na sasagutin at hahayaan ko nang mag conclude sila. Grins.
Jasmin Velasquez: Totoong may Dan x Lara ,ano? Its nice seeing you both. 307likes
Nanlaki ang mga mata ko nang may comment na ganyan sa picture namin ni Daniel. Oh gosh? Her! I miss this crazy little girl!
Reply:
Lara Yvette Lee: I miss you Jas! Come home please.
Jasmin, is a famous model and designer from France. Ngumisi nalang ako. Dagdag sa pagka sikat. Were close dahil close sya sa mga Buenavista, at alam nyang ganid ako when it comes to the famous society. Good Jas, but seriously, I missed her.
Pero hindi ko din naman pwedeng i-etsapwera ang mga hate notes. Thats fine. Haters makes me more famous. Sige lang. Hate me, hindi ko kawalan.
Sus. Ang bata-bata pa natutulog na sa iisang kama kasama si Daniel! Malandi!
Replies:
Alin jan ang kama miss? Picture lang yan oh. Bulag ka?
Insecure ka din eh, no? Go get a life.
Ano naman sayo? Inggit ka ata eh? Daniel wouldn't sleep in bed kasama ang isang cheap na kagaya mo..at least Lara is elite. Tss.
Ghayle Buenavista: Root from where you are and buy a life. 245Likes
Tumawa ako dahil sa pakikiusyo ni Ghayle sa mga comments. Baliw talaga ang isang 'to!
Hindi ko nalang pinatulan ang mga comments at ni-close ko na ang laptop na hawak ko. Tinignan ko ang cellphone ko at may text si Daniel doon. Ano na naman?
Daniel:
Sama kang Mall, 5PM.
Tumaas ang isang kilay ko. 3:00 na. Tinignan ko nang matalim ang phone ko. Psh.
Nababagot pa naman akong mag bihis. Naka spaghetti strap lang ako at shorts. Kakauwi lang namin dito sa CDO kahapon nang tanghalian at ini-istorbo na naman nya ako? Gosh. Sunday na bukas! Pasukan na sa Lunes. I wanna enjoy my godamn bed.
Daniel:
I'll be there at 4. I'm hungry.
Agad akong nagtipa nang reply para sa kanya.
Ako:
Wag ka ngang spoiled? Wala kaming pagkain! Hindi pa ako naka grocery.
Umismid ako habang hinihintay na masend iyon. Ang sarap supalpalin nang pagkain ang isang 'to.
Daniel:
Bili ako mamaya. I just wanna eat there. Our house is boring.
Okay. Malaki ang bahay nina Dan. May sariling roof top at veranda. May pool at may sariling playground. Mawala nga ako pag wala akong kasama eh. Tss.
Ang amin naman ay sakto lang. Well ,malaki din naman dahil kakami lang naman ni Kuya Ysmael ngayon, plus yong dalawang kasa-kasama namin.
Ako:
I will not cook for you.
Daniel:
I know baby. I'm on my way now. Dadaan pa ako sa grocery. See you.
Hindi ko na nireplyan non at dumiretso na ako sa CR. Naligo at nagbihis. Nag suot ako nang simpleng black leggings at plain v-neck red shirt. Yon lang tsaka ko pinatuyo ang buhok ko at pinusod pataas. Ang init eh. Ang haba pa naman.
"Kuya! Dan's coming." inistorbo ko si Kuya Ysmael habang nanunuod sya nang TV. Hindi sya nagalit. I smiled. Okay na pala kami. Nice.
"Bakit daw?" simpleng tanong nya.
"Punta kaming mall mamayang 5. Kakain daw kaya maaga." I shrugged at linapag sa middle table ang cellphone ko na tumerno sa suot ko dahil sa case na stripes na black and red. Nga naman oh.
Habang hinihintay ko ang hari nyo ay nag browse muna ako sa Instagram at nakuha nang atensyon ko ang mala-emo'ng picture ni Andrea Ramirez at may description na 'Im so broken.' at may broken broken heart pa. Pfft.
Hindi ko napigilang tumawa. May likes naman, oh well. Maganda naman kasi sya pero na corny'han ako sa drama nya. Dont tell me hindi nya alam na player si Dan? Yan kasi eh, masyadong na feeling'an.
Samantalang ang sumunod naman ay si Daniel, picture naming dalawa at napalunok ako nang may 15,000+ likes yon. Unusual. Minsan lang mag post pero ang daming likes.
'IWL&MH' ang description pero weird at maganda ang font na naka bold. Napataas ang isang kilay ko. Walang emoji, walang period.
"Kuya, what's IWL&MH?" wala sa sariling tanong ko kay Kuya Ysmael. He looked at me.
"Bakit?"
"Uhh." hanap La. "May nag post sa instagram na lalake, picture nila nang isang babae tas 'yon ang descrip." I acted normal.
"Ewan. Itanong mo. I Will blank & blank Her. That's what I know. I'm not sure though." aniya at pinabayaan na ako. Nalaglag ang panga ko. I will blank & blank her? What's the L&M?
Ano ba itong pakulo ni Daniel? Uh. Whatever. Wala lang yan, La.
BINABASA MO ANG
To Love or Not
RomantizmSi Lara at Daniel ay parehong 'Bad Guys' sa kanilang paaralan. Kilala si Daniel dahil sa pagiging sikat nang pamilya nya, pagiging mayaman at dahil sa itsura nya, samantalang si Lara ay kilala din dahil malapit sya kay Daniel at sa pamilya nya. Pare...
