Cazelle Jam's POV"Cazelle, wake up"
.
.
Napabangon naman ako dahil sa gumigising sa akin. *hikab*"Goodmorning!"- bati ni Kaizer.
"Morning din"
"Come"- at inilahad ni Kaizer ang mga kamay nya. Marahil inaalala nitong magiging mabuway ang lakad nya dahil bagong gising lang sya.
Dinala nya ako sa may teresa.
"WOW!"- as in wow lang. Tanaw na tanaw mula dito ang buong hacienda nila Kaizer. Hindi ko napansin kahapon ang ganda ng kapaligiran dahil gabi na ng makadating kami dito.
"Ang ganda naman dito Kaizer"- sobrang hanga ako sa tanawin. Hindi pa rin pumapalya ang kalikasan na pahangain ako.
"This is where I spent most of my childhood"- nagmamalaking wika ni Kaizer..
"Nong college lang ako napalipat sa Manila"- pagpapatuloy ni Kaizer.
"Sarap naman dito. Siguro kapag nag asawa kana dito kayo titira"- wala sa loob kong sabi.
"Yes I want to spend the rest of our life here kapag kasal na tayo"
Pakiramdam nya sya ang magiging asawa nito. Ang swerte ko siguro nun.
"Tara breakfast na tayo"- Kaizer.
Iginaya naman nya ko pababa. Parang prinsesa naman ako dito tapos si Kaizer yun prince.haha.
"Kuya Kaizer!"
"Cielo!"
"I forgot to tell you. Kaya kita dinala dito para malaman at makilala mo ang mga mahahalagang bagay sa akin"- pagbaling ni Kaizer sa akin.
Napaawang ang labi ko. Ibig bang sabihin nun mahalaga na ako sa kanya?
Sinalubong si Kaizer ng yakap ni Cielo na tinutukoy nya pagkababang baba namin sa hagdan.
"Nagulat ako nun sinabi ni mama na nandito ka daw. At nagsama ka pa ng isang magandang dalaga"- nakangiti itong bumaling sa akin kaya nginitian ko din.
"Cazelle meet my cousin, Cielo Kim. Cielo my girlfriend, Cazelle Jam Montalbon.
Girlfriend? Eh? Ako? Aish. Hayaan na. Haha kahit kunwari masaya na ako dun.
Nang yakapin ako ni Cielo hindi ko mapigilan mapangiti. Ang gaan kasi kaagad ng loob ko sa kanya.
After namin kumain ng breakfast inilibot ako ni Cielo sa hacienda. Nalaman ko na sa kanila pala ipinamamahala yun Hacienda nila Kaizer.
"Ikaw pa lang ang kauna unahan na dinala ni Kaizer dito"- Cielo.
"Talaga?"- hindi ko naman maiwasan mapangiti.
"Oo. Haha gusto kita para sa kanya kahit mukha kang mataray"- cielo
Sinamahan ko si Cielo na magluto for lunch. Ipinakilala din naman nya ako sa mga katulong nila. Si Kaizer naman may gagawin lang daw saglit.
"Alam mo ba ang fav. Ni kuya na dish ay spicy kaldereta :)"
"Ah. Pwede mo ba ako turuan magluto nun?"- nahihiya kong wika.
"Sure, actually yun talaga lulutuin ko. Madali lang naman sya. Dapat ganito ang pagluto... bla bla.. bla.. bla..bla.."
Sabi nila a way to mans heart is through stomach. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko diba?? Mag aaral na nga akong magluto.
"Lunch is ready!"- sigaw ni Cielo. Sakto naman pasok ni Kaizer na pawis na pawis. Saan ba to nagsusuot. Tss. Kinuha ko yun panyo sa bulsa ko at pinunasan ko sya sa mukha..

BINABASA MO ANG
Drop Dead Heartless Girl
RandomThis story is just part of my imagination HAHAHAHAHA. Hope you read it guys. This is my first time na gumawa so bear with me baka may mga typo or something.