Cazelle Jam's POVOne week na lang at pasukan nanaman. Huhu. Andito kami ngayon sa mall at nililibang ko si Monique. Ang bruha kasi napaka drama puro emote na lang ng emote. Paano kasi nahuli nya si Lester na may iba ng babae. I need some space daw sabi ni Lester yun pala meron ng iba dapat dinala na lang ni Monique sa space!! Tsss. Wag ko lang makikita yun lalaking yun makakatikim talaga sa akin yun.
Dapat kasama sila Rechell kaso mga hindi naman macontact!
"Hoy babae! Wag mo ng kaisipin yun hindi naman kawalan mukha naman butete!"-pag aalo ko sa kanya.
"Eh kasi mahal na mahal ko talaga si Lester. Look at me may mali ba sakin o may kulang sa akin?"-naiyak na saad ni Monique.
Agad naman akong tumingin sa kanya.
"Walang mali sayo at lalong walang kulang sayo na kay Lester ang problema okay?? Hayaan mo na kasi yun gagong yun!"-ako
"Be huhuhuhu!"-Monique.
"Boy hunting na lang tayo?"-pagbibiro ko sa kanya.
Samin apat si Monique ang the best mag mahal kasi kapag ikaw minahal nyan sayo lang talaga iikot mundo nyan wala ng ibang makikita yan kundi ikaw.
"Ayaw"-Monique
"Eh ano gusto mo?"
"Si Lester nga be! Huhuhu"-Monique.
"Hay nako be. Dapat nga galit ka sa kanya kasi niloloko kana pala nya. Wag mo ng habulin hindi sya worth it okay?"
"Be sa tingin mo ba makakaya ko to?"-Monique.
"Oo. Andito naman kaming mga kaibigan mo oh"-sabay punas ko ng luha gamit ang panyo ko.
Makakatikim talaga sa akin yun lalaking yun. Saktan na nya lahat wag lang si Monique.
Calling KaizerKo....
Napangiti naman ako. :) ilang days din kaming hindi nagkita dami nya kasing ginagawa sa office.
"Sweetheart"-ako
"I miss you sweetheart wanna date with me?"-malambing na saad ni Kaizer.
Tumingin muna ako kay Monique at nag thumbs up sa akin.
"Sure. Sweetheart and I miss you too!"- sabay hagikhik ko.
"I'll fetch you at 7pm. I love you!"
"Ok. Loveyou too!"- then i hunged up the phone.
"Tara na be uwi na tayo para makapaghanda ka sa date nyo"-pagaya ni Monique.
"You sure?"-paninigurado ko.
"Don't worry I'll be fine"
Hinatid ko si Monique sa mismong bahay at mismong kwarto nya just to make sure na okay sya. I even checked her whole room baka kasi mamaya may lubid o knife. Nababalitaan ko kasi ngayon na uso suicide dahil iniiwan sila ng mahal nila. Paranoid na kung paranoid.
After kong ihatid si Monique, Tinext ko sila Rechell na puntahan si Monique para icomfort.
Nandito na ako sa kwarto ko at oh my!! Malapit ng mag 7pm pero wala padin akong masuot. Tsss.
Sa huli isang simple pink dress na lang ang pinili ko. Mukha akong anghel dito sa suot ko. Wahahaha. Hindi ata bagay?? Pero hayaan na kesa black or red nanaman.
*tok tok*
"Ma'am Si Sir Kaizer po nandyan na"-Katulong.
I get my pouch at muling humarap sa salamin. Ewan ko ba kapag kay Kaizer feeling ko lagi akong dapat maganda sa paningin nya.

BINABASA MO ANG
Drop Dead Heartless Girl
RandomThis story is just part of my imagination HAHAHAHAHA. Hope you read it guys. This is my first time na gumawa so bear with me baka may mga typo or something.