Chapter 17.3: Foundation Day! (Part 3)

137 3 2
                                    

(Em-ei’s POV)

Second day na ng Foundation day ng school namin. Kaya naman libre na kaming gumala. Tapos na kasi ang role namin sa Café. Ngayon naman, napagdesisyonan namin na subukan ang mga inihanda ng iba’t ibang clubs at section.

“Sa tingin niyo, saan magandang pumunta?” –Celina.

“Hmmm… Saan nga ba? Ah! Subukan natin sa section F kaya. Ang alam ko, horror house ang gagawin nila. Un kasi ang sabi ni ma’am Abelgaz noong nakita ko siya nung nakaraan.” –Jenelyn.

“Saan naman nila gagawin yun?” –ako.

“Ang alam ko, sa gym gagawin iyon para malaki ang space.” –Jenelyn.

“T-teka lang mga dre. S-sure ba kayo?” –Celina.

Oo nga pala. Nagkakasakit nga pala si Celina pag sobrang natatakot siya.

“Dre, sa iba na lang tayo.” –ako.

“Bakit naman? Sayang naman kasi eh. Inaasahan pa naman tayo ni ma’am Abelgaz na bumisita doon.” –Jenelyn.

“G-ganoon ba? S-sige na nga. Pumunta tayo doon.” –Celina.

“Sure ka dre?” –ako.

“Oo dre.” –Celina.

“Ano? Nakapagdesisyon na kayo?” –Carlo.

“Oo! Sa horror house tayo pupunta.” –Jeselle.

“Sa Horror House?” –Steve.

“Oo.” –Jeselle.

Naku, mukhang may plano si Jeselle ah. Pero, parang ayoko nga rin pumunta eh. Natatakot din kaya ako.

“Huwag na lang tayong pumunta.” –ako.

“Huwag naman kayong KJ.” –Jeselle.

“Oo nga dre. Gusto kong pumunta doon!” –Danica.

Tiningnan ko si Celina. Tumango siya bilang pagsang-ayon.

(=,=)”

“Okay, sige.” –Em-ei.

Matapos naming magusap ay napagdesisyonan na naming magpunta sa gym. Nang maalala naman namin ang mga lalaki.

“Teka? Eh kayo Carlo? Sasama ba kayo?” –Jeselle.

“Ano pa bang magagawa namin? Mababago ba namin ang isip niyo?” –Carlo sa seryosong tinig.

“Mabuti naman. Halika na kayo.” –Jeselle.

[Sa Gym….. ]

“Buti nakadating kayo!” –Ma’am Abelgaz.

“Makakatanggi ba kami sa inyo ma’am?” –Jeselle.

“Oo nga ma’am. Alam niyo namang malakas kayo sa amin eh.” –Danica.

Napangiti naman si ma’am Abelgaz.

Actually, kay ma’am Abelgaz lang kami mabait. Sa kanya nga lang kami minsan pumapasok eh. Napakabait niya sa amin. Kahit lagi siyang napapatawag sa Principal’s Office, hindi siya nagagalit sa amin.

“Wow! Ang cool naman nito. Iba-iba ang lagusan.” –Celina.

“Napagdesisyonan kasi ng class na iba-ibahin ang entrance pero isang lugar lang ang lalabasan.” –Ma’am Abelgaz.

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon