Kevin's POV
Lumabas muna ako ng campus para magmuni-muni. Kakatamad din sa loob walang magawa. Text ko kaya si Angel? Ano kaya ginagawa niya?
Text ko na lang.
To: Angel
Psssttt Saan ka? Kita tayo? Wala akong magawa eh
Sending....
Sent!
Sana magreply siya agad. Tinatamad na talaga ako eh. Habang hinihintay ko reply niya naglakad lakad muna ako.
Mag-Starbucks kaya muna ako.
Papunta na sana ako. Nagulat ako sa mga nakita ko..
Si Princess..
Walang malay... pero nakita ko si Dan.
Nakatulala lang siya. O_O
Anong ginagawa niya at di niya buhatin si Princess? Nasisiraan na ba siya ng bait?
Di ko matiis yung inaasta ni Dan. Lumapit ako at binuhat si Princess para dalhin sa hospital.
"Ano bang tinitingin tingin mo diyan Dan!" sigaw ko sa kanya. Nakatulala pa din to
"Ano tatayo ka lang ba diyan? Tumawag ka ng ambulansya!" sigaw ko pa din sa kanya. Maya-maya pa lang nagising na din siya sa katotohanan.
"Ah. Sandali lang" sabi niya sabay dial ng number sa phone niya.
Ano bang gustong mangyari nito ni Dan.? Walang malay yung girlfriend niya pero hinahayaan niya lang. Ganun na ba niya kamahal si Angel? at wala na siyang pakialam kay Princess? Kahit papaano may pinagsamahan pa din sila.
Maya-maya pa lang may dumating na din na ambulansya. Agad agad kong sinakay si Princess para madala na siya sa hospital.
"Ano ba nang yayari sayo Dan?" tanong ko sa kanya. Di pa din nagbabago ang expresyon ng mukha niya. Ano ba talaga ang nangyari?
"Katulad ng sabi mo. Gawin ko na ang dapat kong gawin" sabi niya habang nakatingin lang lupa.
"Sino ang kasama niya?" tanong samin nung nurse para samahan si Princess sa hospital.
"Ako po" sabi ni Dan.
Di naman ako pumayag na siya lang. Malay mo pabayaan niya ulit si Princess. Concern din ako sa kanya kahit papaano.
"Sama din po ako" sabi ko dun sa nurse.
Sumakay naman kami ni Dan sa ambulansya. Habang nandun kami tahimik lang kami ni isa samin walang nakibo. Ako na mismo ang bumasag sa katahimikan ng magsalita ako.
"Bakit mo naman siya binigla?" tanong ko sa kanya.
"Ayoko na kasing patagalin pa to. Di ko na siya mahal" sabi niya sakin habang paiyak na. Alam kong mahirap sa part ni Dan ang mga nangyayari pero ano bang magagawa ko? Susuportahan ko na lang siya.
Pinatt ko naman yung balikat niya. Habang pinipigilan ang pagtulo ng luha niya.
"Ayokong iwan si Princess pero kailangan ko gawin para sa taong mahal ko" sabi niya.
Di pa din ako nagsasalita. Alam kong masakit kasi nagmahal na din ako. Kung ako nasa lugar ni Dan baka hindi ko kayanin. Bilib pa nga ako sa kanya kasi sobrang tatag niya.
"Kev. Tulungan mo naman ako. Di kaya ni Princess na mawala ako sa kanya." sabi niya. Di na rin niya napigilan. Napaiyak na siya sa mga nangyayari.
"Anong tulong ang pwede kong maitulong" sabi ko.
"Pwede bang alagaan mo si Angel para sakin?" huh? Ano bang sinasabi niya?
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko sa kanya na may halong pagtataka sa aking mukha.
"Makikipaghiwalay na lang ako kay Angel." ha?? Kala ko ba mahal niya si Angel.? Bakit ngayon hinahabilin niya sakin? Ang gulo naman ni Dan.
"Kala ko ba mahal mo si Angel? Bakit si Princess na ang pipiliin mo?" sabi ko sa kanya.
"Mahal ko si Angel pero kailangan ako ni Princess" sabi niya.
Ang gulo talaga ni Dan. Hirap naman kasi ng sitwasyon niya eh.
Di ko alam ang isasagot ko sa kanya pero bigla na lang lumbas sa aking labi ang mga katagang ito.
"Sige pre. Ako na ang bahala kay Angel"
[AN:// Sorry ngayon lang nakapagupdate. Short update lang po siya. Pagpasensyahan niyo na po. Please VOTE.COMMENT&SHARE po. SALAMAT]
dearMayo13
![](https://img.wattpad.com/cover/5274564-288-k829852.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cheerleader Lover
Teen FictionMeet Angel, also known as "Star Flyer" in the world of cheerleading. Can she still soar as a Star Flyer after meeting this man? A man who shatters her heart-can she continue to fly despite all the heartbreak? A lover who can bring her down and leave...