01: Stick-O Madness

98 5 2
                                    

AYAH

"HOY! Joanna, kukuha kami sa stick-o mo ah!" Pagpa-paalam ni Jonas sa kapatid niya.

Walang reply mula sa kapatid niyang mas bata sa amin ng dalawang taon.

"Okay. Silence means yes." Sabay dukot ng stick-o at kain. "Penge rin." Panghihingi ni rin ni Ram. Tinanguan lang siya si Jonas.

"Ako din no!" Sabi naman ni Jaycee. "Syempre kami rin ni Rojin." Sabi naman ni Eejay.

"Hay, tinding buraot niyo mga p're." Sabi ni Jonas habang tinitignan ang buong tropang lantakan ang stick-o. "Ikaw Ayah, gusto mo?" Galing naman, kung kailan isa nalang saka lang sila nang alok.

"Wag na, magsawa kayo d'yan." Inirapan ko sila.

"Paano? Ubos na nga e!" Pambabara sakin ni Ram. "Aba, hanap kang paraan, g*go." Malutong na mura ko sakanya.

Ako si Ayah Maer Maguan. 13 years old. Grade seven sa Santo Domingo HS. Sakto lang ang height, morena at sakto lang rin ang talino. Hindi ako matalino kasi marunong ako. Iba ang marunong sa magaling at marunong sa matalino. Kaya marunong lang ako.

Nandito ako sa bahay ni Jonas kasama ang iba pang kabarkada o ka-tropa ko. Sina Ram, Jaycee, Rojin at Eejay. Mga loko-loko, tarantado, adik, sabog, hyper, maiingay at mga lalaking mahihina ang utak. Well excuse Eejay and Rojin dahil sila lang ang matino-tino kapag usapang academics.

Si Jonas Vallejo, 13 years old rin. Same school, kaklase ko, well lahat naman sila. Matino-tino rin ng kaunti. Note, kaunti lang. Marunong magseryoso pero minsan lang. Average ang talino, siguro yung tipong pasang-awa. May maibubuga rin naman kahit papaano, paluin mo lang ng bakal na may nakasulat ng 'MAGTINO KA!' Solve ka na. Responsible rin. In short, medyo goodboy,

Nandyan naman si Ram Alonzo. Siya yata pinaka-mahina samin. Laging ngini-ngitian lang ang teacher dahil di niya kayang sagutan yung tanong, kasi madaldal. Mahina na nga ayaw pang pagbutihin. Alam niya lang siguro, manood ng porn. Seryoso ako. Lagi nilang topic yun ng tropa. Enjoy nga sila sa lesson naming sexual reproduction.

Si Jaycee Galyo naman ang ExCo- guy sa tropa. Yung puro Coricullar activities ang atupag kaya hina sa academics. Puro basketball, journalism at math quiz bee. Marunong siya, oo. Pasang-awa sa ibang subject, magaling sa ibang subject kaya kahit magaling siya sa isa, may humahatak sakanya pababa. Pogi raw. Tang*na nila kung ganun kasi hindi ko makitang pogi siya.

Eto na! Si Eejay Pineda. Hari ng kabastusan ang bansag ko sakanya. Paano ba naman kasi?! Lagi nalang bastos lumalabas sa bibig tapos mamaya may gagawing nakakadiri at bastos. Pero lahit ganun matalino siya. Hindi siya pasang-awa or anything dahil pasado siya madalas. Syempre may times rin namang bagsak siya pero 'di lagi. Nama-minus-an nga lang dahil ang daldal at ang ingay sa klase. Pero kahit ganun, source of happiness yan ng barkada. Masiyahin kasi.

Five is to OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon