Chapter 6

109 7 0
                                    

Chapter 6

May mga tao talagang unang kita mo palang ay inis ka na sa kanila. Kumukulo na ang dugo mo.

Ugh, hindi ko naman maitatanggi na magaganda/gwapo, at may class ang mga invited na kaibigan nang ibang mga Buenavista ,na nagsidatingan kinahaponan nito.

But I barely hate ,almost all of them. Lalo na 'yong Katrina Corpuz, na aali-aligid kay Daniel.

You know, almost all of the girls na nakakalapit kay Dan ay kumakapal ang mukha..akala nila ay gusto na sila ni Daniel, oh well, yes, maybe he likes them, but duh? 'Yong mahal thingy? Matatawa ako 'kong iibig ang isang Daniel Buenavista, we don't believe in love!

Kaya ang sarap hambalusin nang barko ang isang 'to dahil parang sawa 'kong makahawak sa braso ni Dan, nakakabanas!

Feelingera. Akala mo ay napaka ganda. Sexy ka lang! Tss. Mag sasawa din yan sayo. Bwisit.

Ako ang bestfriend, kaya sa huli, sakin padin ang bagsak nya, you're just a collateral damage.

Inirapan ko ang todo hagikgik na si Trina, daw, na kaibigan nina Jerome, I wonder if matagal na silang magkakilala ni Dan? Tss! Kiss my ass. But whatever, bahala sya. Bahala syang umasa sa wala.

"Malapit na naman ang pasukan..." nag-inat ang tila bored na bored na si Kean at tumabi sakin. Nakaupo ako sa isang High chair, at may isang bakante, dalawa lang naman kasi ito. Nasa Restaurant kami nang Apulit, na parang Bar na din.

Inabutan nya ako nang wine glass,

"Ayaw mo 'non? Madami ka na namang babaeng makikita." ismid ko and he chuckled.

"I'm tired of playing, parang gusto 'kong sumubok nang ibang gawain. New." linagok nya ang wine na hawak nya. Inirapan ko na, Kean will always be Kean.

"Stick with it, Kean. You we're born to be a player, not to be lover." humalakhak sya dahil sa sinabi ko.

"I didn't say that I'll be a lover," he shrugged, "But since you mentioned it, parang gusto ko ngang subukan 'yan." tinignan nya ako nang seryoso, and he smirked, nakakapanindig balahibong ngisi. "How about if I try it with you?" linapit nya ang mukha nya sakin, at bago ko pa sya maitulak ay may nakahawak na sa kwelyo nya, oh my gosh!

"Daniel!" I beamed at inalis ang kamay nya sa kwelyuhan nang pinsan nyang si Kean, "What are you doing?!" pabulong ngunit naiinis na sabi ko ,mabuti nalang at hindi kami naka kuha nang atensyon! This bastard?!

Ngumi-ngisi ngisi ang siraulong si Kean, pero wala na akong panahon para samaan sya nang tingin dahil kay Dan, kasalukuyang, nakatuon ang pansin ko.

"Bro, chill." says Kean, nakakunot padin ang noo ni Daniel. "We we're just discussing some things,"

"Discussing some things? Kailangan ganon ka kalapit, asshole?" matiim na sabi ni Dan, nginiwian ko sya, seriously?!

"Easy...okay?" humalakhak ang Kean at tumayo mula sa high chair. "Bakit ba kasi hindi mo nalang talian, nang sayo na?" tinapik ni Kean si Dan sa balikat pero agad na hinawi 'yon ni Daniel, he smirked at umalis na.

Agad kong sinapak si Dan sa braso.

"You?!"

"What?! Sige! Habulin mo ang pinsan ko at makipag flirt ka sa kanya!" kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nya. Ang sarap nyang suntukin!

"Ikaw jan ang umalis dito at bumalik sa Katrina na 'yon! Ikaw jan ang nakikipag flirt!" I hissed, tinignan nya ako nang masama.

"She's the one who's flirting with me."

"Oh, ano naman? Yan naman ang hobby mo diba? Hindi kita pinipigilan, ang akin lang naman, wag kang magpaka santo jan 'kong ikaw naman din ay may kalokohan!" my God! What's with this creature?! Bakit ba big deal na big deal sa kanya ang paglapit nang mga pinsan nya sakin?! Ang tagal na nyang issue sa buhay yan ah!

Kadugo nya sila! Its not like hindi nya pa kilala ang mga pinsan nya! Ewan ko ba sa kanya. Tss. Kong makatingin sa mga pinsan nya ay parang hindi nya sila kadugo.

"Stop...flirting with my...cousins, Lara." he mumbled. Bossy! Tingin mo takot ako sa'yo?! Ha!

"Sila ang pagsabihan mo. I'm not the one who's flirting with them." malamig na sabi ko at tila natinag sya dahil umamo ang mukha nya at hinawakan nya ako sa braso at wala akong nagawa 'kundi ang tignan lang sya sa mata.

"Then, layuan mo sila." aniya at narinig ko ang pagtawag ni Katrina sa pangalan ni Daniel.

"Anong akala mo sakin? Isa sa mga tao'ng napapasunod at napapaluhod mo? Oh, no." inilingan ko sya. "Get out of here, tinatawag ka na nang girlfriend mo."

"She's not my girlfriend," ngumiwi sya sakin and I raise my one brow.

"Lahat nang babaeng sumasama at nakikipaglandian sayo, I consider them as your girlfriends..." inirapan ko sya.

"So, you consider your self as my girlfriend too?" nakita ko ang mapaglarong ngisi nya...I looked at him.

"We damn know each other for a long time, tingin mo manhid at tanga ako?" pinilit 'kong ngumisi...he smirked too, devil smirk.

"We damn know each other for a long time, Lara, but still, you don't know the true me." nanghahamon na aniya,

"Kilala na kita..."

"You don't." iling nya at tinawag ulit sya nang mahaderang si Katrina...lintek! Pwede ko pang i stapler ang bunganga nang babaeng yan?!

"Pwede bang patahimikin mo 'yang babae mo? She's annoying," ismid ko sa kanya.

"Sure...everything will be peace and quite babe." hinagkan nya ako at hinigit paalis doon...what the f...

To Love or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon