Chapter 4: The Sossy Boy Martin Meets The Basagulera Girl Em-ei

163 2 0
  • Dedicated kay Em-ei Fara-On
                                    

Writer's Note:

This story is all imagination. Any events or part  that is you think happens in reality, they are not related.

Anu daw? Anyways, Enjoy reading everyone .. this is ahmmmm... Basta .. enjoy reading .. :P

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

(Em-ei's POV)

Naglalakad na ako papunta sa Library. May usapan kami na magkikita kita doon. Tinext ako ni Celina kanina. Siguro manghihiram na naman iyon ng libro.

Tsk. Hindi kaya siya naboboring magbasa ng mga libro? Ang kakapal pa naman ng mga binabasa niya. Kung ako iyon, Hindi ko kakayanin. Sabagay, pang manipisang libro lang ang kaya ng mata ko.

Napapabuntong hininga ako habang naglalakad.

Bakit feeling ko napapagod ako ngayong araw? Siguro dahil tumataba na ako?

Napadaan ako sa isang wall glass. Sinipat ko ang sarili ko.

Hindi naman ako mataba. Hay... Siguro, kulang lang ako sa 'exercise'. Matagal na rin nung huli kaming nakapag ganun.

Inayos ko na lang ang sarili ko. Ang buhok ko, ang damit at ang , ang nakatagong pagkain sa bulsa ko. Hehehe.. (^_^)\/

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Danica. Agad naman akong napangiti nung mabasa ang text niya.

BOL. Exercise. ASAP. text ni Danica.

Ang ibig sabihin ng 'BOL' ay 'Back of Library'. Coding namin. (^_~)\/ Teka? Sinabi niya bang exercise?!

(O_O)

(O_o)

(o_o)

(^_^)

Agad kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at agad tumakbo sa Likod ng Library. Pagkadating ko doon, mukhang nagtatantiyahan pa ang dalawang grupo. Lumapit ako.

"Aba! Nagtawag pa kayo!" sabi nung isang babaeng mukhang Bangus.

"Mukhang takot sila sa atin." nakangising sabi ng isang mukhang Tilapia.

Iniisip niyo na ganoon ako kahilig sa pagkain dahil sa mga description ko ano? Hehehe... Hindi naman. mga mukha lang talaga silang isda.

"Dre, naitext mo na ba sila Jen, Celina at Selle?" bulong ni Jonalyn.

"Oo dre, naitext ko na sa kanila. Mukhang magiging masaya ito. Matagal na tayoung walang 'exercise' eh." bulong din ni Danica.

"Sige! tumawag na kayo ng maraming kasama. Kahit ilan pa iyan!" sabi ni Bangus.

"Hoy! Kahit tatlo lang kami! Kaya namin kayo noh!" sabi ko.

"Talaga lang ha?" sabi nung isang mukhang dalagang bukid.

"Oo!" sabi ko pa rin. " Tawagin nga natin si Mang Abner!"

Mukhang nagtaka naman ang mga tao doon.

"Bakit?" tanong ni Jonalyn habang nakakunot ang noo.

"Kasi, nakawala yung mga isda sa fish pond! Baka kumalat ang lansa sa school!" sabi ko.

Natawa si Danica.

"Aba't--! Loko ka ah!" sabi ni Bangus at sumugod.

Doon nagsimula ang 'exercise' namin. Kaya naman namin sila kahit marami sila eh. Maya-maya ay napansin kong dumating si Jenelyn. Tumulong na rin ito. Mukhang nahihirapan sila sa amin. Kawawa naman sila. Mali sila ng kinalaban. Mga atlethic kami. Nakita ko na rin ang pagdating nila Celina at Jeselle na agad na din sumugod. Walang binatbat samin.

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon