Chapter 18: Masquerade Ball.

78 2 0
                                    

(Danica's POV)

Kahapon, hindi naman kami nagenjoy. 'Di kasi kami kompleto eh. Nagkasakit pala si Celina. Hay. Pasaway na babae 'yon. Hindi sinabi na ganoon pala ang kalagayan niya. Baliw talaga 'yon. Tsk.

Biglang kumatok ang kung sino sa kwarto ko.

"Nica, anak, gumising ka na." -???

Ah, si yaya Rosa pala iyon. Si yaya Rosa, yaya ko na siya simula bata pa lang ako. Parang siya na nga ang nanay ko eh. Siya, nag-aalala sa akin. Samantalang yung parents ko, trabaho na ang itinuturing n Nk. Yung mga kapatid ko, may mga asawa na din. Ako na lang ang nandito sa bahay. Kasama ang mga katulong. Hindi ko na nga nakikita parents ko eh. Badtrip ba? Oo naman. Huling nakasama o ata sila ay 5 years old pa ako. I can't even remember those times.

"Nica, anak?" -yaya Rosa.

"Po, yaya? Gising na po ako." sabi ko.

"Halika na at bumangon na! Tayo'y mag almusal na." yaya ni yaya Rosa.

Bumangon na ako at lumabas na ng kwarto ko. Nakita kong nakahain na ang almusal. Umupo na ako.

"Good morning Nica!" bati ng isa pa naming katulong.

"Lisa! Gumalang ka nga!" sita ni yaya Rosa.

"Inay naman." -Lisa.

Si Lisa, anak ni yaya Rosa at Mang Kiko. Si Mang Kiko, driver namin iyon.

"Naku yaya Rosa, okay lang po iyon. Total parang ate no na din si ate Lisa eh. Saka, para ko na rin pokayong pamilya eh." sabi ko.

Totoo naman. Parang mas sila pa ang pamilya ko eh. Sila lang ang nagmamahal sa akin. At syempre, ang mga kaibigan ko. ( ^ _ ^ )\/

"Oh, 'di ba, inay?" -Lisa. ( ^ _ ^ )\/

"Oo na, oo na. tawagin mo na ang itay mo ng sabay-sabay na tayong mag-agahan." -yaya Rosa.

Actually, nasa may kusina kami. Yung dining table namin, nagagamit lang pag kumakain sila mama at papa,or yung mga family members. Ako? Kasabay ko sila yaya Rosa pag kumakain. Simula pa noon. Oh 'di ba? Parang sila nga ang pamilya ko.

"Magandang umaga, hija." bati sa akin ni Mang Kiko.

Ngumiti ako. "Good morning po, Mang Kiko!"

Nag-agahan na kami. Pagkatapos namin mag-agahan, dumeretso ako sa kwarto ko, usually, pag ganitong araw, nasa lakwatsahan ako, pero ngayon, parang tinatamad ako. Kung hindi naman sa galaan, sa kwarto lang ako nagstay. Biglang nagring ang cellphone ko.

"Hello?" -ako.

"Est, anong ginagawa mo?" -Est.

A/N: Info lang po. Yung 'Est' po sa POV ni Danica ay si Jeselle and vice versa. Yun po kasi yug tawag ni Danica at Jeselle sa isa't-isa since sila ang magbestfriend. Yun lang po! ( ^ _ ^ )\/

"Wala. Asar nga eh." -ako at dumapa sa kama.

"Good. Let's visit Celina." -Est.

Oo nga pala. May sakit yung pasaway na iyon.

"Sige. Meet na lang tayo sa bahay nila." -ako at tumayo na.

Naligo na ako at nagbihis. Tapos, dali-dali akong bumaba.

"Nica, anak, saan ka pupunta?" -yaya Rosa.

"Ya! Dadalawin lang namin si Celina! May sakit kasi siya eh!" -ako at tumakbo na.

"Mag-ingat ka Nica!" -yaya Rosa.

"Opo, ya!" -ako.

Agad akong sumakay sa motor ko at umalis na. paglipas ng 20 minutes, dumating na ko kila Celina. Napatulala na naman ako sa bahay nila. Kahit ilang beses na akong nakapunta rito, namamangha pa rin ako. Anlaki kasi sobra ng bahay nila eh. Malaki din naman ang bahay namin pero walanjo, mas malaki bahay nila eh.

The Sossy Boys Meets The Basagulera GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon