Chapter 17.4: Foundation Day! (Part 4)

63 1 0
                                    

Author’s Note:

Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapagupdate. (  T . T ) Ngayon lang po kasi ako nakapagtype eh. Hay, anyways, since may gagamitin na ako, maaaring madalas na kong makipagupdate! Yey! ( ^ _ ^ )\/ Don’t cha worry! Maguupdate ako ng madami! Actually, isa din sa dahilan kung bakit hindi ako makapagupdate ay dahil na rin po sa writer’s block. Hehehe. And actually, revised na ang part na ito eh. Nawala kasi ung una kong ginawa. But, I hope you can like this too. So, let’s continue now the story.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Jonalyn’s POV)

Ang saklap nga naman ng buhay ko! Tsk! Asar! Sa dinamirami naman ng pwedeng makapartner, napunta pa ako sa siraulong damuhong ito!

“If ever na matakot ka, you can use my body.” sabi ni Joseph.

“Asa ka naman. That will never— Ahhhhh!” sigaw ko at napayakap kay Joseph.

Hayup na Sadako ‘yon! Bigla biglang lumilitaw sa daan! Alam niyo naman na siguro kung nasaan kami. Tama. Nasa Horror House. Bakit naman kasi parang tense ako na ewan eh.

“Okay ka na ba?” tanong ni Joseph.

Agad naman akong lumayo sa kanya.

Napangiti naman siya.

( > . < “) Asar! Naaasar na talaga ako!

“It’s okay, don’t be shy. You can hug me anytime you like.” sabi pa ni Joseph.

“Hinding hindi na talaga mangyayari ‘yon!” sabi ko.

Per pagkaharap ko sa gilid ko, isang lalaking nakaluwa ang mata ang agad na bumungad sa akin.

“KYAAAAAAAAAAAAAA!” sigaw ko at agad napayakao ulit kay Joseph.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng damuhong ito.

“You don’t have to be shy you know.” sabi ni Joseph. ( ^ _ ^ )

Agad na lumayo ako ng tuluyan sa kanya. Nakakaasar na talaga! Kaya umalis agad ako. Madilim man, nakakakita pa rin naman ako kahit papaano.

“Hey wait!” sigaw niya at agad akong sinundan.

Tuloy-tuloy npa rin ako sa paglakad at takbo ko makalayo lang sa damuhong iyon!

“Sige ka! Nandiyan si Sadako!” sigaw niya.

“I said shut— AHHHHHHHHHH!” sigaw ko ulit.

Paglingon ko kasi sa likod ko, biglang lumitaw si Sadako. Agad akong napaupo at yumuko. Nandoon lang ako at hindi tumayo.

Kahit naman basagulera kami, babae pa rin kami at natatakot sa multo.

“Hey.” –Joseph.

Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko kaya hinawi ko ang kamay niya.

“Don’t touch me!” sabi ko at agad akong lumakad palayo sa kanya.

“Hey wait!” tawag na naman niya.

Ano ba yan! Tawag ng tawag!

Hindi ko na lang siya pinakinggan. Badtrip kasi eh! Alam mo iyon? Ayokong may nakakakita sa kahinaan ko.

“’Oy! May multo diyan!” pananakot niya ulit.

Huminto naman ako.

“Subukan niyong magpakita sa akin o lumapit sa akin! Babasagin ko pagmumukha niyo!” sigaw ko.

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon