Chapter 1: Meeting

342 1 1
                                    

(Jeselle’s POV)

BOOOORRRRIIIINNNNGGGG!!!!

Nakakabored talaga dito sa school. First day ng class for the last year namin ng high school. Bale, 4th year na kami. Hindi ko nga inexpect na aabot ako sa taong ito. Well, I don’t really want to attend school. Lahat kasi ng itinuturo dito, alam ko na. Hinihiram ko kasi at binabasa ang mga libro ng kuya ko dati, kaya alam ko na yung coverage ng mga tinuturo. But because of my friends, I enjoy going to school. Going lang ha? Not studying. And speaking of my friends, here they come. Jenelyn, Danica, Jonalyn, Em-ei— mahaba kasi ang name niya which is Emily Eidel May Ann, kaya naman Em-ei na lang ang tawag namin sa kanya. And lastly, Celina. Mayayaman kami, Barumbado nga lang kahit mga babae. Paano kami nagkakilakilala?

Flash Back------

Naramdaman kong may nanggigising sa akin. Hindi ko na sana papansinin  dahil inaantok talaga ako. Pang-umaga kasi kaming mga freshman and I hate waking up so early.

“Hoy babae! Gumising ka diyan!” sabi ng kung sino.

Hindi ako umalis sa pagkakayuko ko kaya sapilitan niyang itinaas ang mukha ko sa pamamagitan ng pagsabunot sa akin. Napaangat na lang ako para hindi ako masaktan. Hinawakan nung babae ung kwelyo ko.

“Hoy babae! Bakit mo binugbog ang kaibigan ko?!” galit na tanong ng babae sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Aba! Freshman ka lang dito! Kung makaasta ka! Bakit mo binugbog ang kaibigan ko?! Hindi mo ba ko kilala?!” lalong nanggalaiti na tanong pa rin ng babae.

Luminga-linga ako. Nakita ko ang isang babaeng may mga pasa pa sa mukha. Ah…Oo nga pala. Muntik na akong mapagtripan kahapon. Akala siguro nila dahil freshman ako, hindi ako lalaban. Tsk. Walang mga kwenta. Ayon sa suot ng mga itong uniporme, mukhang mga sophomores ang mga ito. Naturingang mga higher level. Hindi magandang halimbawa.

“Ayaw mong sumagot ha!” akmang susuntukin niya ako pero dahil black belter ako sa Judo at Taekwondo, naagapan ko ang kamay niya.

“Aba’t! bitiwan mo nga ako!” sigaw ng babae.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Bigla kong pinilipit ang braso niya at nilock ang leeg niya.

“Aray! Bitiwan mo ako!” sabi ng babae.

“Wala akong panahong umagot sa mga walang kwenta mong tanong! Kaya kung pwede lang, lubayan mo ‘ko! Istorbo ka lang sa pagtulog ko!” sabi ko at itinulak ko siya.

Napasalampak siya sa sahig.

Umalis na ako sa harap niya. Palabas na sana ako ng biglang hilahin ng kung sino ang buhok ko.

“Saan ka pupunta?” tanong ng isa kasama nung babaeng tinulak ko.

Sumuntok ito pero naiwasan ko.

“Oh sh*t!” gulat na sabi nung babae.

(Celina’s POV)

Kagagaling ko lang sa isang book store dahil bumili ako ng Manga (Anime Book). Natatawa ako sa story na binabasa ko. Papasok na sana ako sa room ng section ko ng Biglang—.

“Oh sh*t!” gulat na sabi nung babae.

Oo. Nasuntok ako. At ang masaklap, dumugo ang ilong ko. biglang nawala ang ngiti ko at tumingin ng masama sa babae.

“Bakit ba kasi nandiyan ka?!” galit na tanong nung nakasuntok sa akin.

Palalampasin ko na sana ang nangyari dahil mukha namang hindi niya sinasadya. Kaso, dahil sa sinabi niya, nagbago na isip ko. siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang may ganag magalit? Wow ha? Kaya, walang sali-salita, sinuntok ko din siya. Kaya ang nangyari? Kaming dalawa nung classmate ko, alam kong classmate ko siya dahil nasa room namin siya at freshman din siya, ay sinugod ng mga sophomores. Ramble ang nangyari. Habang nagkakasapakan, biglang may nakita akong lumilipad na sapatos. Buti na lang, nakaiwas ako. Ang nangyari, ung isa kong classmate na tulog ang natamaan. At mukhang ayaw niya ang nagigising sa pamamagitan ng binatong sapatos dahil agad na tumayo ito at tiningnan ng masama ang bumato ng sapatos which is isa sa mga sophomore.

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon