Chapter 10: Kaizer's Side

63 5 0
                                    


A/N: as requested. Bitin daw kasi kapag isa lang ang update. Hahaha. So here it is......


Cazelle Jam's POV

Arrghhhh!!! It was supposed to be a date pero ang nangyari disaster nanaman.

Hindi naman sya mahalaga sa akin pero bakit ganito nasasaktan ako dahil mas pinaniwalaan nya si Stacey??
.
.
.
.
Naglakad lakad na lang ako at nagbabakasakaling may dumaan na taxi. Nang may biglang humimpil na sasakyan sa tapat ko.

Sino naman kaya to?? Wag naman sanang kidnapper dahil tyak hindi naman ako tutubusin ni Tanda baka nga matuwa pa yun eh.

Lumabas mula sa sasakyan si??
.
.
.
.
.
.
.
.
.
."Mathew?"- gulat kong saad.

"Ah hi?? Bakit magisa ka lang dito?? Nasan na yun kasama mo? Delikado na ah."- Mathew.

"Ah eh?? Nagtalo kasi kami. Alam mo na. Dun sa nangyari kanina. Pwede makisakay??- bahala na kapalan na ng mukha I need a ride na eh. Tama nga sya delikado dito dahil gabi na at kokonti na lang ang tao.

"Sure. Hatid na kita. San ba bahay nyo??- Mathew.

"Sa Eastern Village lang"- sagot ko habang pinagbubukas nya ako ng pinto ng sasakyan.
.
.
.
.
Habang nagmamaneho kwento lang sya ng kwento at ako naman si tango lang ng tango.

Actually mabait naman si Mathew eh at gentleman pa. Kaya lang hindi ko talaga type.

"Ah Cazelle pwede bang maging magkaibigan na tayo?- nagaalangan na tanong ni Mathew.

"Okay lang naman kasi sakin basta wag ka lang magpupumilit manligaw hindi talaga kasi kita gusto"- straight forward kong sagot.

"Sige kahit hanggang kaibigan na lang masaya nako"- masayng baling sakin ni Mathew.
.
.
.
.
.
"Salamat sa paghatid Mathew"

"Welcome. Sana maulit ulit ito"- natatawang saad ni mathew.

"Malay mo haha.Sige bye!".
.
.
.
.
.
Pagdating ko sa kwart ko pabagsak akong humiga sa kama. Wala ng palit palit nakakatamad eh..

~~~
MONDAY.

May pasok nanaman. Tamad na tamad akong pumasok. Kaya next subject na lang ako papasok.

~~
Kaizer's POV

Ang plano ko lang talaga ay isama si Cazelle sa party ni Steph. Hindi ko alam at bigla na lang lumabas sa bibig ko yun date. Kaya pinanindigan ko na lang.

Pagdating ko sa kanila. Nakita ko si Ninong. Nagbibihis pa naman si Cazelle kaya nakipagkwentuhan muna ako kay Ninong. Nagulat ako ng tanungin nya ako kung gusto ko daw anak nya?? Natigilan ako saglit, hindi ko alam kung gusto ko sya basta ang alam ko lang ang sarap nya kasama,ang sarap asarin, at lagi kong hinahanap pagiging masungit nun. Sa huli sinabi ko na lang na hindi tulad ng anak nya ang tipo ko kasi naguguluhan pa talaga ako kung ano nararamdaman ko para sa kanya.

Nabadtrip lang talaga ako ng sagutin nanaman nun si Ninong ng ganun at tila parang wala lang sa kanya na makitang nasasaktan si Ninong.

Wala kaming imikan masyado kahit hanggang sa party ni Steph.

Kainan na at ikukuha ko na sana si Cazelle ng pagkain ng may lumapit sakin at nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na makita si Stacey.

Kinapa ko ang aking sarili. Laking gulat ko ng wala na ako makapang excitement sa tuwing makikita sya di tulad ng dati na talagang halos magwala ang puso kapag nakikita ko sya. Tama nga sila time heals. At masasabi kong nakamoved on nako.

"Hi Kaizer"- Magiliw na bati sakin ni Stacey

"Uh hello?"

"Can we talk please Hon??"- Paglalambing ni Stacey

Drop Dead Heartless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon