Chapter 12: Unclear Feelings

122 2 0
                                    

(Jeselle’s POV)

Ito na ang araw na pinakahihintay namin! Ang examination week. Though medyo nagaalala ako kung makakapasa ba kami lahat dahil lately, parang distracted si Celina sa lessons namin. Hindi ko alam kung bakit, wala naman kasi siyang sinasabi sa kahit na sino sa amin. Pag tinatanong naming siya, puro wala ang sagot niya o kaya naman kibitz balikat lang. Pero feeling ko, meron siyang problema. She seemed so jelous and hurt. Hindi ko lang alam kung bakit at kanino.

“GOOD MORNING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” –Em-ie.

Napalingon kaming lahat sa pintuan.

“Dre, ang aga mong mangbulahaw ah!” –Danica sabay tawa.

“Grabe ka naman! Pinapasigla ko lang ang umaga!” –Em-ei.

“Hindi na kayo nasanay diyan.” –Jonalyn.

“Bhesie naman!” –Em-ei.

Tapos nagtawanan sila.

“Dre, asan si Celina?” –ako.

“Huh? Bakit? Wala pa ba siya dito?” –Em-ei.

“Wala pa. Eh di ba kayo ang sabay sabay pumasok?” –ako.

“Nagtext kasi siya sa amin kagabi na mauuna siyang pumasok ngayon kaya wag na naming siyang puntahan, kaya dumeretso na kami ng pasok.” –Em-ei.

“Hindi niyo ba napapansin?” –ako.

“Huh? Ang alin?” –Em-ei.

“Wala ba talaga kayong napapansin?” –ako.

“Ano ba ang dapat naming mapansin?” –Jenelyn.

“Lately kasi, parang iba ang mga kilos ni Celina.” –ako.

“Ah, iyon ba. Hayaan mo na iyon, Est.” –Danica.

“Bakit naman?” –ako.

“Hindi lang kasi maka-move on ang isang iyon dahil hindi siya nakabili ng anime niya.” –Danica.

“Ganoon ba?” –ako.

“Kaya, hayaan mo na ang isang iyon. Makakamove on din ang isang iyon.” –Em-ei.

“Okay…” –ako.

Pero parang hindi dahil doon yun eh. Hindi naman ganoon kababaw si Celina. Saka ang tagal tagal na nun eh. Kaya imposible talaga.

Maya-maya ay nagbell na.

Naku! Asan na ba si Celina! Bawal pa namang malate kapag examination dahil may deduction.

Pera, bago pa nakapasok ang teacher namin, nakapasok na si Celina.

Hay… Buti na kaabot siya… (=,=)”

Lalapitan ko na sana siya ng biglang pumasok na ang teacher namin.

“Okay class! Let’s start the examination! Alam niyo naman siguro ang rules hindi ba?” –Mrs. Abelgaz.

“Yes ma’am!” –kaming lahat.

“Good. Then let’s start na.” –Mrs. Abelgaz.

Nagsimula na nga ang examination namin.

[Break Time…..]

Nagpunta na kaming lahat sa canteen para bumili na ng makakain at makapagreview pa para sa mga susunod na exam.

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon