Cazelle Jam's POVArgh!!!! Hindi ako makatulog at pabaling baling lang ako sa kama. Hindi ako sanay na magkagalit kami ni mokong.
Dinampot ko phone ko at tinignan kung may text mula sa kanya. Sad to say wala. Ayoko naman mauna magtext. Ano naman sasabihin ko dun?? Tsss.
Masisiraan na ako ng baet dito! Kailangan kong maliban. Oh gosh! Miss na miss ko na si Kaizer. Huhuhu. Eto nanaman ako hindi nanaman mapigilan umiyak. Mugtong mugto na mata ko.. bakit ba hindi maubos ubos tong luha ko?? Huhuhuhu.
Nasaktan ako sa mga salita na binitawan nya pero mas masakit pala kung hindi ka papaniwalaan ng taong mahal mo :'(
Bar lang sagot sa problema ko! Dali dali akong tumayo at nagpalit ng damit...
Pumunta ako sa bar namin. Wala naman sila Rechell dun kaya walang aawat sakin kahit maglasing ako magdamag..
"Hard please!"- sabi ko sa bartender.
"Isa pa!"- ang sakit na ng ulo ko pero bakit ganun hindi ko padin makalimutan ang sakit na nararamdaman ko???
"Isa pa!"
"Isa pa!"
"Wala bang mas hard?!! Tsss"
Kaizer's POV
F*ck! Halos mag aalala ako ng hindi nya sinasagot mga tawag ko kaya pumunta ako sa kanila tapos ganun ang madadatnan ko?? Biglang nagdilim paningin ko ng makita ko sila kaya walang ano ano'y sinuntok ko si Kurt. Wala talaga akong tiwala sa hayop na yun!! Bakit ba nagawa ni Cazelle sakin to? :( mahal na mahal ko sya eh.
Pumunta ako sa may ref para kumuha ng alak... hindi ko padin maiwasan isipin si Cazelle...*sigh*
*ding dong!*
Sino naman yun at disoras na ng gabi ay nakatok pa? Kahit tamad na tamad, tumayo ako mula dito sa kinauupuan ko para pagbuksan kung sino man yun nakatok. Tss.
"Kailangan mo?!"- i said in a cold tone.
"Pre hayaan mong magpaliwanag ako"-Kurt.
"What for?? Ipapamukha mo ba sa akin na niloloko lang ako ni cazelle? At pinagpalit nya ako sayo?? Pwes sayong sayo na sya! Maaari ka ng makaalis"-blankong expression kong saad pero sa loob loob ko halos manghina ako dahil hindi ko kayang makita si Cazelle na may mahal na iba.
"Eh gago ka pala talaga eh! *boogsshh!* "-Kurt.
Sinuntok nya ako na naging dahilan ng pagtumba ko. Ano bang problema neto? Ibinibigay ko na nga sa kanya ayaw pa? Tsss.
"Oo aaminin ko gusto ko si Cazelle! At sana nga ako ang mahal nya! Pero hindi eh dahil ikaw ang mahal nya!"-kinwelyuhan nya ako at itinayo.
Napamaang lang ako sa kanya.
"At yun nakita mo kanina? Hihipan ko lang mata nya kasi napuwing! Pre magtiwala ka naman sana kay Cazelle. Kung nakita mo lang sana sya kung gaano kasaya habang ikinukwento ka nya sa akin. Mahal na mahal ka ni Cazelle sana naman pahalagahan mo sya."-pagpapatuloy ni Kurt.
With that napatigil ako. Tila nagloloading pa yun mga pinagsasabi ni Kurt.
.
.
.
.
Sh*t! Hindi ko dapat sinabi kay Cazelle ang mga bagay na yun. Naguiguilty ako dahil nasaktan ko sya. Hindi dapat ako nagpadalos dalos. Kinain ako ng selos ko.Tinabig ko ang kamay ni Kurt na nakakapit sa kwelyo ko at dali dali kong kinuha ang susi ng kotse ko.
"Thank you pre!"- sabi ko kay Kurt.
BINABASA MO ANG
Drop Dead Heartless Girl
De TodoThis story is just part of my imagination HAHAHAHAHA. Hope you read it guys. This is my first time na gumawa so bear with me baka may mga typo or something.