Chapter 2: The Sossy Boy Nick meets The Basagulera Girl Celina

222 2 0
                                    

(Celina's POV)

"Selle, samahan mo naman ako sa library." aya ko kay Jeselle.

"Anong gagawin  mo sa library?" tanong ni Jeselle.

"Bibili ako ng Napkin sa library." pilosopong sagot ko.

"Teka? Kailan pa nagkaroon ng deparment store sa library?" balik tanong ni Jeselle.

Natawa ko. Ang adik talaga nitong si Jeselle. (^_^)

"Malamang sa alamang, manghihiram ako ng libro." sabi ko at hinila ko na siya. "Ano bang ginagawa sa library? siyempre nanghihiram or nagbabasa ng libro."

"Natutulog." sagot naman nito.

Oo nga pala. Pag pumupunta kami sa library, natutulog lang kami. Iyon kasi ang pinaka tahimik na lugar sa campus. Siyempre, library nga eh. nagaadik na naman ako .. (=_=)"

"Sabagay..." pagsang-ayon ko. "Pero ngayon, manghihiram ulit ako ng libro."

"Na naman?!" gulat na tanong ni Jeselle. "Kahihiram mo lang kahapon ah!"

Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Siyempre. Tapos ko na kasi yung hiniram ko at wala naman akong mabiling bagong manga, kaya, dito muna ako sa library hihiram."

"Bakit hindi ka na lang bumili? Ang yaman yaman mo eh!" sabi ni Jeselle tapos tiningnan ako ng masama. "Nagtitipid ka na naman noh?!"

"Oi, hindi ah! nagiipon ako para pambili ng manga!" sabi ko. "Alam mo namang hindi ako bibigyan ng pambili ng manga kahit manghingi ako. Sasabihin lang nila na nagsasayang ako ng pera."

"Hindi ba?" tanong ni Jeselle.

"Nagsasayang. Pero un ako masaya. Tsaka, mayaman naman kami ah. hindi naman siguro mauubos yung pera namin ng dahil lang sa manga." sabi ko.

"Sabagay.." sang-ayon ni Jeselle. "'Asan nga pala sila Est?"

'Est' ang tawag ni Jeselle at Danica sa isa't isa kasi, BFF sila. (^_^)

"Tinext ko na sila na pumunta ng library." sabi ko.

"Pupunta ba sila doon?" tanong ni Jeselle.

"Oo. Pupunta sila." siguradong sabi ko.

"How can you be so sure?" tanong ni Jeselle. "Alam mo namang Allergic kami sa library."

Nagevil laugh ako. "Alam mo namang may consiquence ang hindi pupunta di ba?"

Biglang napangiti ng maluwag si Jeselle.

Alam niyo kung ano ang consiquence? Uutusan ang hindi nakapunta sa usapan na gumawa ng nakakahiyang bagay. So far, wala pa namang hindi nakakapunta sa usapan. Kahit tumakas pa kami makapunta lang sa usapan, ginagawa namin.

Nagtawanan kami hanggang makarating sa library.

"Humanap ka na ng pwesto diyan, Selle. Hahanap lang ako ng pwedeng mahiram." sabi ko.

"Okay." sabi nito at tumalikod. Pero bigla itong humarap ulit. "Teka! Hanggang anong oras ang hintayan?"

"Fifteen Minutes." sabi ko. "And timer starts now."

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon